Chapter 20

1 0 0
                                    

Unang araw ng pag-absent ni Cadi. Lahat kami ay nagtataka dahil walang nakakaalam ng dahilan niya. Nilunok ko na nga yung pride ko para lumapit mismo kay Owen. "Pre.. alam mo ba kung san pumunta si Cadi? B-baka nagpaalam sayo." Lintek lang yung sakit dahil parang ang labas nun ay mas close silang dalawa. Sabagay, mas madalas naman silang magkasama. Kaibigan ko si Owen, pero alam ko, ramdam kong may gusto rin siya kay Cadi.

Ayan nga at di siya makatingin sa'kin ng diretso. "Hindi pre." Simpleng tugon niya.

Naghintay ako sa tapat ng bahay nila Cadi, kumatok sa pinto pero walang sumasagot. Nagtanong-tanong ako sa mga kapitbahay kung may mga nakakita ba sa kanilang mag-ina. "Eh kakalaba lang nga ni Sandra ng mga damit namin nung huling linggo eh! Nako Casper, baka namna nagbakasyon lang!"

"Alam mo matagal na nga kong namimisteryohan dyan sa mga yan. Masyado naman kasing tahimik yung ina! Parang takot na takot magsalita!"

"Oh? Aba malay ko kung nasan ang mga yun! May nagtatanong nga din sa'kin kung san ang bahay nila nitong nakaraan. Bakit ba?"

Napakunot ang noo ko dito sa Ale na napagtanungan ko. "Sino pong naghahanap sa kanila?"

"Ay di ko alam! Alangang chikahin ko pa siya kung sino siya eh abala nga siya sa pagtitinda ko ng barbeque!" Aniya habang sige sa paypay sa uling at nagpapaliyab. "Basta ano, malaking lalaki na nakaitim na jacket. Akala ko nga holdaper."

"Pero alam mo ba iho, parang namumukhaan ko yung nanay nun ni Cadi. Kung di mo kasi natatanong ay taga-Batangas ako. Yung local channel sa'min eh malamang na may palabas na balita sa tv. Ewan ko pero parang kamuka ni Sandra yung isang news anchor dun. Diyos ko, bali-balita nga na namatay ang buong pamilya nung reporter na yun. Di pa ko sigurado ah, kamuka lang naman niya."

Umabot ang limang araw na hindi nagpapakita sila Cadi. Nagtaka na rin sila Mama kaya sinamahan na ko papuntang barangay. Sa tulong ng mga to ay binuksan namin ang bahay nila Cadi. Tulad ng huli kong kita ay ganon pa rin ang ayos ng mga gamit nila. Walang nagulo o nawala manlang.

Gumawa kami ng Missing na mga papel para idikit sa bawat poste. Pinapamigay din namin yun sa school at katulong ko lahat ng kaklase ko. Maliban kay Lilia na para bang lumalayo sa'kin.

Parang unti-unting gumugunaw ang mundo sa bawat minuto na wala si Cadi. Hindi nalang pag-aalala ang nararamdaman ko kundi takot na rin. Natatakot ako na baka may kung ano nang nangyaring masama sa kaniya.

"Anak, kumain ka muna." Sabi ni Nanay sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Pero ni hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ko ang pagtext sa lahat na ng kakilala ko. Nagbabakasakaling kahit isa sa kanila ay napansin si Cadi. "Wag mo naman pahirapan ng ganto yung sarili mo nak." Halos pumiyok ang si Nanay sa pagsabi nun, alam kong nagpipigil na siya ng luha niya. "Hindi lang kay Cadi iikot ang mundo, pano naman kami ng Tatay mo?"

Pagkalipas ng isang buwan, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tapat ng Mural. Nakatulala lang ako sa pinakamalaking imahe na nandoon, yung anino ng babae na may hawak na panulat.

Hindi ko matanggap na sa isang kisapmata, bigla nalang naglaho sa buhay ko yung nag-iisang tao na nagpabago nito. Kumbaga, sa pag-alis niya, parang isinama niya na rin yung kaluluwa ko.

Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Cadi nung huli kaming nagkita. "At isang araw, bigla nalang akong mawawala para makamit ko yung gusto ko." Ito na ba yun? Kailan ka ba babalik?

Napabuga nalang ako ng malakas na hininga kasunod ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko habang humahagulgol na parang bata. Kingina, ganito pala kasakit yung maiwan.

Pero ang pinakanagpapabigat ng pakiramdam ko ay wala akong kasiguraduhan na ayos lang ang lagay niya. Minu-minuto hinihiling ko na sana hindi siya mapahamak.

Patuloy lang ako sa ganitong lagay nang maramdaman kong may dumating. Paglingon ko ay si Michael lang pala. Tinignan niya ang Mural na nasa tapat lang namin, hindi siya umimik at hinayaan lang akong mag-iiyak dito sa isang tabi. Ilang saglit lang matapos kong tumahan ay nagsalita ako. "Alam mo ba yung kwento ni Cadi?" Yung pagkakasabi ko nun ay tipong may tono ng pang-aakusa.

"Yung alin?"

"Wag na tayo mag-maangmaangan, Pre. Tang*na. Wala na nga yung tao dito eh. Ano? Alam mo ba na nawawala yung tatay niya?"

Matagal bago siya nakasagot. At dito palang naisisguro ko nang mayroon ding sinabi sa kaniya si Cadi noon pa man.

"Kwinento sa'kin lahat ni Pres."

Npabuga ako ng hangin dahil labis akong di makapaniwala. Eh ano pala ang papel ko dito? Bakit parang huli ako lagi sa balita pagdating kay Cadi? Ganon ba talaga ako kawalang kwenta sa paningin niya?

"Hindi ko naman mabubuo ang drawing na to–" turo niya sa Mural, "yung bawat imahe na nandito, kung hindi ko nalaman kung ano ang pinagdaanan niya at ng pamilya niya." Malalim na wika ni Michael. "Gusto lang naman ipagsigawan nito yung boses na dapat ay malayang naipapamahagi ng bawat isa sa'tin. Kalayaan, Pre. Baduy man pero wala eh, reyalidad yung pinamulat sa'kin ni Pres."

"Journalist yung tatay niya. May nakalabang nasa mataas na antas kaya ito ang pilit itinuturo ni Pres na maaaring dumukop dito. Dalawang kolehiyala naman ang ate niya, raliyista. Hindi niya masabi kung nadamay lang ang mga kapatid niya sa gulo ng tatay nila o mismong mga kaaway din ng mga to yung may kagagawan ng pagkamatay nila. Isang set-up, yan ang gusto niyang mapatunayan. Pero walang nag-iimbestiga sa pagkabangga ng kotseng sinakyan nilang tatlo. Kaya siguro naisip ni Pres ipagawa ang mural na to para iparating sa may sala na nabubuhay pa siya para hanapin sila. Ang problema nga lang–"

"Hindi kayo ang nagpinta ng Mural sa pader na to." Parang bigla ko nalang yun narealize at napatitig doon.

Tumango si Michael. "Tapos ilang araw mula nung maibalita to, nawala naman nang biglaan ang Nanay ni Pres."

Para 'yong nag-echo sa pandinig ko at unti-unti pa kong lumingon sa kaniya. "Ano kamo?"

"Hinala ko, sumuko yung Nanay niya sa mga kalaban nila, o di kaya ay dinukot rin. Iniisip ko, posibleng lumayo si Pres para hanapin ang Nanay niya. Kung paano niya gagawin yun? Hindi ko alam."

"Teka, sinabi sayo lahat to ni Cadi?"

Muli siyang tumango at nagbuntong hininga, humarap siya sa'kin na para bang naghahanda nang umalis. "Sabi pa niya, kapag daw nagkagulo dahil sa drawing ko at magkagipitan, aakuin niya lahat ng sisi."

Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa kaniya. Bahagya siyang tumango at nagpatuloy, "Kaya sabi ko sige lang. Nung natapos ko yung drawing na yan, binigay ko agad kay Pres. Yung plano, tutulungan nila akong magkulay, pero ako ang malelayout sa pader na yan. Kaso, ayun, nagising nalang kami na meron nang nakagaya ng gawa ko."

"Tapos?"

"Tapos, ayun na. Dun na nagbago si Pres. Parang bawat araw, namamaalam siya. Yung mararamdaman mong sa kilos niya kahit di niya sabihin? Ganon."

Napatiim ang labi ko at napatitig nalang sa Mural. Nagpatuloy si Michael, "Kaya siguro, Pre, kahit di man nasabi sayo ni Pres na aalis siya, naparamdam naman niya."

"Pero pano kung may nangyari na palang masama sa kaniya? Hindi ako pwedeng tumigil nalang basta na hanapin siya."

"Oo pero pwede mo din siyang hanapin nang hindi humihinto ang takbo ng buhay mo." At doon, sa salitang yun ng kaibigan ko ako nagising sa katotohanan.

Kahit patayin ko ang sarili ko ngayon na, wala akong magagawa kundi ang maghintay na mahanap si Cadi.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon