Ravin Cloud Monteverde
Nagsimula nga kami nang Prinsesa sa umpisa, kinilala ang isa't isa. At sa tuwing pupunta ako oh kami ng mga magulang ko sa palasyo ay malugod na niya akong tinatanggap, lagi kaming naguusap nang mga bagay bagay.
Makulit rin pala siyang kaibigan, maalalahanin, mapagbigay, at hindi ko sukat akalain na sobrang bait niya pala.
Paminsan ay nagkukulitan pa rin kami, Hindi rin maiaalis sa prinsesa na napakapilya rin nito kahit dati pa na hindi kami magkasundo, hahaha.
Sa ngayon magaan na sa pakiramdam kapag nakikita ko siya hindi na katulad nung dati, na pagnakikita ko siya ay laging akong naiinis kapag nakakasalamuha siya. Nakatulong yung paguusap namin sa kwarto niya dahil don nabago ang lahat.
" Kaibigan mayroon na akong nahanap na pwede mong maging kasintahan..." Wika ni Alberta.
Naglalakad kami papuntang bulwagan, napalingon ako sa kaniya.
" Sino na naman iyang nahanap mo? " Sa ilang araw ding lumipas ay hindi din ako tumigil sa paghahanap ng magiging kasintahan, tinutulungan pa din ako nitong si Alberta sa paghahanap.
Siya lagi ang may inirereto ngunit lahat iyon ay hindi ko nagustohan.
" Huwag kang magalala, magugustuhan mo na ito pangako..." Nakangiti niyang wika.
" Nasaan na pala yung sinasabi mo? Saan ko pupuntahan? " Tanong ko.
" Ang Sabi ko kanina na, sa buluwagan na lang natin siya hintayin..." Tumango na lang ako sa kaniya.
Pagpasok namin sa buluwagan ay marami na agad tao, inilibot ko pa ang mata at nahagip ko ang prinsesa kasama ang dalawa pa niyang kaibigan.
Naramdaman naman niyang parang may nakatingin sa kaniya kaya napalingon siya at nagtama ang mga mata namin, napangiti ako ng makita ko siya at ganun din ang ginawa niya.
Naglakad kami ni Alberta papunta sa direksyon ng prinsesa,
" Kamusta? " Nakangiting bati ko sa kanilang tatlo.
" Kamusta Ravin! " Masiglang bati ni Sera Isa sa mga kaibigan ng prinsesa.
" Kamusta..." Mahinhin naman na bati ni Laura kaibigan din ng prinsesa.
Bumaling naman ako sa prinsesa at nakita Kong nakangiti siya.
" Kamusta..." Nakangiti niyang wika.
" Kamusta din sa inyong tatlo!" Masiglang bati din ni Alberta.
Binati din siya ng mga kaibigan ng prinsesa at ganon din ang prinsesa. Nang magkaayos kami ay sumasabay na din kami sa pagkain sa kanila, dahil na rin sa kagustuhan ng prinsesa na makasabay ako sa tuwing kakain siya.
Habang naghihintay kami ng makakain ay nagkwentuhan kaming lahat tungkol sa kung ano anong bagay. Masaya din pala kasama ang mga kaibigan ng prinsesa, makukulit minsan, palabiro din kagaya niya.
Nang maihantid na ang pagkain namin ng isang katulong ay agad na kaming kumain, habang kumakain ako ay napatingin ako sa prinsesa. Napatawa ako ng mahina at narinig niya iyon kaya napalingon sya sa akin.
" Ano iyon? Bakit ka tumatawa?" Takang tanong niya.
" May pagkain ka sa mukha.." nakangiti kong sabi sa kaniya.
" Dito ba? " Napatawa ulit ako dahil Mali siya nang pagkakapunas.
Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko,
" Ako na..." Mahina ko pang tawa sa kaniya.
Habang pinupunasan ko siya ay nakikita kong natigilan siya at biglang namula ang pisnge niya habang pinupunasan ko ang gilid ng labi niya.
" Ayos ka lang? " Tanong ko sa kaniya.
" A-ayos lang ako..." Nauutal niyang wika.
Hinawakan ko naman ang noo niya, Hindi naman mainit? Bakit siya namumula?.
" Ehemmmm!" Napalingon naman kami dahil doon.
" Mukhang abala kayong dalawa dyan ah?" Nakangising wika ni Sera.
Tinanggal naman ng prinsesa ang pagkakahawak ko sa noo niya.
" Bumalik kana nga sa pagkain mo..." Naiinis na wika ng prinsesa, tumawa na lang si Sera dahil don.
Ilang sandaling katahimikan.
" Kaibigan nandito na siya.." napalingon ako kay Alberta.
" Sino? " Tanong naman ni Sera.
Nakita ko naman na may papalit na babae sa direksyon namin, habang naglalakad siya ay parang tumitigil ang oras. Ang ganda nang babaeng papunta sa amin.
Tumigil ito sa harap ni Alberta at si Alberta naman ay tumayo.
" Ravin siya si Scarlett..." Pakilala ni Alberta.
Tumayo naman ako para magpakilala sa kaniya.
" Ako naman si Ravin..." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito sa likod ng palad niya.
" Kinagagalak kitang makilala.." nakangiti kong saad.
" Nagagalak din akong makilala ka..." Nakangiti niyang wika.
Hawak ko pa rin ang kamay niya ng,
" Ehemmmm!"
Nabitawan ko ito dahil doon, nakalimutan naming ipakilala ang lahat.
" Ah! Siyang nga pala sila Sina Sera, Laura, at ang Mahal na prinsesa..." Pakilala ni Alberta.
" Kilala ko na sila Alberta, nasa iisang paaralan lang tayo hindi ba? " Wika ni Scarlett.
" Ako nga pala si Scarlett.." pakilala niya sa mga kaibigan ng prinsesa, lumingon din siya sa prinsesa. Tumango lang yung dalawa at ang prinsesa ay tahimik lang.
" Oo nga noh hehehe..." Sabay hawak pa niya ng batok niya.
" Sasabay kabang kumain sa amin ngayon? " Tanong ko kay Scarlett.
" Siguro sa ibang araw na lang..." Ngumiti siya sa akin.
" Sige magkita na lang tayo sa ibang pagkakataon Ravin, paalam sa inyo, paalam mahal na prinsesa..." Dagdag pa nito at yumuko siya sa prinsesa at nagpaalam din sa iba.
Hindi naman umimik ang prinsesa kaya tuluyan nang umalis si Scarlett. Umupo na ulit kami at nagpatuloy sa pagkain, napansin ko naman na pinaglalaruan ng prinsesa ang pagkain niya.
" May problema ba? " Tawag pansin ko sa kaniya.
" Wala..." May iritang wika niya.
Napakunot noo naman ako dahil sa ikinikilos niya, kanina lang ay masaya siya pero ngayon, Hindi na maipinta ang mukha niya.
" Ravin, siya na ba ang liligawan mo?" Tanong ni Sera.
" Hmmm, sa tingin ko pwede na siya sa akin..." Nakangiti kong sabi.
*Boogggshh*
Biglang hinampas ng prinsesa ang lamesa, nagulat naman ang lahat pati na din kami sa ginawa niya. Napatingin ako sa kaniya para siyang galit na galit.
Bigla siyang tumayo at naglakad palayo sa amin. Anong nangyari doon?
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Любовные романы" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...