Gretel Satorni" Mukhang masaya kayo Lady Gretel..." Pansin sa akin nang aking tagapaglingkod na si Amya.
Napangiti ako.
" Masaya lang ako dahil batid kong mahalaga din ako sa kamahalan.." ngumiti ito sa akin.
Matapos kong bisitahin ang reyna at nang paguusap naming iyon nang kamahalan ay masaya akong nagtungo sa aking silid.
" Napapansin ko nga din po paminsan Lady Gretel.." Napatingin ako sa gawi niya.
" Talaga?" Ngumiti siya.
" Opo... Simula Po nang malaman ng kamahalan na dinadala niyo ang kaniyang anak ay walang oras na pinapatanong ni henya na tagapaglingkod ng kamahalan Kung anong lagay niyo sa araw araw.." napakunot noo ako.
" Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito?" Noon pa lang pala ay palihim na inaalam ng kamahalan ang lagay ko?
" Paumanhin po lady Gretel subalit sinabi po kasi ni henya na utos daw nang kamahalan na huwag nang sabihin pa sa inyo.." lihim akong napangiti.
Napakasaya ko at pinapahalagahan din niya ako.
" Sana lalaki din Po ang magiging anak niyo lady Gretel.." humawak ako sa aking tiyan.
Sana nga ay maging lalaki din itong anak ko, pero ayos lang din naman sa akin kung babae ang magiging anak ko ang mahalaga anak ko siya. Anak namin nang kamahalan.
Simula nang maging asawa ako nang kamahalan ay ibang saya ang nadarama ko sa araw araw dahil makita ko lang siya at masilayan ay ibang saya ang naidudulot niya sa akin. Hindi ko akalain na mapapamahal ako sa kaniya nang ganito, maswerte ako at ako ang naging asawa niya.
" Lady Gretel ito na Po ang hapunan niyo.." napatingin ako sa tagapaglingkod na kakapasok pa lang sa aking silid.
" Ako na ang bahala.." kuha naman ni Amya sa pagkaing dala nito.
Ilang buwan na lang at manganganak na ako at ako'y nasasabik na sa pagdating nang aking anak.
Tumayo ako nang dahan at nagtungo sa di kalakihang hapagkainan dito sa loob nang silid ko. Mukhang masasarap ang nakahanda sa akin ngayon.
" Saluhan mo na ako Amya.." Aya ko sa aking tagapaglingkod.
" Hindi po pwedeng makisalo ako sa inyo lady Gretel..." Tanggi niya.
" Hindi ako gaganahan sa pagkain kung Wala akong kasabay Amya.." pagpupumilit ko sa kaniya.
Nahihiya naman siyang yumuko sa akin.
" Bawal Po sa aming mga tagapaglingkod na makisalo sa asawa nang Hari lady Gretel, paumanhin po.." napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko na lang siya muling kinausap at nagsimula na akong kumain.
Habang ako ay kumakain at ninanamnam ang sarap nang aking kinakain ay may bigla akong naramdaman na kakaiba.
*Ubo! Ubo!*
A-ano ito? Bakit ganito?
" Lady Gretel?! Ano pong nangyayari sa inyo!?"
Hindi na ako nakasagot pa at nilamon na ako nang dilim.
-----------
" Ayos na ba ang lagay niya?"
" Ligtas na po sa kapahamakan si lady Gretel kamahalan.."
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...