Chapter 11

1 1 0
                                    

Casper

AAMIN na ko, at sa pagkakataong to, wala nang ata. Kaya ngayon palang, sinusumpa ko na sa harap ng maduming salaming to na aaminin ko na kay Cadi yung totoong nararamdaman ko. Bakit? DAHIL DI KO NA KAYANG UMIWAS!

Bawat segundo, parang sasabog tong puso ko sa kaba. Masulyapan ko lang siya, para nang tinatambol tong dibdib ko. At pag ngumiti siya? Para na kong mahihimatay sa tuwa! At hindi na to nakakatuwa! Gusto ko siya pero di pwedeng ikamatay ko tong nararamdaman ko nang hindi niya nalalaman na siya yung may kasalanan nito!

"Gusto kita." Puno ng kumpyansang sabi ko habang inaayos ang buhok. Pinilit kong di pansinin yung mga alikabok sa salamin. "Liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo." Nakangising ensayo ko.

"HOY CASPER!" Dumagundong yung pinto kaya napapitlag ako, sunod ay narinig ko nalang yung sigaw ni Owen. "Ga*o ka ba, Pre?! Bakit mo nilock?! Buksan mo to taeng tae na ko!"

Oo nga pala, nasa cr nga pala ako ng school at hindi ng bahay namin. Kaya pagkabukas ko ng pinto ay natatarantang pumasok si Owen sa isang cubicle at natawa nalang ako nung marinig ko siyang magpasabog. "Lakas niyan, Pre, ah? Parang kulog lang."

"Tumahimik ka. Kumuwa ka nalang ng tubig sa labas!"

Ang mahirap dito ay maliit ang cr kaya yung drum ng tubig ay nasa labas. Magkatabi lang naman ang cr ng babae at lalaki kaya iisa lang yung pinagkukunan namin. Wala namang problema kaya kinuha ko nalang yung tabo saka lumabas. Nung kukuha na sana ako ng tubig ay dumating si Cadi na maghuhugas ata ng kamay. Sa isang iglap ay parang namutla ata ako.

"H-hindi sa'kin to!" Sabay tago ng tabo sa likod ko. Wala namang nakakahiya pero nahihiya pa rin ako! Baka isipin niya ako yung naglabas ng sama ng loob sa cr!

"Hindi naman talaga sayo yan." Tugon niya.

"Eh bakit ganiyan ka makatingin?"

"Ano nanaman ginawa ko?" Naiinis na sabi niya.

"W-wala. Umalis ka na!"

Kumunot ang noo niya at napapailing nalang na tinalikuran ako. "Maghuhugas lang ng kamay yung tao, ang dami pang sinatsat." Mahinang sabi niya kaya napayuko ako sa kahihiyan.

"Preee! Yung tubig preee!" Hiyaw ni Owen.

"Oo, ito na! King*na naman oh."

*****

Oras na ng PE at volleyball ang laro namin ngayon. Nagwarm-up lang kami at pinagpractice muna kami ng mga basics tulad ng pagbato ng bola sa kabilang side ng court. Hinati kami sa dalawang team, ang Team A ang taga-salo samantalang Team B naman ang taga-palo. Katapat ko si Cadi at dapat masaya ako. Kaso, nakailang sala na siya sa bola–di niya yun matamaan.

Tinignan ko kung nasan yung Teacher namin at mukang abala naman siya dun sa kausap niya kaya pumuslit muna ako para tulungan si Cadi. Nung papalapit ako sa kaniya ay napansin kong nagprisinta si Owen na turuan siya. Magkagroup nga pala sila.

"Kaya ko." Simpleng tugon ni Cadi sa kaniya.

"Turuan na kita, mamaya maglalaro na tayo e." Sabi ni Owen.

Nung nasa harap na nila ko ay parehas silang napalingon sa'kin. "Ahm." Bigla ay di ko alam kung anong sasabihin.

Nagulat nalang ako nung mahinag binato ni Cadi yung bola sa'kin na agad ko namang sinalo. Matipid lang na ngumiti si Owen, tinanguan niya ko saka bumalik sa pwesto niya.

"A-ano.." Nahihiyang sabi ko.

"Tuturuan mo ko diba?"

"Oo."

Inalis niya yung salamin niya at pinunasan yun gamit yung damit niya. "Tsk." Aniya habang nakasalubong ang mga kilay. "Pano ba kasi yan?" Naiinis na sabi niya habang binabalik yung salamin sa mata. Napangiti ako. Ang cute niya.

"Ganto lang oh, hagis mo muna yung bola sa ere pataas. Tapos paluin mo." Di ko maalis yung ismid sa muka ko habang tinuturuan siya. Pansin kong kita naman niya ng ayos yung bola, problema lang ay di niya mataymingan yung pagpalo niya. Minsan, masyadong malakas yung pwersa ng kamay niya kaya mabilis din yung kilos niya. Di pa nakakaangat yung bola, nakapalo na siya.

"Kalmahan mo lang kasi." Pinilit kong pigilan yung tawa ko nung mapansing pinanlilisikan niya na ng tingin yung bola.

"Alam mo pinakaayaw ko na subject?"

"Hmm." Umasta akong nag-isip. "Ano?"

"PE. Wala akong alam sa sports."

"Eh pano ba yan, kalaban mo pa ata ako mamaya?" Nagkibit balikat lang siya. "Ganto, pustahan tayo? Kung sinong matalo, igagrant ang wish nung nanalo." Nakangising hamon ko sa kaniya.

"Alam mo na ngang di ako masyado marunong, makikipagpustahan ka pa?"

"Well, kung ayaw mo okay lang naman. Kala ko kasi walang inaatrasang hamon ang nag-iisang Sage Cadilus."

Mariin niya kong tinitigan at di ako napatinag. Sa huli ay pumayag siya. "Sige."

Nagkaroon kami ng groupings. Ilan sa mga ka-team ni Cadi ay si Isabelle, Lilia at Michael. Yung mga kasama ko naman ay mga laging kasali sa Volleyball Team tuwing Intrams sa school, yung isa pa sa'min ay laging MVP. Nakipag-apiran pa ko kay Owen na spiker.

Ngising ngisi ako habang pumupunta na kami sa side namin. Si Cadi ang unang nagserve pero di manlang nakaabot sa net yung bola. Kaya sa umpisa, akala ko ay magiging maganda ang laban na to, inasahan ko nang mananalo ang team ko.

Pero mali ang inakala ko. "Uy, ayos laro." Sabi ko sa mga kasama ko. 10-5 na ang scoring at lamang ang kalaban. Nakakapagtaka talaga, mga volleyball players tong kasama ko pero kanina pa sila sumasablay. "Sorry. 'La ako sa kondisyon ngayon eh." Sabi ng kateam ko na si Hanna. Yung laging MVP tuwing intrams.

Kahit si Isabelle lang ang magaling sa kalaban ay di na nila kailangan mag-effort. Si Cadi nga ay halos tumayo nalang at manood sa mga kateam niya. Kaya nanlulumo nalang akong napaupo sa sidecourt habang umiinom ng tubig. Tambak ang score, talo kami.

Kita ko sa gilid ng mata ko yung paglapit ni Cadi. Nakakrus ang mga braso niya at nang-aasar akong tinignan. "Ang pustahan ay pustahan ha." Sabi niya.

"Oo na..." Mababang boses na tugon ko. "Ano bang dare mo sa'kin?"

"Ewan. Pag-iisipan ko pa." Kibit-balikat na aniya saka ako tinalikuran.

Napasapo ako ng noo. Lumapit naman si Owen at tinapik ako sa balikat. "Pre, ayos ka lang?" Natatawang tanong niya.

"Sabihin mo nga sa'kin, plinano niyo ba to?" Nakaismid na saad ko.

"H-ha?"

Kumbaga parang candy lang yung score kanina na pinamigay nila ng libre sa kalaban. Lahat ng tira nila parang sinadyang isablay. "Wala, pre. Bakas muna ako." Paalam ko na sa kaniya.Bahala sila dyan.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon