Chapter 5

3 1 0
                                        

Makalipas ang isang linggo ay Brigada Eskwela na. Siyempre, ito na ang oras ng pagkukunwari ko.

"Oyyy! Casper! Ayus-ayusin mo naman 'yang pagtatanim." Halos manginig ang mga kamay ko habang marahang binabaon yung ugat ng dahon sa lupa. Tarantado 'tong si Owen e, masayang masaya 'yan pag nakikita akong nahihirapan.

Palibhasa, alam niyang nasa paligid lang sina Nanay at Tatay kaya kung maisipan kong bigwasan siya ay may matatakbuhan siya!

"'Re, pag tumubo talaga 'yang dahon, bilib na ko sayo kasi sa buong buhay mo, ngayon ka lang may nagawang tama. Nyahahaha!"

Naisip kong may punto siya kaya natawa din ako. Tinuro ko naman si Michael sa kaniya na abalang abala sa pagpatag nung lupa.

"Naks, may green thumb ka ata pre e!" Sabi ni Owen sa kaniya, tumango lang naman to.

"Olats ka pala, lampake sayo bata natin." Pang-aalaska ko. Tuloy lang kami sa batuhan ng kagag*han habang nagtatanim. Napalingon nalang kami sa mga Teachers nung maghiyawan ang mga 'to.

"Ayyy! Kagandang lettering naman nito!"

"Mga lumang kahon lang talaga ginamit niya dito na nakuha pa sa likod ng school. Pati mga plastic ay nagamit niya para sa kulay. Isang obra maestra mula sa recycled materials!" Ani ni Principal Tutuldok. Isang matandang lalaki na parating pumapalibot sa school para tignan kung malinis at maayos ba ang kapaligiran. Isang beses ay nasampolan niya ko at ni Owen, pinagpulot niya kami ng mga basura sa BUONG school. Bakit? Kasi nakursunadahan naming mag-vandalize sa loob ng cr. Malay ba naming nandon din pala siya?

Halata na paborito niya yung mga estudyanteng ubod ng talento at talino, madalas, sila yung mga nasa SSG o Supreme Student Government.

"Sino bang gumawa nito?" Turo nito sa mga tila nakalutang na letra. Gawa nga ito sa kahon at parang bawat detalye ay pinagtuunan ng pansin. Kung babasahin ay ito ang nakalagay, DISASTER PREPAREDNESS. Bawat letra siguro ay kasing haba at laki ng braso ko.

At nung may nagtaas ng kamay ay napasimangot kami ni Owen. Di na kami nagulat nung makita namin ang ngiting ngiti na si Faya Caranza, ang paniguradong magiging Grade 9 Representative namin sa SSG ngayong taon.

Okay naman si Faya eh. Kung tutuusin, kababata din namin siya nila Owen at Michael. Dati, nakakasama namin siya sa mga kalokohan nung bata kami. Nakikitakbo siya kapag may mga bahay kaming pagtitripan ang doorbell. Natuto rin kaming magbike nang magkakasama. Siya ang mother namin kapag naglalaro ng chinese garter. Pambato din namin siya kapag may labanan sa kalye namin ng teks at jolen. Psh, nakikitaya nga rin yan pag may laban ng gagamba!

Pero nung nag 10 years old kami, nagbago siya. Naging mainitin ang ulo at daig pa ang nanay namin kung mangsita! Isa pa, nagfocus siya sa pag-aaral at gusto niya sumunod kami sa yapak niya. Ayos naman yun kasi good influence siya kumbaga, kaso, HINDI NAMIN KAYA YUNG UTAK NIYA!

Naging masyado siyang disiplinado, responsable, at mabuting estudyante! Magkakaibigan pa rin naman kami kaso di na namin kaya yung trip niya. Sabihin ba namang, 'hobby ko ang pag-aaral'? Naka nang! Kailan pa naging hobby yun?!

"Pre, tago, tago!" Mahinang singhal ni Owen sa'kin kaya mabilis kaming lumingon pabalik sa tinatanim namin kahit tapos naman na. "Alam mo naman si Faya pag napupuri, tayo ang unang target pag nagyabang."

"Di siya nagyayabang, nagsasabi lang ng totoo." Sabi ni Michael na noon pa man, noong noon pa man ay umaasta nang Lawyer ni Faya. Palibhasa, pareho sila ng takbo ng utak. Hindi man magaling sa school ay artist naman. Magaling siyang magdrawing at kung mura lang ang mga gamit pangpinta, edi sana, nakagawa na rin siya ng mas madaming obra maestra. Gumamela nga lang o kape gamit nito pangkulay pangmalupitan na e.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon