Lilia
"Kailangan na natin itigil yung pagkokolekta ng mga plastic. Hindi pa tayo nahahalata ng SSG, pero mas mabuti nang agapan natin kesa mahuli tayo." Sabi ni Pres. Nakikinig lang ako habang abala ko sa pagbibilang ng pera. Hiniwalay ko yung mga papel sa barya.
"Pano na yan, Pres? Kulang pa yung naiipon natin." Tanong ng kaklase ko.
Nandito kami ngayon sa isang liblib na playground. Wala naman kasing masyadong tao sa lugar na to kaya wala ring dumadaan. Dito kami madalas nagmimeeting ng Section Marcelo.
"Nakaisip ako ng mas magandang mapagkukunan natin ng pera." Saad ni Pres.
Nagpanting ang tainga ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Basta usaping pera, interesado ako. Mukang mas nakuha niya din ang atensyon ng iba.
"Kapag nagawa natin to, hindi lang pambili ng pintura ang maiipon natin. Linggo-linggo, kikita tayo para sa sarili natin."
"Parang magkakaron kami ng sariling kita, ganon ba?" Paglilinaw ko.
Tumango siya. "Pag sinuwerte, di na natin kailangan humingi ng pambaon sa mga magulang natin."
"Woaah!" Hiyaw ng iba sa'min. Maging ako ay napangisi.
"Pano?" Tanong ko.
"Dito mismo sa lugar na to, magsisimula tayo ng sugalan."
Natigilan kaming lahat. Yung iba ay namutla at parang di makapagsalita. "Alam kong delikado, pero isipin niyo nalang kung gaano kalaking pera ang malilikom natin dito. Baraha at lamesa lang ang kailangan natin. Sa bawat bakas na kinikita mula sa laro, pantay ang hatian natin."
"Diba yung wall paint lang naman ang una nating plano? Bakit nadagdagan na? Wala naman sa usapan natin na magbibusiness tayo, tapos sugal pa gusto mo." Apela ng isa sa'min na nakaupo sa sirang seesaw. Kung tutuusin, maliit ang playground na to dahil sa dami namin.
"Bawat isa sa'tin butas ang bulsa, tama?" Sabi ni Pres. "At lahat ng gusto natin, may katumbas na halaga, sa madaling salita, kailangan natin ng pera. Wag natin iasa sa iba yung mga buhay natin, kung gusto niyong may magbago, kailangan niyong sumugal."
"Pero delikado nga, Pres, pasugalan yung idea mo e. Dito mo pa gusto gawin sa playground? E open space to oh. Kahit walang mga bahay dito, delikado pa rin."
Pansamantala kaming natahimik lahat. Mukang malalim ang iniisip nila habang ako ay sinusubukan ko na agad kalkulahin kung magkano ang kikitain ko. Ngayon palang, nagpapasalamat na kong naging treasurer ako ng section na 'to.
"May basement yung bahay namin. Ako lang mag-isa dun kaya walang magiging problema." Sabi ni Owen.
"Nasan parents mo?" Tanong ni Pres.
"May iba nang pamilya si Mommy. Si Dad naman, ni minsan di ko nakita. Pero may pinamana naman siya sa'king bahay kaya ayos na rin."
Napalingon kami sa kaklase naming lalaki na malakas na natawa. Halata sa kaniyang pinilit niya ibahin yung mood. "Bahain dito sa Pinas, Tol, bakit may basement kayo? Haha!"
"Ewan. Nabili na raw yun ng ganon na eh."
"Basta ang maganda may mas safe na tayong location." Sabi ko nalang.
"Kaso diba parehas lang kayo ng Barangay ni Casper? Di ba makakahalata yun?" Tanong ni Isabelle, yung muse namin na akala ko magiging jowa ni Owen. Nito lang namin nalaman na di pala lalaki ang tipo niya.
"Ba't di pa natin isama si Casper? Walang kaalam-alam yun sa–" Di na natuloy ni Isabelle dahil tumanggi agad si Pres.
"Hindi pwede." Aniya. Napasandal ako sa pader habang pinapanood nang maigi ang reaksyon nitong si Cadi. Sa totoo lang, masyado na siyang overprotective kay Casper. Sabi niya dati, hindi to pwede madamay dahil parehong teacher sa school namin yung magulang nito. Kapag nagkasabitan, sila yung pinakamapupuruhan.
Habang tumatagal, palala nang palala yung mga plano namin. At lahat kami, handang magsakripisyo para magawa lang yun. Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Cadi nung kinukumbinsi niya ko. "Matalino ka. Matalino din ako. Pero hindi lahat tayo pare-parehas ng galing sa academics. Tulungan natin sila para makapagfocus sila sa totoo nilang gusto."
"Ano namang makukuwa ko pag ginawa ko yun?" Tanong ko noon sa kaniya na sinagot niya lang gamit ang isang salita. "Pera."
Dalawa kaming source ng sagot tuwing quiz at exam. Kami ang utak na gumagana para makapasa lahat. Kapalit nun ay di na kailangan isipin ng mga kaklase ko ang hirap sa pag-aaral. Unti-unti ay nakikita ko ang resulta. May iba sa'ming nananalo sa iba't ibang competition tulad sa dance, music, literary, sports, at pati acting.
Di ko alam kung anong mapapala niya dito. Sigurado akong hindi lang pera ang habol niya dahil kung ganon pala, edi sana di na umabot sa ganito. Hindi aabot sa punto na malalagay sa peligro ang buhay estudyante namin.
Aminado ako na medyo may kaba din sa parte ko na parang kahit anong gawin ko, never akong magiging handa sa kalalabasan nito. Pano pag natapos na yung design?
"Oo nga pala, malapit na matapos ni Michael yung painting niya. Konting ipon nalang, makakabili na tayo nung lahat ng pintura na need natin." Sabi ko. "Diba, Pres?"
Kung tutuusin, walang masama sa pagpinta sa isang pader kung mapapaganda naman lalo itong playground. Ang problema, masyadong mabigat ang gusto sabihin nito. Lahat ata ng saloobin ng bawat isa sa'min, nandun.
Nahuli ni Cadi ang kiliti namin. Kumbaga, parating pasok sa banga ang mga rason na binabato niya para lang makumbinsi kaming sumama sa plano niya.
*****
PAGKALIPAS ng isang buwan ay lumago ang negosyo. Tuwing hapon, oras ng uwian ng mga estudyante ay dumidiretso sila sa bahay ni Owen. Marcelo ang tinawag sa pasugalan dahil inayon namin to sa section namin.
Malawak ang basement ng bahay ni Owen. Sakto para sa apat na mesa para sa larong baraha, kalaunan ay nakabili kami ng table ng billiard na inilagay namin sa bandang gilid. Nang mapansin namin na madalas naghahanap ng mangangata ang mga naglalaro ay sinimulan naming maglagay ng isang counter para magtinda ng chichirya at candy.
Sa dami ng gustong maglaro dito sa Marcelo ay di mawawala yung mga gustong manigarilyo at uminom. Isang beses, nagkaroon ng gulo dahil di pumayag si Pres na may manigarilyo dito. "Kung gusto niyong mamatay tayo lahat sa usok, bahala kayo." Aniya. Kaya siyempre, umayon nalang kami sa kaniya.
Ako ang tumatao sa counter. Ako rin ang humahawak ng lahat ng pera na kinikita ng Marcelo. At sa isang buwan na lumipas? Ang maliit na perang pinuhunan namin ay bawing-bawi sa araw-araw na kita.
Mabilis kumalat ang balita tungkol sa negosyong to sa mga kakilala namin. Maraming gustong sumubok pero hindi naman lahat sila ay magkakasya sa basement na to. Nasa trenta katao lang din ang pinapayagan na pumasok. Kaya madalas, kailangan pa nilang magpareserve para lang sa entrance.
Kaya rin naman kasi maraming pumupunta dito ay malaki ang nakukuha nila kapag nananalo. Isang beses, nakapag-uwi ng sampung libo yung estudyante na naglaro ng baraha. Kumikita naman kami sa mga bakas na binibigay nila. Yun yung lapag nilang pera kada laro, madalas sampung piso kada tao. Malaki ang taya ng mga manlalaro kaya malaki din ang bakas. At sa halaga ng pwedeng panalunan nila, hindi nakakapagtaka na mabilis silang maenganyo na magpunta dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/374580257-288-k983040.jpg)
BINABASA MO ANG
Sage Cadilus
Roman d'amourTILA isang odinaryong araw lamang iyon para sa Section Marcelo. Unang araw ng klase kung saan pinakilala ang dalawang transferee, isa na dito si Sage Cadilus. Babaeng nakasalamin at may malamlam na mata. Tila ba mahirap siyang lapitan dahil sa miste...