Chapter 8

1 1 0
                                    


Di ako makapali habang nakahilera sa mga officers ng klase. Pers taym kong mapasama sa ganito tapos Vice President agad. Ni hindi ko nga inasahan na mananalo ako!

Hindi ko alam kung anong pakulo ni Cadi pero minuwestra niya agad na magbow kami sa harap ng lahat. "1, 2, 3, bow." Mahinang aniya habang sabay-sabay kaming nauto niya.

At unang araw palang ay nababanas na ko. Bakit? Dahil ako ang nagsilbing guidance counselor sa room namin! Sigurado akong pinagtitripan na ko ng mga kaklase ko dahil ang OA na nung bawat minuto ay tatawagin nila ako!

"Vice, pasabi kay Pres hinahanap siya ni Ma'am Salamat."

"Vice, sunod ka daw kay Pres sa Library."

"Vice, sabihin mo kay Sir, time na."

"Vice."

"Vice."

"Vice!"

Nakakainis!!! Ako ang nilalapitan nila dahil mas muka raw akong approachable kesa kay Cadi. Ako ang nagagahol samantalang una sa lahat, hindi ko naman ginusto to!

Nakasimangot na humugot ako ng upuan at tinapat yun sa kinauupuan ni Cadi. Tinungkod ko ang siko ko sa armchair at mariin siyang tinignan. "Panindigan mo ko."

Bahagyang nanlaki ang mata. "Ha?" Nagtatakang tugon niya.

"Alam mo bang dapat ay nagkacutting na ko? Pero dahil sa dami ng utos ng mga kaklase mo, hindi ako makapuslit ng alis! Kasalanan mo 'to!"

Tinignan niya ko na parang ako na ang pinakawirdong tao sa mundo. Matagal bago siya sumagot. "Edi magcutting ka." Inayos niya ang salamin sa mata. "Sarili mo naman yan. Pwede kang pumili na harapin yung responsibilidad..." bahagyang umangat ang gilid ng labi niya, "o takasan 'to."

Napalunok ako at bahagyang napaatras. Pinagkrus niya ang mga braso at tila nababagot nang kausapin ako. Nagsalubong ang kilay ko at inis na tumayo. Sa loob-loob ko ay talagang tinamaan ako sa sinabi niya. Ewan ko ba pero kapag kausap ko siya, bawat salita niya ay tagos sa bumbunan ko!

Ang nangyari tuloy ay mag-isa akong tumalon sa bakod at nagliwaliw sa kalsada. Napadpad ako sa basketball court kung saan nandun din pala yung mga tropa ko na naglalaro. Inaya nila ko pero humindi ako. Hawak ko ngayon ang cellphone ko at nagtatype sa keypad. Nireplyan ko na yung katextmate ko dati na bigla ko nalang di pinansin nung isang buwan.

Nagkita kaming dalawa sa mall at nanood ng sine. "Di mo naman ako kinakausap e." Reklamo ni Celine. Aaminin kong siya talaga yung tipo ko. Yung mukang Maria Clara at madalas ay tahimik lang.

"Sorry." Sabi ko habang inaabot nalang sa kaniya yung popcorn na di ko manlang naubos.

"Busog na ko. Tara, alis nalang tayo. Parang wala ka naman sa mood e." Tumayo siya at nagwalkout. Sinundan ko naman kung san siya dumaan pero di ko na siya mahanap. Napapabuntong hininga nalang ako na naupo sa isang gilid. Nakareceive ako ng text mula sa kaniya na wag na daw kaming magkita at mag-usap.

Di ko siya masisisi dahil kasalanan ko naman talaga, dahil pagkakita palang namin ay di ko na maayos ang takbo ng utak ko. Hindi ako makapokus sa kaniya maging sa pinanood naming pelikula na hindi niya rin gusto. Ang gusto niya sana ay yung Maleficent pero di ako pumayag.

Buong oras ata na magkasama kami ay nakasimangot ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kaya malamang na nawalan siya ng gana na ituloy yung date namin.

Nung naglalakad na ko pauwi sa'min ay nadaanan ko ang bahay nila Cadi. Natigilan ako at parang napako sa kinatatayuan. Sakto kasing lumabas ng pinto si Cadi na may hawak na walis tingting at dustpan. Nagtagpo ang mga mata namin at tumaas ang dalawa niyang kilay. "Bakit?" Tanong niya.

"Wala kang puso." Tanging sabi ko. Bago ako lumayo ay nahagip pa ng mata ko ang pagkunot ng noo niya.

"Sandali nga." Pigil niya sa'kin at nagpapigil naman ako. Di ko siya nilingon pero naghintay lang ako sa sasabihin niya.

"Ano bang problema mo, ha? Kung anu-anong mga linya na binabato mo di ko naman alam kung anong ginawa ko sayo."

Napaismid ako at umiling habang humaharap sa kaniya. Nung mapansin na ang lapit pala namin ay di ako nakapagsalita agad.

"Kung dahil to sa pagnominate ko sayo, di naman ata tama na ako lang yung may mali dito. Ikaw yung nauna at binawian lang kita. Parang di naman ata patas na kapag ikaw yung nagbiro, ayos lang, pero pag ako below the belt agad."

"Hindi yun." Mahinang sabi ko.

"E ano pala?" Inis na aniya.

"Kasi parang wala kang pakielam." Mas mahinang sagot ko kaya malamang na di niya yun rinig.

"Ano? Ulitin mo nga!" Singhal niya.

"Kung itrato mo ko parang di tayo magkakilala!" Bulalas ko. Natigilan naman siya. "Magkapitbahay tayo, tapos, akala ko magkaibigan na tayo mula nung nakasama kita sa mall. Pero nung kinausap kita kanina tungkol sa pagka-cutting, pabalang ka lang sumagot!"

Di makapaniwala niya kong tinignan. "Ano bang akala mo sa'kin? Anghel?" Nagtiim tuloy ang mga labi ko. "Hindi ko naman trabaho na pigilan ka sa mga gusto mong gawin. Isa pa, di ko naman alam na kaibigan na pala turing mo sa'kin. Malay ko ba? E halos dalawang buwan palang naman kitang kilala? Ni hindi pa nga tayo madalas nag-uusap dalawa–"

"Dahil di mo ko pinapansin!"

"Kasi di ka naman lumalapit!"

Saglit akong nag-iwas ng tingin nung maintindihan ko ang ipinupunto niya.

"Tsk. Di ka lang pinapansin, wala na agad puso? Balido bang rason yun?" Nakangising aniya. Napapahiya akong umismid, di rin ako makaimik. Matagal kaming natahimik habang siya ay yan nanaman sa tingin niyang parang may malalim na iniisip. Nailang ako sa titig niya at buti nalang ay dumaan yung nagtitinda ng balot dahil nalihis ang atensyon niya.

"Tsk. Samahan mo nalang ako." Saad niya. Nagpanting naman ang tainga ko.

"S-saan?" Pigil ang ngiti ko habang nilalagay ang mga kamay sa likod ko.

"Sa palengke."

"Kailan?" Itinabi niya yung walis na kanina niya pa pala hawak. Buti nalang ay di niya yun naisipang ihampas sa'kin. "Ngayon na. Tara."

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon