Ravin Cloud Monteverde
Sa kaharian nang Gadula ay masasabi mong isa itong paraiso sa gandan ng lugar na ito, may nag-gagandang bahay, at mga nag-gagandahang mga paaralan.
Isa na dito ang La Visa isa itong prehistiyosong paaralan na tanging nakakapasok lang ay mga maharlika o mga anak ng isang Hari.
At doon ako nag-aaral, akala ko nga nung una na magiging maganda ang sitwasyon ko sa paaralan na ito subalit mali pala ako.
Dahil dito rin nag-aaral ang demonyitang prinsesa na iyon, gusto ko pa sanang lumipat na lang sa pambublikong paaralan kaso lang hindi ako pinayagan ng tatay ko mas maganda raw na pareho kami ng pinapasukan ng prinsesa para rin daw makilala namin ang isa't isa.
Nakilala nga namin ang isat isa hindi nagkamali si papa. Kapag nandito ako sa paaralan dito ako lalong pinapahirapan ng prinsesa na iyon.
Kahit pa nabalita sa buong paaralan na ikakasal kami ay walang nagkamaling magsasalita sa amin dahil utos ng Hari. Pero may mangilan-ngilan na tutol dahil na rin daw sa pareho kaming babae, Kung alam lang nila.
Wala silang alam sa kalagayan ko dahil na rin tinatago ko, ayokong sabihin sa lahat, ayokong mahusgahan nila ako. Pero sa nangyayari sa akin ngayon? Hinuhusgahan pa rin nila ako.
Hay, Wala na ba silang ibang magawa sa mga buhay nila at buhay ko oh namin ang pinapakialaman nila? tsk!
" Kaibigan! Nandito kana pala.." tawag sa akin ng kaibigan kong si Alberta.
" Ah, oo kararating ko lang..." Wika ko sa kaniya.
" Dumating na ba si demonyita? " Tanong ko kay Alberta napatawa naman siya.
" Wala pa ang prinsesa mo, hahaha." Sinamaan ko lang siya nang tingin.
" Magtigil ka nga! Ang aga-aga sinisira mo ang araw ko.." tinawanan niya lang ako.
Agad na kaming pumasok sa kaniya kaniya naming klase. Makikita ko na naman siya sa loob ni silid hay, Kung pwede lang talagang lumipat lumipat na ako.
Habang naglalakad ako papunta sa silid ko ay nakikita kong nakatingin sa akin ang mga istudyante, lagi naman ganiyan sila sa tuwing nakikita ako.
Nasa tapat na ako ng silid ko ay bubuksan na ang pinto, at bumungad sa akin ang aming guro. Patay! Nahuli na naman ako!
" Nahuli ka na naman Ravin.." nakataas na kilay na wika ng guro ko.
" Pasensya na Po.." yumuko na lang ako bilang paumanhin.
Pagharap ko nakita ko na ang prinsesang ayaw kong makita, ayun nakangisi na naman sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa upuan ko.
Sa buong klase ko ay hindi ako nakikinig dahil na rin sa wala akong gana, napayuko na lang ako sa lamesa ko.
--------------
" Ravin...bakit hindi mo na lang ipilit sa papa mo na huwag ka nang ikasal sa prinsesa malay mo pagsinabi mong ayaw mo talaga payagan kaniya.." suhestyon ni Alberta.
" Hindi ko mapipilit si papa dahil nakapagdesisyon na siya.." malungkot kong wika.
" Ang hirap talaga ng sitwasyon mo.." napailing na lang ako sa kaniya.
" Eh kung maghanap ka ng kasintahan? " Seryoso ba siya?
" Pinapahamak mo ako sa sinabi mo eh.." wika ko.
" Malay mo baka payagan ka na ng papa mong hindi ikasal sa prinsesa sa oras na malaman niyang may minamahal kang iba.." napaisip ako doon.
" Paano ko gagawin iyon aber? Kita mong walang gustong lumapit sa akin nung malaman ng lahat na ikakasal ako sa prinsesa..." Wala na.
" Meron iyan! Sa itsura mong iyan? Hindi lalapitan? May nagsabi na ba sayong ang kisig mong tingnan? Sa pangangatawan mo pagkakamalan kang lalaki eh, tapos dagdag mo pa ang maganda mong mukha. Isa ka nang makisig na lalaki tingnan.." wika niya.
" Wala na akong magagawa ganito ako pinanganak eh..." Wika ko.
" Kaya nga pakinabangan mo iyang gandang lala-este babae mo para makakuha ng kasintahan.." dapat ba ako makinig sa kaniya?
" Ano ba ang dapat kong gawin? " Tanong ko.
" Una pumili ka ng babaeng pwede mong maging kasintahan.." Teka?
" Bakit babae? Bakit hindi na lang lalaki? " Tanong ko.
" Ravin kasi babae ang prinsesa dapat babae rin ang pipiliin mo.." huh?
" Bakit?"
" Nakakahiya iyon kung sa isang lalaki mo siya ipagpapalit, mas maganda kung babae at saka mukha ka namang lalaki eh. Panigurado walang magkakainteres sayong lalaki.." Ang sama naman siya sa akin.
" Oo na, oo na.." tumango tango naman siya.
" Ayos! Ito ang una nating gagawin maghahanap ng pwedeng maging kasintahan mo!" Natutuwa siya sa nangyayari pero ako? Kinakabahan sa pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...