Kabanata 30
“Sure ka nang babalik ka talaga sa Maynila?” malungkot na tanong ni nanay.
Tinutulungan niya akong ilagay ang dalawang bag na dala ko sa loob ng tricycle.
“Sabi ni Alejandro, babalik siya. Hintayin mo nalang kaya apo?” nag-alalang aniya naman ni lola habang nakatayo lamang sa gate.
Alejandro...ulol!
“Wala akong pake sa kaniya, kung babalik siya dito, edi bumalik siya! Amputa, kami iyong magkasama pero sa inyo nagsabi at nagpaalam. Nakakaputangina ang gago!” irita kong saad at padabog na pumasok sa loob ng tricycle.
“Bunganga mo, Lia ha! Baka magsisi—” I cut nanay off.
Fuck that reason! Regret? Huh! I‘ve had enough.
“Will never!” irita kong aniya at sinabihan na si kuya Berting na umalis na kami.
I just looked back at them and waved. Nakakabwesit, hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos dahil sa bwesit niyang pangalan.
We were okay, weren't we? Bakit ganoon? Bakit biglang umalis nang walang paalam? Nakakabwesit talagang isipin!
Whatever his reason is, I don't care anymore! Lamunin niya ang rason niya. Wala akong pake kung para sa kapakanan ko ‘yon o ano!
Fuck him for protecting my peace and safety but never how I felt! He‘s hurting me along the way of protecting me and, I‘ve had enough! Bahala siya.
Napatigil lamang ako sa pag-iisip at pagpatay kay Jandro sa isipan ko nang sinabi ni kuya Berting na nakarating na kami sa terminal.
“Salamat, kuya” mahinahon kong aniya at kinuha ang dalawang bag ko. Isinukbit ko ang isa sa balikat ko habang hawak-hawak ko naman ang isa sa kamay ko.
Nakangiti siyang nagpaalam sa akin at saka umalis. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad na bumili ng ticket para makaabot sa susunod na bus papuntang Maynila.
I waited for almost an hour and a half before the bus arrived. I let myself fall asleep as the voyage started and gave my mind some break.
Nang makarating sa terminal ng Maynila ay kaagad rin akong sumakay ng sasakyan pauwi. Ewan ko ba kung bakit sobrang nakakapagod ang pag-upo ng ilang oras sa bus. Parang gusto ko na lang matulog ng isang buong araw o kahit gisingin niyo na lang ako kapag tapos na ang taon at ang sakit.
But I still have to work tomorrow.
Nang makauwi ay hindi na ako nag-abalang mag-ayos at maglinis ng sarili at ng mga dinala ko. Literal na diretso higa ako sa kama at diretso tulog na rin.
I woke up feeling unwell. My body feels so heavy and numb at the same time. It was raining outside kaya masyadong malamig ang paligid. Gusto ko tuloy ng mainit na pagkain.
I frowned when my body ached as I move to stand up from laying in the bed. Shuta! Pakiramdam ko binugbog ako ng isang buong araw.
“Baby naman...huwag mo nang sabayan ang sakit ng katawan ni mama” nakangusong reklamo ko nang bahagyang sumakit ang tyan ko.
Naglakad ako papunta sa kusina, pero kaagad na nangunot ang noo ko nang maliwanag ang sala papunta sa kusina.
As far as I remember, I never opened any lights when I arrived.
Napasukan ba ang bahay? Pero hindi...ang bait naman yata ng magnanakaw kung inilawan niya pa ako.
Kaagad na nanuot ang ilong ko nang may maamoy akong noodles mula sa kusina. Kahit puno ng pagtataka ay sinundan ko ang amoy.
YOU ARE READING
Hotel De Amore
RomanceHotel De Amore is made for the ones who shared care, love, and adoration towards each other but above all, its upmost goal is to let people live their best life while staying in the hotel. In this hotel, they'll feel loved, will attain self-satisfac...
