Chapter 21

0 0 0
                                    

10 Years Later

Madami nang nagbago. Kasunod ng pagkawala ni Cadi ay ang pagkalimot ng mga tao tungkol sa mural. Pininturahan pa nga 'yon ng puti para lang wala nang makakita. Tuluyan nang binura.

Nawala ang pagiging buo ng section namin. Para ngang nanumbalik sa normal. Nagkawatak-watak. Hindi na nagtulungan.

Marami sa'min ang nakagraduate ng High School, pero meron ding hindi. Yung iba, tumigil na sa pag-aaral, yung iba pa, ayun, nag-asawa na. Ako naman, nakapagtapos ng educ pero sa ngayon, nagtatrabaho ako sa call center dahil syempre mas malaki ang sweldo.

Yung mga kaibigan ko, may sarili na ring takbo ng buhay. Naging Architect si Michael habang nagtayo naman ng Chinese Restaurant si Owen.

Lumipas na ang oras, pati mga gadgets ngayon high-tech na. Dati, papindot-pindot lang ako ng keypad, ngayon, detatscreen na. Pati mga buildings nagtatayugan, nagdadamihan, lalo na dito sa Maynila.

Ang daming bagay ang dumagdag sa paglipas ng panahon; populasyon, polusyon, at haba ng trapiko. Ang daming nagbago...

Maliban nalang sa puso ko. Kasi yung sinisigaw pa rin nito, walang iba kundi si Cadi.

Si Cadi na sampung taon ko nang hindi nakikita.

Si Cadi na nag-iwan ng marka sa pagkatao ko. Siyang nag-iwan ng kakaibang memorya noong kabataan ko.

Si Cadi, na hindi mawala sa isip ko.

Ilang beses kong hiniling na sana makita ko siya ulit.

Pero may galit siguro sa 'kin ang tadhana, dahil oras na nagkatagpo ang landas namin ay huli na ang lahat.

"NAGBABAGANG BALITA, isang bangkay nanaman ng babae ang natagpuan sa Brgy. Palino. Batay sa pulisya, napagkilanlan ang babae bilang si Sage Cadilus Ramirez."

Siguro, sa sobrang frustrations ko sa nangyari, dahil sa bagal ng imbestigasyon ay dumaan sa isip ko ang nangyari noon.

Yung mural na ginawa para magpasa ng mensahe noon. Yung mural na hindi malaman kung sino ba talaga ang nagpinta pero sigurado ako kung sinong nagpasimula.

Ang Section Marcelo sa pangunguna ni Cadi.

Kaya kinausap ko si Owen pero nabigo ako sa naging sagot niya, "Masyado na kong busy sa restau, Pre. Ayoko rin madamay tong negosyo ko oras na magkagipitan." Nga naman, hindi na kami mga high school na walang mabigat na parusa maliban sa detention. Ngayon, buong buhay na namin ang nakataya sa bawat desisyong ginagawa namin.

Mabigat na desisyon ang pagpapagawa ng mural na nagpapatama sa mabagal na aksyon ng awtoridad tungkol sa sunod-sunod na krimen, na madalas, mga kababaihan ang biktima. Mga babae na tulad ni Cadi.

"Ano ba, Casper? Wala ngang nakakaalam kung san sya nagpupupunta at kung anong pinaggagagawa niya sa buhay niya! Bakit ba kating kati ka na pakielaman pa yung kaso? Matagal nang nawala si Cadi kahit di pa siya patay!"

Kunot na kunot ang noo ni Lilia habang ipinapakarga sa yaya ang siyam na buwan niya nang sanggol. "Naalala mo? Nung bigla nalang syang di pumasok sa school? Ha? Na di siya nagpaalam kahit kanino, na nasabi pa ngang missing person siya hanggang sa di na natin nalaman kung ano na ngang nangyari sa kaniya?"

"Sabi ng mga pulis, posibleng nung nakaraang linggo lang siya pinatay."

"Casper, nagtapos ka ng educ, pumasa ka pa sa LET kaya dapat matalino ka. Di mo ba naiisip? Sunod-sunod yung babae na namamatay, anong magagawa natin kung ayan na nga at nabiktima rin sya?"

"Ba't ka naman ganiyan magsalita? Babae ka din, babae din yang panganay mo."

"Oo nga pero di ko isasaalang alang yung buhay namin para sa pinaplano mo. Hindi ako makikisali sa mural na sinasabi mo dahil ayaw ko ng gulo. Labas ako sa mata ng mga mataas. Hindi na tayo bata, Casper. Alam mong mabigat ang consequence nyan."

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon