Kabanata 10
I heaved a sigh as I felt the exhaustion fill my body.
Kakahatid ko lang kina Abuela at Sanny sa room ng matanda at ngayon ay abala ako sa pagmasahe sa sariling likod.
Nakakapagod ang araw na ito, parang binagsakan ng buong mundo ang katawan ko.
“Napagod yata ang bagong parte ng pamilya” bungad na asar ni Raine pagkapasok niya sa department mula sa labas.
“Tatahimik ka o tatahimik ka?” inip na sambit ko at tinapunan siya ng masamang tingin.
Pumasok na rin si Roland sa loob at umupo sa gilid ko.
“Bakit ba hindi mo suot ang uniform mo kanina habang kasama mo sina madam Helen?” He asked.
Pagod naman akong napasandal sa ding-ding sa likod.
“She asked me to wear it and so I did” simpleng sagot ko.
“You look like a tourist kanina bes! Ang ganda, kabog na kabog! Napatitig tuloy ang aking pambato” Raine muttered lively and even with a tune.
“Stop that” pagpigil ni Roland sa kanya.
“Selos ka? Hindi magiging sayo ya—”
“Dahil magiging sayo siya” pambabara ko kay Raine kaya kaagad siyang napabaling sa akin habang naka angat ang isang kilay.
“Anong pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga Amelia!” asar na ani ng huli na nagpatawa sa akin.
“Sino ba yang pambato mo?” kuryosong tanong ko at inayos ang suot kong polo.
I didn't wore my uniform again dahil tapos na rin naman ang shift namin.
“Si boss” simpleng sagot niya na nagpairap kaagad sa akin. Nag replay nanaman kasi sa utak ko ang sinabi niya.
Ewan ko ba kung bakit ako naapektuhan no'n knowing na wala namang mali sa sinabi ng lalake pero wala nakakabadtrip talaga.
“Uy, uy, may problema yata sila. Pa chismis kami” pang-eechosera ni Raine at umupo sa kabilang gilid ko. Handang-handa e.
Akmang susupalpalin ko na sana siya dahil sa pagiging chismosa niya ngunit pumasok si miss Venice sa loob at diretso kaming tinignan kaya sabay-sabay tuloy kaming napatayo ng tuwid.
“Lia, pinapatawag ka ni sir Jandro” she muttered.
“Pakisabi ma'am na gusto ko nang magpahinga, uuwi na po ako” diretsong ani ko at inayos ang gamit ko.
“Kung may problema kayo, pag-usapan niyo. I can keep the relationship with you two just like how you keep my relationship with Zack” ani ni miss Venice na nagpakunot ng noo ko kaya bumaling ako sa kanya but she seems not to care about her words or nagmaang-maangan lang.
Parehas naman humahagikhik ang dalawang bwiset sa gilid. Ang sarap kutusan e!
I didn't say anything and just keep on cleaning my things.
“Amelia, puntahan mo na. Nasa labas lang si sir Jandro, you tell him yourself that you are tired” Miss Venice muttered that made me startled a bit.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomanceHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
