Casper
Sa ilang buwan na lumipas, imposibleng di ko mahalata ang mga ginagawa ng mga kaklase ko. Di man sa kanila mismo manggaling ay naririnig ko naman sa iba na may itinayo silang pasugalan. Ang pasimuno? Malamang ay si Cadi.
Pero absent siya ngayon. At sa sobrang sipag nun, isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit wala siya, malamang na may sakit siya.
Matapos ang unang subject ay nagpaalam na ko kay Michael na uuwi na. Nun ko lang din napansin na wala pala dito si Owen. "Asan yun?" Tanong ko kay Michael na agad namang kumibit-balikat. "Baka nagcutting."
Pagkababa ko ng jeep sa unang kanto sa'min ay mabilis na kong naglakad pa sa'min. Kila Cadi na agad ako dumiretso at nung kakatok palang sana ako ay agad nang bumukas ang pinto. Naestatwa ako nung si Owen ang bumungad sa'kin.
"Oh? Pre!" Nakangiting aniya.
Nanigas ata ang muka ko dahil di ko masuklian yung ngiting yun. Bigla ay parang gusto ko siyang sapakin.
"Abaaa, ang lakas talaga ng pakiramdam nito pagdating kay Cadi e." Biglang sulpot ni Lilia sa likod ni Owen. Nakapameywang siya at nakangisi sa'kin. Nagsalubong ang kilay ko.
Gumilid si Owen para makapasok ako. Agad namang hinanap ng mata ko si Cadi na tulog pala at may bimpo sa noo. Napansin ko naman si Isabelle na nandito rin pala at naghuhugas ng plato.
"Anong ginagawa niyong tatlo dito?" Tanong ko habang hinihila ang isang bangko saka naupo. Napansin ko namang wala dito ang mama ni Cadi.
"May sakit si Pres e. Kaya dapat nandito ang secretary niya." Sagot ni Lilia.
"Eh ba't pati muse at escort nandito?" Kunot-noong sabi ko. Seryosong seryoso ako at mukang naramdaman nilang di ako nakikipagbiruan. Ewan ko ba pero naalibadbaran talaga ko nung makita ko dito si Owen.
"Haha! Nag-alala lang ako, Pre."
Kumuyom ang palad ko at di na nagsalita pa. Kumukulo ang dugo ko sa inis kaya tumahimik nalang ako kesa may masabi pa kong mali.
Tinitigan ko ang mahimbing na natutulog na si Cadi. Kung anu-ano kasing pinaggagagawa mo kaya nagkakasakit ka na.
Hanggang ngayon, nahihiwagaan pa rin ako sa babaeng to. Sigurado akong may gusto siyang gawin pero masyado namang delikado. Ang buong section namin ay sumusunod sa yapak niya. Pare-parehas silang nakikinabang sa pera na nalilikom nila. Hindi naman sa gusto ko ring sumali sa maling ginagawa nila pero di ko lang maintindihan kung bakit tinatago nila yun sa'kin.
Bakit? Iniisip ba nilang isusumbong ko sila sa mga Teachers sa school? Dahil Teachers din ang mga magulang ko? Ganon ba sila kawalang tiwala sa'kin?
Hindi ko sinasabi sa kanilang alam ko na yung tungkol sa pasugalan. Pinili ko nalang na magmukang inosente tulad ng gusto nilang mangyari.
"Kailan pa siya nilalagnat?" Tanong ko habang inaayos yung bimpo na nakapatong sa noo ni Cadi.
"Nung sabado pa daw sabi ni Tita." Sagot ni Owen. "Buti nakasalubong ko si Tita kanina bago ako pumasok."
"At kayo? Malayo ata bahay niyo ba't pa kayo pumunta?" Sabi ko kila Lilia at Isabelle.
"Galit ka ba?" Taas ang kilay na sabi ni Lilia.
"Parang ayaw mo kami dito ah?" Sabi ni Isabelle na nagpupunas ng kamay.
"Ganon na nga." Mapaklang sagot ko.
"Pre, kalma." Nakangiti pa ring awat sa'kin ni Owen kaya direkta sa mata ko siyang tinignan.
"Ako na magbabantay sa kaniya."
Hinintay kong umalma sila pero pare-parehas lang silang natahimik habang nakatitig sa'kin. Matapos ang ilang segundo ay napangisi si Lilia habang pilit pa ring ngumingiti si Owen.
