YEAR 2022
"NAGBABAGANG BALITA, isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Brgy. Palino. Batay sa pulisya, nakilala ang babae bilang si Sage Cadilus Ramirez."
"Dahil sa dami na ng kaso ng mga kababaihang natatagpuan na lamang na walang buhay sa komunidad, mas pinag-uusig na raw ng kapulisan ang imbestigasyon patungkol sa krimen na ito. Samantala, ang babaeng nagngangalang Sage Cadilus Ramirez ay napag-alamang isang anak umano ng Journalist. Ayon sa kinauukulan, wala na raw kasing kumuha sa bangkay ng babae kaya't inalam nila ang pinaggalingan nito, ngunit parehong naglaho ang mga magulang nito noong 2014."
"Iniisip ng ilan na maaaring may malalim na dahilan ang pagkamatay ni Ramirez kaya't mas natatakot ngayon ang mga residente ng Brgy. Palino. Sa ngayon, wala pang sinasabi ang pinakamataas na kinauukulan pagdating sa pagkawala at pagkamatay nang sunod-sunod ng mga kababaihan.
Herlene Cruz, TV9."
Akala ko ay maraming dadalaw o sisilip manlang sana sa puntod niya. Wala na siyang pamilya kaya inasahan ko na yung iba nyang kakilala ang makikita ko dito, pero ni isa, walang pumunta.
Sa pagkakaalala ko, madaming kaibigan si Cadi. Noong high school kami, President siya ng section namin at masasabi kong minsan, naging matibay din ang samahan namin. Sinubukan ko silang kontakin pero lahat sila ay kung hindi busy, nasa ibang bansa na.
Kaya nag-iisa lang ako habang inilalagay na ang urn niya sa loob ng isang maliit na space sa kolumbaryo. Bago yun sarhan ay nilagay ko ang isang maliit na picture frame, nandoon ang litrato niya na matagal ko nang itinago sa wallet ko.
"Sampung taon. Di ko alam kung san ka napunta sa mga oras na yun." Sabi ko habang nakatingin lang sa litrato niya, doon ay malinaw sa paningin ko ang matipid ngunit totoong ngiti niya. Dyan, dyan sa ngiti niyang yan ako nahulog.
Nakakabigla na matapos ang sampung taon ay sa ganitong kalagayan ko sya makikita. Gusto ko sanang paimbestigahan ang kaso para mahuli ang hayop na gumawa nito sa kaniya. Pero wala akong karapatang umapela dahil di naman nya ko pamilya, ni hindi rin nila ko makita bilang kaibigan niya dahil matagal kaming di nagkita. Wala ring lead suspect, walang trace kung paanong napunta ang bangkay ni Cadi sa lugar na 'yon. Samantalang hindi naman sya dun nakatira.
Gusto kong maintindihan, "Pa'no humantong sa ganito, Cadi?"
BINABASA MO ANG
Sage Cadilus
RomanceTILA isang odinaryong araw lamang iyon para sa Section Marcelo. Unang araw ng klase kung saan pinakilala ang dalawang transferee, isa na dito si Sage Cadilus. Babaeng nakasalamin at may malamlam na mata. Tila ba mahirap siyang lapitan dahil sa miste...