KINABUKASAN ay gumising ako ng may sama ng loob. Lintik lang ang walang ganti, Cadilus.
Nakaupo ako sa maliit na hagdan sa labas ng bahay namin. Naghihintay na lumabas siya para makaganti manlang ako. Masama ang tingin ko sa pinto nila dahil paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niya sa'kin na parang sirang plaka.
"Casper multo."
"Casper multo."
"Casper multo."
Tapos naaalala ko pa yung tingin niyang mapangmata. Tingin na mapanghusga. Tingin na parang bulate lang ako sa paningin niya! AT HINDI YUN NAKAKATUWA!
"Eyyyy! Casper mah friend!"
"F*ck off, Pre! F*ck off!"
Naiwang nakataas ang kamay ni Owen na nabigla sa sinabi ko. Agad ko namang narealize ang lumabas sa bibig ko. Ito ang ayaw ko sa ugali ko e, kapag naiinis o nagagalit, napapa-English!
Nung makabawi si Owen ay nakangisi siyang umupo sa tabi ko at inakbayan ako. "Oh? Mainit ata ulo mo? Nabusted ka ng ka-textmate mo no?"
Kwinento ko sa kaniya ang buong pangyayari kahapon at sa haba ng sinabi ko ito lang naging tugon niya, "Maganda ba, pre?" Wala siyang matinong masabi kaya kusa na siyang lumayas.
Mula umaga hanggang hapon ay naghintay ako kay Cadi. Nagngingitngit na ko sa inis at gustong gusto ko nang makaganti pero wala siya!
Kinabukasan, at nung sumunod na araw, at ng sumunod na linggo ay di ko nakita miski anino niya! Nakadungaw ako mula sa bintana namin at parang wala talagang katao-tao sa kanila.
AT SA TAGAL KONG NAGHINTAY NAKALIMUTAN KO NA KUNG BAKIT AKO GALIT! Ni hindi na nga ako naiinis!
"Nay, buhay pa kaya sila?" Sabi ko.
"Aba malamang! Nakita ko nga kanina si Mareng Sandra sa palengke, nako, ang dami ko ngang tinuro na murang bilihan--" nagkwento nalang si Nanay na hindi ko na naintindihan sa dami. Isa lang naman ang gusto ko itanong e, kung kasama ba ni Aling Sandra si Cadi.
"May lakad nga kami bukas kasi gusto niya dalin yung anak niya dun sa bagong mall. Ano nga ba tawag dun? Ah, Fairview Terraces, oo. Isasama nga sana kita kaso alam ko namang di ka mahilig gumala kasama ko –"
"SASAMA AKO!" Naibulalas ko.
Napahawak si Nanay sa dibdib niya sa gulat. Muntik niya pa matapon yung kape niya. "Eh bakit ka sumisigaw?! Aatakihin ako sayo!"
Sa kakamadali ko papuntang kwarto ay tumama pa yung hinliliit ko sa paa sa sulok ng sofa namin. Impit ang daing ko habang patalon-talon na tumuloy. Una kong pinagtuunan ng pansin ang napakagulo kong drawer. Nung mapansin ko na parang dinaanan ng bagyo ang gamit ko ay parang nahiya ako sa sarili ko.
Teka, bakit nga ba parang excited ako?
Umiling ako saka kinumbinsi ang sarili na mag-aayos ako para makita ni Cadi kung sino ang binabangga niya. Ha! Baka nga kaya di siya lumalabas ng lungga niya ay di niya kinakaya ang presensya ko! Hahaha! Baka nahihiya siya!
*****
Hindi pa tumitilaok ang manok ay gising na ko. Mamaya pa kaming tanghali aalis pero di na ko mapakali.Ewan ko ba, natulog lang naman ako pero parang nagbago ang ihip ng hangin. Bigla ay gusto kong umatras.
Sasabihin ko na sana kay Nanay na di na ko sasama pero nakaayos na siya. Nakausap na rin daw niya si Aling Sandra kaya mas nahiya akong humindi! Kaya nag-ayos na ko at sinuot yung damit na talagang hinanger ko pa kagabi. Jersey Jacket at black pants. Sa labas ko na sinuot ang sapatos ko at habang binubuhol ko yung sintas ay napalingon ako sa gilid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/374580257-288-k983040.jpg)
BINABASA MO ANG
Sage Cadilus
RomanceTILA isang odinaryong araw lamang iyon para sa Section Marcelo. Unang araw ng klase kung saan pinakilala ang dalawang transferee, isa na dito si Sage Cadilus. Babaeng nakasalamin at may malamlam na mata. Tila ba mahirap siyang lapitan dahil sa miste...