"Haha! S-sige, Pre. Ito masyadong serious." Sabi ni Owen habang sinusukbit ang bag niya. "Punta nalang kaming school, parating na rin naman na si Tita. Ay nga pala, mamayang 10 am, painumin mo nalang siya ng paracetamol tsaka check mo temp–"
"Pre." Tiim-bagang na sabi ko. "Kaya ko alagaan si Cadi."
Natigilan siya at bahagya nalang tumango. Pagkaalis nila ay humugot ako ng malalim na hininga bago buksan ang pinto at mga bintana para may pumasok na hangin.
Napansin ko yung lugaw sa lamesa na mukang di pa nababawasan at lumamig na. Iinitin ko nalang siguro pagkagising niya. Tinignan ko yung orasan at 9 palang. Umuwi ako sa bahay para magpalit at kumuha ng ilang mga prutas. Buti nalang wala dito sila mama dahil panigurong papagalitan ako nun dahil umabsent nanaman ako.
Pagkabalik ko kay Cadi ay tulog pa rin siya. Kinuha ko muna yung bimpo para ibabad sa malamig na tubig. Piniga ko muna ito at habang pinapatong ko yung bimpo sa noo niya ay unti-unti siyang nagmulat ng mata.
"Sabi ko na nandito ka eh." Agad na sabi niya.
Dun palang ay kumabog na ng husto yung puso ko. Nung akma siyang babangon ay inalalayan ko siya.
"Wala akong pang-amoy pero sa tapang ng pabango mo tanggal pati sipon ko." Natatawang dagdag niya pa.
"Magaling ka na yata, nakakapang-asar ka na e." Pigil ang ngiting sagot ko.
Tinanggal niya muna yung bimpo at itinabi yun. Pansin kong naghahabol pa siya ng hininga kaya agad kong hinanda yung pagkain at gamot niya. "Wait lang, bago ka matulog kumain ka muna."
"Kagigising ko lang tapos patutulugin mo nanaman ako."
"Alangang ako yung magpahinga? Sino bang may sakit?"
Umismid nalang siya sabay tingin sa bintana.
Pagkatapos niyang kumain at uminom ng gamot ay pansamantala muna siyang smandal sa pader at tumingin sa'kin. Nailang ako nung di siya magsalita kaya ako nalang ang nanguna. "Nandito nga pala sila Owen kanina, n-nakausap mo ba sila?"
"Hindi. Pero naramdaman ko nga na dumalaw sila. Nagluto pa nga si Isabelle."
"Gising ka kanina?"
"Oo pero saglit lang."
"Eh, bakit.." Di ko na natuloy dahil may sagot agad siya.
"Di ako napabangon ng pabango nila eh." Nakangising banat niya.
Lagpas tainga naman ang ngiti ko at di ako mapakali sa upo ko.
"Casper.." tawag niya sa'kin.
"Hmm?" Tugon ko habang nakatingin pa rin sa phone ko. Iniisip ko kung dadagdagan ko pa ba to ng puso para tatlo.
"Ano gusto mong maging?"
"Ha?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nag-alala ako bigla nung mapansing namumutla siya.
"Teka, okay ka lang? Ano nararamdaman mo?"
"Ayos lang ako, itutulog ko lang to."
"Sigurado ka? Saglit nga.." Kinapa ko yung noo niya at tumaas nanaman pala yung lagnat niya. Natatarantang kinuha ko yung bimpo saka nagbasag ng yelo sa pader at nilagay yun sa isang tabo. Saglit ko lang binabad dito yung bimpo saka pinatong sa noo niya. "Mahiga ka muna tas matulog ka."
"Tss." Nabigla ako nung bigla niyang nilapat yung daliri niya sa kilay ko. "Salubong nanaman yung kilay mo."
"M-matulog ka." Naiilang na sabi ko. Tumango lang siya sabay pikit.
"Sagutin mo muna yung tanong ko."
"Ang kulit.." Mahinahong sabi ko. Nung magmulat ulit siya ng mata ay sumagot nalang ako. "Gusto ko maging Chef. Mahilig ako magluto eh."
Pumikit ulit siya saka tipid na ngumiti. "Magkaibang magkaiba pala talaga tayo. Yun ang gusto ko sayo." Aniya habang pahina nang pahina ang boses niya.
Di na ko nakapagsalita at natulala nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/374580257-288-k983040.jpg)
BINABASA MO ANG
Sage Cadilus
RomanceTILA isang odinaryong araw lamang iyon para sa Section Marcelo. Unang araw ng klase kung saan pinakilala ang dalawang transferee, isa na dito si Sage Cadilus. Babaeng nakasalamin at may malamlam na mata. Tila ba mahirap siyang lapitan dahil sa miste...