Chapter 22

1 0 0
                                    

Matapos kong basahin ang huling message ni Cadi ay agaran kong sinearch yung sinabi niyang lugar. Para akong nakipagkarera sa oras.

Nasa isang malayong syudad ang pampublikong library na tinutukoy niya. Kakailanganin ko pang sumakay ng bus na aabot ng dalawang oras ang byahe. Isa-isa ko nang pinupulot yung mga gamit ko, backpack lang ang dala ko na di ko na nga namalayan kung ano bang pinaglalagay ko. Basta may wallet at cellphone okay na. Kakatapos ko lang magsuot ng sapatos at palabas na 'ko ng apartment ko nang kusang bumukas ang pinto. Natigilan ako at parang binuhusan ng malamig na tubig.

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Faya nang mapansin ang itsura ko. "Babe? San ka pupunta?"

Si Faya, ang dating SSG officer nung high school kami. Kababata ko rin pero nawalan kami ng kontak nung magcollege kami. Nung lumipat siya at naging teacher sa school na malapit dito sa tinutuluyan ko ay nagkita kami ulit. Two years ago na yun, at two years na rin kaming magkarelasyon dalawa.

"Tumawag yung mama mo, kinakamusta ka sa'kin. Di ko naman masagot dahil di mo naman nirereplyan yung mga chat ko sayo. Ano bang nangyayari?"

"May kailangan lang akong puntahan."

"At saan naman? San ka pupunta na ganiyan ang itsura mo? Muka ngang wala ka pang tulog eh!"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya habang hinihigpitan ang hawak sa sukbit ng bag ko. "Importante lang."

Rinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hininga. "Tungkol nanaman ba to kay Cadi?" Hindi ako nakasagot. "Ah. Siya nanaman pala."

Sinundan ko siya ng tingin habang unti-unti siyang umuupo sa sofa, tumungo siya at mabagal na ginulo ang sariling buhok. "Mula nung matagpuan ang bangkay niya, mula nung sumulpot nanaman ang isang Cadi sa buhay mo, nagkaganiyan ka na. Para ka laging wala sa ulirat, malalim ang iniisip, hindi natutulog, walang pakielam sa mga taong nakapaligid."

"Faya.."

Umangat ang tingin niya sa'kin. "Oh? Faya nalang ngayon? Hindi na Babe?" Sarkastikong aniya. "Tangina, bakit ganito? Para akong nakikipagkumpetansya sa multo."

"Hindi naman sa ganon.. Babe, please."

"Please ano?" Punong puno ng emosyon ang mga mata niya at sa ilang saglit ay nakunsensya ako kahit hindi ko alam kung saan dito sa ginagawa ko ang mali.

Pero siguro ang kasalanan ko lang ay di ko naalis sa isip ko si Cadi, kahit na nasa tabi ko na si Faya.

Hindi ko na napansin kung ilang minuto kaming nanatiling walang imikan ni Faya. Ni hindi ako nakaramdam ng pagkangalay sa matagal na pagkakatindig. Rinig na rinig ko ang mahinang pag-iyak niya. Nakatakip ang parehong kamay niya sa muka pero di manlang ako makalapit sa kaniya para aluin siya.

At sa wakas, muli siyang nagsalita. "Ang bilis mong nakalimutan yung dalawang taon na masaya tayo. Isang bagsakan lang na nabanggit yung pangalan ni Cadi, nabura agad ako sa mundo mo."

"Hindi sa ganon, Babe."

"Ganon yun, Casper." Pinawi niya ang sariling luha saka tumayo at hinarap ako. "Pero di pa rin ako papayag na umalis ka kung di mo sasabihin sa'kin kung san ka pupunta."

Tinitigan ko siya, may iisang salita parati si Faya, hanggang ngayon, hindi siya nagpapatalo hangga't di nasusunod ang gusto niya. Kaya para matapos na yung diskusyon naming dalawa ay pinakita ko sa kaniya ang emails sa'kin ni Cadi. Ramdam ko na habang binabasa niya yun ay nangunguyam siya sa galit, selos, at awa. Lahat yun naghahalo at di siya nag-atubiling itago sa'kin yun.

"Sasamahan kita." Aniya.

"Hindi na, delikado. Kaya ko na mag-isa." Matagal bago siya sumagot. Inakala ko pang pipigilan niya ulit ako pero pumayag din siya.

"Bahala ka." Tinalikuran nalang niya ko na may sama ng loob saka padabog na sinara ang pinto.

Gusto ko mang magkaayos kami ay mas nangingibabaw sa'kin yung kagustuhang mapuntahan agad ang lugar na sinabi ni Cadi. Pinagkatiwala niya sa'kin yung impormasyon na yun. Posibleng yun lang ang ebidensya na meron siya para masiwalat ang may kagagawan ng pagkawala niya at ng buong pamilya niya.

'Hintayin mo lang ako, Cadi.'

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon