Faya's POV
Two years ago, nakita ko ulit si Casper. Nung oras na yun, akala ko siya pa rin yung makulit at bulakbol na kababata ko. Pero hindi, kitang kita ko ang pagbabago niya. Naging matipunong lalaki siya na walang inisip kundi ang kapakanan ng iba.
Kaya nahulog ang loob ko sa kanya eh. Kung minsan, dinadalaw niya ko sa trabaho para lang dalhan ako ng tanghalian. Kilala siya ng mga estudyante ko dahil palabiro siya at mabait sa mga bata. Maging yung mga co-teachers ko naiinggit sa'kin dahil ang swerte ko raw kay Casper. Sayang daw, bakit di pa kami nagpapakasal.
Sa totoo lang, yun din ang tanong ko pero di ko magawang kumprontahin si Casper tungkol dun. Natatakot ako sa magiging sagot niya dahil alam ko na kahit maganda ang pakikitungo niya sa'kin, kahit na sa isang banda ay naramdaman ko namang gusto niya talaga ako, alam ko sa sarili kong may kulang. Alam kong merong iba na nasa puso niya, taong di niya nakakalimutan. Alam ko na si Cadi pa rin.
Masakit man yun aminin pero yun ang totoo at wala na kong magagawa dun. Mas lalo ko pa nga tong napatunayan nang mabalitaan namin ang pagkamatay ni Cadi. Sa isang iglap, hindi ko na maramdaman ang presensya ng Casper na minahal ko.
Ngayon na binabasa ko ang email na sinasabi niya ay di ko maiwasang magselos. Nagseselos ako pero di ko alam kung ano bang magagawa ko dito. Para namang pwede akong lumaban sa isang tao na di ko naman nakikita. Kung pwede lang, nasabunutan ko na sana si Cadi. Bakit niya kailangang sabihin ang gusot na pinasok niya kay Casper? Bakit niya idadamay yung taong iniingatan ko? Sa dalawang taon na relasyon namin, wala akong inisip kundi yung mapasaya ko siya, making okay siya, Diyos ko, uubo nga lang yan sobra na ko mag-alala. Tapos gaganituhin niya lang? Ipapahamak niya lang?
"Babe..." Marahang sabi ni Casper habang nakatingin sa'kin. Panigurong ramdam niya nang di ko nagugustuhan ang nagyayari.
Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin sa monitor. Kinuyom ko ang mga kamay ko at pinigilan ang sariling ilabas ang namumuong galit sa loob ko. Unti-unting nanikip ang dibdib ko at tila may nakabara sa lalamunan ko at di ako makapagsalita.
Nakahanda na ang mga gamit niya at kahit anong sabihin ko alam kong di ko na siya mapipigilang umalis. Ito na nga ba, wala na. Burado na ko sa isip niya. Parang bula nalang ako sa paningin at pwedeng bigla nalang mawala. Pero kahit na ganon, kahit naaawa na ko sa sarili ko ay pinili ko pa rin manatili sa tabi niya. Kahit na nakikita kong tapos na kami, dito, ngayon mismo habang pinapanood ko siyang ihanda ang sarili niyang iwan ako para sa babaeng ni minsan ay di ko maangatan.
"Sasamahan kita." Wika ko pero tumanggi siya. Nagtiim ang mga bagang ko matapos niyang isara ang pinto at nagmamadali.
Siguro ay wala pang limang minuto nang makaalis siya ay gumawa ako ng desisyon na pwede kong pagsisihan buong buhay ko pero gagawin ko para lang maging ligtas si Casper.
Tinandaan ko ang location na binigay ni Cadi at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang maunahan si Casper na makapunta dun. Alam kong sasakay siya ng bus. Ako naman ay inusap ang kaibigan ko para hiramin ang kotse niya. Mabuti nalang, marunong na ko magmaneho. Delikado ang daan nang biglaang bumugso ang ulan pero mabilis pa rin akong nagmaneho kahit na alam kong bawal.
Pagkarating ko sa library ay magsasara na sila pero nakiusap ako. "Naiwan ko po kasi yung lesson plan ko." Pagsisinungaling ko.
Agaran kong nahanap ang locker ni Cadi pero may codelock to. Pero di na ko nag-asayang manghula at dahil sa taranta ko na baka maabutan ako ni Casper dito ay pumulot nalang ako ng malaking bato na nakita ko sa isang paso dito saka ko yung pinukpok sa lock. Bumukas din naman siya at mukang di naman nasira.
May isang box na lagayan ng sapatos. Nang buksan ko to ay may mga nakalagay na litrato, notebook, at patong-patong na files. Kinuha ko lahat yun at pinaglalagay sa bag ko. Sasarhan ko na sana ang locker nang may mahagip ang mata ko na isang picture sa bandang gilid nito. Pagtingin ko ay para akong gulay na bigla nalang nanlata. Nandoon si Cadi at Casper.
'Sorry.' Nasabi ko sa isip ko. 'Pero masyado kang unfair eh. Hindi ko papayagan na ilagay mo sya sa alanganin. Sorry, Cadi.'
Iniwan ko yun sa loob saka binalik sa pagkakalock to. Buti nalang ay kahit di mo ilagay ang code nito ay masasara mo pa rin.
Matapos nito ay dumiretso na ko sa loob ng kotse na basta ko nalang pala pinark sa tapat ng library. Buti nalang at walang masyadong dumadaan sa kalye na to.
Pinili kong magstay sa loob ng kotse para hintayin si Casper. Kahit na alam kong di niya ko dapat makita dito. Kahit na alam kong dapat ay umalis na ko.
Ilang oras ang lumipas ay dumating siyang nagmamadali. Pero dahil madilim na ang langit ay di na sya pinapasok. Pinanood ko kung paano siyang maghintay sa labas. Maigi kong tinignan ang bawat ekspresyon na pinapakita ng muka niya at dito ko nakita kung gaano kaimportante ang babaeng to sa kaniya. Kung gaano kalalim ang nararamdaman niya kay Cadi. Bagay na malamang ay di ko makukuha sa kaniya.
"Pero di ko ginagawa to dahil sa di kita mahal, Casper. Itatago ko sayo lahat ng ebidensyang to dahil ganito kita iniingatan. Ganon kagrabe yung pagpapahalaga ko sayo at dito, panigurong lamang ako sa kaniya." Mahinang wika ko kahit na hindi naman niya ko naririnig. Naghanda nalang din ako umalis pabalik sa amin.
Pagkauwing-pagkauwi ko ay binasa ko ang mga files na nandito. Nung una ay di ko pa alam kung saan tumutukoy ang mga to pero kalaunan ay naintindihan ko din. Bawat folder ay naglalaman ng iba't ibang kaso na tumuturo sa isang grupo ng salarin. Isang kilalang pamilya, mataas ang estado sa lipunan, may awtoridad. Buong pangalan ng mga nakadawit ay nandito, maging ang mga biktima nila.
"Two sisters, two university students who were known as activists, died in a questionable accident." Basa ko sa isang headline na nakasulat kamay sa notebook, kasunod ang dalawang pangalan; Soffia Ramirez, Steph Ramirez. Ito ang pinakahuling pahina sa notebook niya. Inakala ko pang baka may sagot din akong makita sa mga files niya pero wala. Siguro ay ito lang ang kaso na hindi niya naresolba.
Ilang papel ang may sulat na tila letter na liha ni Cadi.
"Ilang mang-uulat pa kaya ang pipilitin na busalan ang bibig? Hanggang kailan sila uutusang magbulag-bulagan? Tuwing kailan lang ba sila pwede maging matapang sa pagsasabi ng tunay at totoong balita?"
Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unti yong ginugusot. Labis-labis na konsensya ang bumabalot sa'kin. Heto na yung sagot, nandito na yung pangalan ng salarin. Ito na yung pruweba na magsisiwalat ng dumi nila.
Pero heto ako at iniisip ang kapakanan ng isang tao. Heto ako, na parang kasabwat na sa pagtatago ng kasamaan nila.
Pikit matang tinalikuran ko ang nagliliyab na mga papeles. Sarado ang isip kong kakalimutan at ibabaon hanggang sa hukay ko ang natuklasan ko. Kahit makasama ang kaluluwa ko sa init ng apoy na to, sapat na sa'king sigurado akong magiging ligtas ang taong mahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/374580257-288-k983040.jpg)
BINABASA MO ANG
Sage Cadilus
RomantizmTILA isang odinaryong araw lamang iyon para sa Section Marcelo. Unang araw ng klase kung saan pinakilala ang dalawang transferee, isa na dito si Sage Cadilus. Babaeng nakasalamin at may malamlam na mata. Tila ba mahirap siyang lapitan dahil sa miste...