Labing anim

4.1K 180 4
                                        

Ravin Cloud Monteverde


Nang mahirang akong Hari ng Gadula ay siya namang pagkamatay nang dating Hari, dahil sa kaniyang malubhang sakit. Umiyak ng husto ang asawa ko dahil sa pagkawala ng ama niya, nagalit siya sa akin nung una na hindi ko sinabi ang kalagayan ng kaniyang ama. Subalit napatawad din niya ako kalaunan nang sinabi ko sa kaniya ang totoo na hiniling iyon sa akin ng ama niya.



Sa ilang buwan na pagiging Hari ko ay masasabi kong nahirapan ako sa tungkuling ito, napakaraming suliranin ang hinaharap ng isang Hari.



Sobrang hirap pala talaga maging Hari saludo ako sa kamahalan na napamunuan niya ang kaharian ng magisa lang siya malaking pasanin subalit nakaya niya.


Pero kahit na nahihirapan ako ay katuwang ko naman ang aking Reyna sa pamumuno ng kaharian, mabuti na lang at nariyan siya, Para umalalay sa akin.


" Kamahalan kailangan niyo pong pakasalan ang prinsesa ng Sepir .." wika na Isa sa aking mga ministro.


Nagpupulong kaming lahat dito sa palasyo dahil may suliranin ang kaharian.

Minumungkahi nila na pakasalan ko ang prinsesa ng kaharian ng Sepir para matigil na ang alitan sa pagitan nang aming mga kaharian.


Normal lang sa isang Hari na magkaroon nang, iba pang asawa o babaeng konsorte na magbibigay kung sakaling hindi kaya ng isang Reyna na bigyan ng isang supling ang isang Hari.



Nasa batas namin iyon na pwede ang isang Hari ay magkaroon ng higit pa sa isa ang asawa, ngunit nasa isang Hari na ang pasya kung gugustuhin nito ang magkaroon pa ng asawa.


Tiningnan ko ang kinaroroonan ng asawa ko at nakatingin din siya sa akin, may lungkot akong nakita sa mata niya.


" Maari naman akong tumanggi sa minumungkahi niyo hindi ba?" Wika ko sa kanila.

May dismaya sa kanilang mga mata.


" Kamahalan! Kapag tumanggi po kayo sa pagpapakasal sa prinsesa nang Sepir, maaring magkaroon nang digmaan! Pakinggan niyo po ang aming mungkahi kamahalan!"


" Pakinggan niyo po ang aming mungkahi kamahalan!!!" Sabay sabay pa silang yumuko at sumigaw.

Wala na ba akong ibang pagpipilian?

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa direksyon ng asawa ko, napapikit na lang siya at umiwas ng tingin sa akin.


Nang matapos ang pagpupulong ay dumiretsyo na ako sa silid namin ng asawa ko, nakita ko siyang nakaupo sa higaan.


" Hindi ko pakakasalan ang prinsesa ng ibang kaharian.." wika ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin.


" Kailangan mong gawin iyon, para sa kaharian.." mapait niyang sambit.


" Mahal ko, mayroon pang ibang paraan para hindi magkaroon ng digmaan.." lumuhod ako sa kaniya.

" Ano? Sabihin mo sa akin?" Natigilan ako.

" Ang pagpapakasal lang sa prinsesa nang Sepir ang sulusyon para hindi dumanak ng dugo.." hinawakan niya ako sa pisnge.

" Pero Mahal ko.." napangiti siya.


" Alam ko naman na mangyayari ito dahil ikaw na ang naghahari sa ating kaharian, alam na kahaharapin ko ito...na mayroon pang ibang babae na makakasal sayo.." may bahid ng lungkot ang kaniyang boses.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon