Chapter 15

11 4 0
                                        

Kabanata 15

Nagising ako mula sa sinag ng araw na nagmula sa kaunting siwang sa bintana ng kwartong tinulugan namin.

Ang ganda ng tulog ko, ikaw ba naman matulog sa ilalim ng naglalakihang biceps at anim na pandesal tingnan natin kung hindi sasarap ang tulog mo.

I yawned as I sat down and stretched my body. Nakapikit pa rin ako dahil masyadong masakit ang araw kung dere-deretso kong ibuka ang mata ko but when I finally did, I noticed that Jandro was no longer in the room.

Napansin ko rin ang maliit na sticky notes sa bed side table nang tumayo ako kaya kaagad ko iyong kinuha at binasa.

Good morning, sunshine.

I am working here in the living room 'cause I don't want to disturb your beautiful sleep with the sound of my keyboard. Just get down here and we'll eat our breakfast together!

— Your handsome boss.

I scowled at his message but at the same time, hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.

Minsan lang siyang ganito, iyong hindi nang iistorbo.

Nilagay ko ang sticky note sa loob ng bag ko at naglinis na ng sarili. I even struggled a little to what I will wear dahil puro pang formal event ang kinuha ni nanay sa cabinet ko.

Ito ba naman kasing isa, hindi sinabi kung saan kami pupunta kaya ayun tuloy ang akala ng nanay ay formal na meeting ang dadaluhan.

May naipadala si nanay na dalawang dress and I chose to wear the yellow one dahil beach vibe siya e.

Pagkatapos kong mag-ayos at lahat-lahat ay bumaba na ako dahil baka gutom na iyong paborito kong kaaway. Baka ako pa ang sisihin niya kapag nagkasakit siya.

Nang makababa ay naabutan ko nga siyang nagt-type ng kung ano sa keyboard niya, ang seryoso ng mukha. He looked like the Jandro that I always saw in his office before—brows furrowed, eyes locked on his laptop, his chin resting on his hand, and that random clicks of his tounge.

Kumalam ang sikmura ko kaya napabaling ako sa wall clock ng villa. It's already 7 in the morning which is already late for breakfast for me kaya siguro kumalam na ang sikmura ko.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at lumapit na sa pwesto ni Jandro. Sinadya kong pumunta sa likod niya para takpan ang mata niya, guguluhin ko ang araw niya.

He's too serious and I know I shouldn't be pissing him off pero ngayon lang naman e.

Iyon nga ginawa ko, I covered his eyes with my two hands and I hardly stopped myself from giggling as the thought of him panicking because of it crossed my mind but he didn't respond that way though.

He's just calm, just sitting down as if he knew who was covering his eyes kaya napanguso ako at bahagyang inilapit ang mukha sa gilid niya para siguraduhin but no trace of panick at all.

Mas lalo akong napanguso at nakampante sa pagluwag ng pagtakip ko sa mata niya and in a swift move, he moved my hand away at nang lumingon siya sa pwesto kung nasaan ang mukha ko ay kaagad na naglapat ang mga labi namin.

His eyes enlarged as his ears began to turn red and I am sure his reaction mirrored mine.

Did I just lose my first freaking kiss??

Kaagad akong lumayo at tumalikod sa kanya dahil sa mabilis na pagtaas ng lahat ng dugo ko sa mukha at alam kong pulang-pula na ako ngayon. Hindi pa nakatulong ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Hotel De AmoreWhere stories live. Discover now