Chapter 7

3 1 0
                                        

Casper

HINDI KO KAYA YUNG KILIG PAKSH*T!

Ewan ko ba pero nung makita ko ang mata niya na walang nakaharang na salamin ay nanghina ang tuhod ko! Tinakpan ko pa ang bibig ko dahil masyadong malawak ang pagkakangiti ko! Tapos bigla siyang lilitaw sa harap ko na parang walang nangyari?!

"Lah, Pre, ayos ka lang?" Tanong ni Owen pagkakita sa'kin sa gate ng school. Nauna ako dito at huli na nung maisip kong may plano nga pala akong sumabay kay Cadi. "Natulog ka ba?" Dagdag niya.

Hinila ko yung isang armchair at nanlulumong umupo. Sa sobrang excited ko kanina ay 4 AM palang mulat na ko. Labas masok pa ko sa bahay namin dahil hinihintay ko si Cadi kasi ano... kasi concern ako na baka maligaw siya! Bilang kapitbahay niya, dapat lang na samahan ko siya!

Pero nasira ang plano ko dahil sa kaniya kaya kasalanan niya!

"Muka kang sabog. HAHAHAHA!" Biglang bulalas ni Owen na agad ikinasalubong ng kilay ko.

"Babawi ako, Pre." Seryosong sabi ko kaya natigil siya kakatawa.

"Ha?" Taka siyang tumingin sa'kin pero pinatunog ko lang ang batok at kamay ko.

Pero naudlot agad ang inis ko dahil biglang bumagsak ang malakas na ulan. Sinabayan pa talaga yun ng habagat. Inikot ko ang tingin sa room at ngayon ko lang napansin na madami na pala kami. Pagpatak ng alas-siyete ay dumating na yung Adviser namin kasunod ang dalawang babae. Nakahinga ako ng maluwag dahil isa dun si Cadi. Nagtama ang mga mata namin kaya lumihis agad ako ng tingin dun sa katabi niya.

Nagpakilala silang dalawa na parehas transferee. "Sage Cadilus, Cadi nalang. 14 years old. Nice to meet you."

"Isabelle, Belle for short. 15 yea–"

Naputol yung sinasabi nya dahil naghiyawan yung mga kapwa kong lalaki kaya nakisabay ako. "MUSE KA NA AGAD!" Sigaw ni Owen na may pagtindig pa at palakpak.

Bahagyang natawa yung Adviser namin. "Mm hmm. Aga-aga ha. Pero ang ganda mo naman talaga, iha. May lahi ka ba?" Tanong niya kay Belle.

"Ahm. May lahi pong Kastila yung Lola ko."

"Mi Amor!!!" Hiyaw ulit ni Owen. Buhay na buhay siya na kala mo nakainom ng dalawang bote ng energy drink.

Natuon ang atensyon nila kay Belle habang ako naman ay di maalis ang tingin kay Cadi. Muka siyang walang pakielam sa nangyayari at prenteng nakatayo lang dun.

Nung tapos na sila sa pagpapakilala ay pakunware pa kong naubo habang sinasandal ang kamay ko sa katabi kong upuan. Nakabakante to at kahit sino sa tropa ko ay di ko hinayaang makaupo.

Hinintay ko si Cadi na lumapit dito sa gitnang row pero doon niya pinili sa pinakaunahan nang hindi manlang tumitingin dito sa gawi ko. Ang nangyari ay si Belle ang nakatabi ko. Tuwang-tuwa si Owen dahil nandun siya sa kabilang side nito.

Hayan tuloy at parang wala sa hulog ang emosyon ko ngayon dahil paiba-iba! Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko at gusto ko nalang itulog toooo!!!

Lumipas ang isang linggo na hindi kami nagpapansinan ni Cadi. Psh. Psh! "Kala mo ah." Nanlilisik ang matang sabi ko habang tinitignan siya na nasa harapan.

"Para ka namang ga*o, Pre." Sita sa'kin ni Owen. "Araw-araw kang ganyan ah? Kung type mo, ligawan mo!" Tukoy niya kay Cadi.

"Hindi ko gusto 'yan." Mariing sabi ko. "At hindi ko magugustuhan 'yan!"

Napailing nalang sa'kin si Owen. Siguro, naninibago lang siya sa'kin dahil ngayon lang ako nabakante. Ewan ko ba pero parang tinatamad akong kumausap ng ibang babae.

Nung nagbotohan para sa officers ng klase ay iniwan kami ng teacher namin para daw hindi kami mahiyang mag-usap-usap. "The nomination for President is now open." Sabi nung nautusan ni Ma'am.

Ngumisi ako habang tinataas ang kamay. "I nominate Cadilus."

"Sino yun?" Nagtinginan ang mga kaklase ko. Lintek, isang linggo na wala pa rin syang kakilala?

Tumindig naman si Cadi habang nakakrus ang mga braso. Ngayon niya lang ako ulit tinitigan kaya lalong lumawak ang pagkakangisi ko. Nakalaban niya si Isabelle pero tumutol si Owen dahil dapat daw ay muse 'to. Sa huli ay nanalo si Cadi.

Pumunta siya sa harapan at kumuha ng chalk. Sinulat niya ang pangalan sa blackboard bilang president. Sa ilalim nun ay ang Vice-President. Matapos 'yong sulatin ay humarap siya ulit sa'min at sa pagkakataong to, siya naman ang ngumisi. "The nomination for the Vice President is now open." Direkta ang tingin niya sa'kin na para bang handa na siyang bumwelta sa ginawa ko.

Nagtaas siya ng kamay. "And I nominate Mr. Casper Galumba."

"AYIEEEEE!" Naghiyawan sila. "Yun naman pala ang mga banat, Pre." Tatawa-tawang sabi ni Owen.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon