Chapter 9

1 1 0
                                    


MAGANDA ang ngiti ko habang sinasalubong ako ng mga kaklase ko. Parang artista na kumaway pa ko sa kanila maging dun sa mga nasa dulo. Mauupo na sana ako nang pigilan ako ni Michael na kasabay kong pumasok. "Di ka dyan. Dun ka sa pangalawang row." Taka akong tumingin sa kaniya. "May seating arrangement na. Alphabetical." Walang latoy na dagdag niya saka naupo doon sa bandang hulihan.

Palinga-linga ako habang nilalapag yung bag ko sa upuan na tinuro sa'kin ni Michael. Hinahanap ng mata ko si Cadi pero naalintana ako nang may tumabig nalang sa'kin bigla. "Ikaw nanaman? Well, lagi ka namang absent kaya okay na rin." Kibit-balikat na sabi ni Lilia, ang babaeng pinaglihi ata sa sama ng loob dahil parating mainit ang ulo sa'kin. Parati kaming nagiging seatmate at wala siyang ginawa kundi irapan ako.

Tumahimik nalang ako dahil ayokong masira ang araw ko. Buti nalang nung paglingon ko sa pintuan ay bumungad na si Cadi na may dalang maliit na eco bag. Nung maupo siya sa likuran katabi ni Michael ay talagang nalaglag ang panga ko. Kunwareng umuubo naman na binalik ko ang tingin sa may blackboard. Kadayaan.

Pagpatak ng 9 am ay recess na. Kakatindig ko palang ay lumapit na agad sa'kin si Owen at ngingisi-ngisi habang hawak ang isang lollipop. "Ibang klase naman pala President natin e. Hanep sa diskarte." Halos kalhati din ata ng klase namin ay may hawak na candy na binebenta ni Cadi. Yan yung binili naman kahapon sa palengke.

"Merong special offers. Hahaha!" Natatawang dagdag ni Owen. Napalingon naman ako sa kaniya.

"Anong special offers?"

"Wala, wala. Tara na."

Inaya niya kong mag-akyat bakod ulit at hindi ko naman siya nahindian. Nagbulakbol lang kami sa isang kalye kasama ang tropa. Nagtataka ako kay Owen dahil mukhang sobrang excited niya ata. Sinabi niya pang babalik din kami agad para mag-quiz mamaya.

"Kailan ka pa natutong mag-quiz?" Sabi ko sa kaniya. Parang may tinatago 'tong lokong to.

"Basta, basta. Tara.."

Hindi mahigpit dito sa school namin. Siguro depende na rin sa Teacher pero madalas ay di naman sila strikto. Nung naglalabas na kami ng mga papel ay halos maubos ang ¼ sheet na pad ko. Buti nalang at kumpleto ako lagi sa school supplies dahil teachers ang mga magulang ko.

English ang subject at descriptive daw ang type ng exam. Hindi ako nagreview kaya malamang na huhulaan ko nanaman lahat. Nakaone-seat apart kami at magulo ang pagkakahilera nun, halatang binasta nalang.

Nang nagsisimula na magtanong ang Teacher ay napansin ko yung isa kong katabi na lalaki rin. Nagkukunwari siyang may sinusulat at blanko lang ang papel niya. Pagdating sa number 15, unti-unti ay parang may mga papel na nagteteleport sa mga kaklase ko. Ang bilis nung galaw nun at parang tren na nagdadatingan, lahat yun ay nagmumula sa likod. Hindi yun napapansin ng Teacher dahil hindi siya umiikot at nanatili siyang nakaupo sa harapan. Sa isip-isip ko ay natatawa ako na kinakabahan dahil may isang tao akong naiisip kung sinong may pasimuno nito.

Hindi man ito yung unang beses na makakita ako ng nagkokopyahan ay kakaiba ang resulta ng quiz na ngayon. 5 lang ang naitama ko habang halos lahat sila ay di bababa ng 15/20 ang scores. Ang naka-perfect? Walang iba kundi si Cadi.

Sinulat lang ni Sir ang scores at hindi kinolekta ang papel. Pagkaalis niya ay naghiyawan ang mga kaklase ko. "Baka mas gumaling pa tayo nito sa Pilot Section ah. Hahahaha!" Tukoy ng kaklase ko sa isang section na puro higher than 90 ang general average grade.

*****

Hindi ko kinumpronta si Cadi kahit na ang lakas ng hinala ko. Dumaan ang mga araw na kahit madalas ay absent ako, naririnig ko pa rin ang mga balita sa nangyayari sa klase.

Sage CadilusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon