Dalawangpu't Pito

813 49 4
                                    


Ravin

" Bakit kaba bigla biglang tumakbo ha? grabe napagod ako don ah." Wika nang nagngangalang Jastine.

" Binibini, maari mo bang sabihin sa akin kung anong lugar ito?" Tanong ko.

" This is the New City.." Wika naman ng nagngangalang Faith.

" Paumanhin hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi.." Bakit ganon siya magsalita? hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung anong lenggwahe ang kaniyang binibigkas.

Nagkunot noo naman ito sa akin.

" Bes tingin ko talaga kay cutie probinsyanang hindi nagaral.." Napalingon naman ako sa kaibigan nito.

" Stop it! grabe ka naman don sa tao.." Wika naman ni Faith sa kaibigan. Nagkibit balikat na lamang ang kaibigan sa kaniya.

" I'm sorry about- I mean.. shit, ah.. ang ibig kong sabihin ay, itong lugar na ito ay tinatawag na New city.." Wika ulit ni Faith.

" N-n Si- Hindi ko.. hindi ba ito ang imperyong Gadula?" tanong kong muli dito.

" Ah, yeah! This is Gadula pero nasa New City ka ngayon.." Sagot naman ni Faith.

" Hindi ito ang Gadula binibini.. hindi ito ang pagkakatanda ko sa lugar kung saan ako ipinanganak.." Tiningnan kong muli ang paligid.

Hindi ito ang Imperyong kinalakihan ko.

" High kaba oh nakainom lang? Nasa Gadula ka.. pinamumunuan ng Hari at Reyna which is nakatira sa Royal Palace.." Wika naman ni Jastine.

" Baka na head injury ka Cutie, ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa loob ng hospital para makapagpahinga ka.. siguro shock ka pa sa kung anong nangyari sayo kaya ka ganiyan.." Dagdag pa nito.

" Tama si Jastine, Ravin kailangan mo munang magpahinga para mabilis gumaling iyang mga sugat mo.." Wika naman si Faith.

Hindi na ako nakatanggi pa at sumunod na lamang sa kanilang sinabi.

Nagtataka pa din ako kung bakit sinasabi nilang nasa Gadula ako pero ang pagkakatanda ko ay hindi ganito ang lugar na iyon.

Pagkatapos nila akong ibalik sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina ay pareho lang silang nagmamanman sa bawat kilos ko.

" Matanong lang kita Ravin.. May Id kaba? or anything para ma contact namin ang mga magulang mo para naman malaman nila na nandito ka sa hospita.." tanong ni Faith.

" I.. D? Ano iyon? " May mga salita talaga silang hindi ko maintindihan.

" Tingnan mo bes.. high talaga iyan eh ultimo ID hindi alam, siguro nagdadrugs to kaya siya ganyan.." Wika ni Jastine.

Nakita ko naman na sinamaan nang tingin ni Faith si Jastine, at itong si Jastine naman ay nagtaas nang dalawang kamay kay faith.

" Look, Ravin hindi namin alam kung sino ang tatawagan oh hahanapin namin kung wala kang ID.. Sabihin mo sa amin anong pangalan ng mga magulang mo.. at iyong full name mo na din.." Wika naman si Faith.

" Ang pangalan nang aking Ama ay si Clarence George Monteverde, at ang aking ina naman ay si Sylvia Almira Monteverde.. At ang aking ngalan nama'y Ravin Cloud Monteverde.." Wika ko at nakita ko namang may isinulat ito sa papel.

" Okay.. Ibibigay ko itong mga names ng mga magulang mo sa mga police at sila ang maghahanap sa parents mo at para malaman nang mga magulang mo na nandito ka sa hospita.." Paliwanag ni Faith.

" Nasa palasyo lamang ang mga magulang ko.. Alam kong pati na din sila ay nagaalala na sa pagkawala ko.." Sigurado akong nagaalala na si Ina ngayon.

" Palasyo? nakatira sila sa palasyo?" Tanong naman ni Jastine.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon