Chapter 23

1 0 0
                                    

GABI na nang makarating ako sa malayong syudad. Sarado na ang library kaya napilitan ako maghanap ng matutulugan. Sa isang maliit na hostel lang ako tumuloy, simple lang at mayroon lang maliit na kama, maliit na sofa, aircon at tv. Pagkabukas ko ng bintana ay agad pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Pagtingin ko sa paligid ay iilang ilaw nalang ang makikita mong nakabukas. May isang pumukaw ng pansin ko, yung bahay na malapit dito. Nasa 2nd floor lang ako kaya rinig na rinig ko pa ang malakas na lumang tugtog dun. Paulit-ulit at tila wala nang ibang kanta sa speaker niya maliban dun.

"Georgia, wrap me up in all your-

I want you in my arms

Oh, let me hold you

I'll never let you go again like I did

Oh, I used to say

"I would never fall in love again until I found her"

I said, "I would never fall unless it's you I fall into"

I was lost within the darkness, but then I found her

I found you

Mapait akong napangiti, "Until I found you." Wika ko sa kawalan.

Kalaunan ay naisip kong bumili ng pagkain, habang naglalakad ako ay napapaisip ako kung sakaling napadaan din dito si Cadi. Kung nakita rin ba ng mga mata niya ang kalyeng nakikita ko ngayon. At tuwing iisipin ko yun ay pakiramdam ko, kasama ko siya ngayon.

Namili lang ako sa malapit na tindahan at di ko naiwasang makinig sa tatlong babae na nag-uusap. "Ayan nanaman si Ka-romeo at parang sirang plaka nanaman yung tugtog niya." Sabi ng isa na nagpapaypay gamit ang pinunit na parte ng karton.

"Para namang di ka nasanay sa matandang 'yan. Eh death anniversary ni Georgia ngayon." Sabi ng isang ale na puti na ang buhok.

"Ay, byudo pala yan?" Tanong ng isa.

"Oo. Ilang taon palang ata lumipas nung namatay yun. Kaya nga yan ang paburito nilang kanta kasi nabanggit yung pangalan ng asawa niya dyan."

"Sayang nga, ang sweet sweet pa nilang mag-asawa dati. Aba, kahit nung tumanda eh nagdedate pa rin sila. Nagsasayaw pa, kita namin sa bintana. Kapag may birthday eh talagang iniimbita kami. Mabait din naman kasi si Georgia."

"Sayang naman."

"Naaawa nga ko dyan kay Ka-romeo. Mula nung namatay ang asawa, lagi nang nagmumukmok."

"Nako, ganyan pa naman mga ibon."

"Gaga, ba't ka naman napunta sa ibon?"

"Makahampas ka naman! Eh diba ganon yung mga ano, ano nga ba tawag dun?! Ah, mga lovebirds! Yung magpartner na ibon, kapag namatay ang isa, nalulungkot yung naiwan tapos sumusunod na mamatay. Hindi kasi nila kaya maghiwalay."

"So sinasabi mong susunod na si Ka-romeo? Kumatok katok ka nga sa kahoy Herlene! Diyos ko, sumalangit nawa si Georgia." At halos sabay-sabay silang nagsign of the cross. Kalaunan ay nagsialisan din sila matapos makuha ang mga pinamili.

Ako naman ay di maiwasang tumingin sa bahay nung sinasabi nilang Ka-romeo. Sa maliit na uwang ng bintana ay makikitang nakaupo lang siya sa isang mahabang silya habang may hawak na litrato.

"Oy, oy!" Napatianod ako sa bulyaw nung tindera. "Aba, kanina pa tinatawag eh!" Kunot-noong sabi pa nito matapos ilapag ang sukli ko. "Isa pa yang kantang yan natutuliling na ko! Paulit-ulit nakakairita!"

Pilit nalang akong ngumiti at nagsorry sabay bira ko na rin ng alis. Pagkabalik ko ng kwarto ay nawalan na ata ako ng gana kumain at ibinagsak nalang ang katawan sa kama. Pumikit ako at ipinatong ang braso sa mata. Ilang beses akong napabuntong hininga hanggang sa dinaaw na rin ako ng antok.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon