Walo

4.7K 221 1
                                    

Ravin Cloud Monteverde


" May kasintahan na ako.." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nakatulala lang siya sa akin.

" Hoy! Ayos ka lang?" Nagulat ko ata siya.

Hindi pa rin siya nagsasalita nakatingin lang siya sa akin. Hinawakan ko siya sa balikat.

" Ayos ka lang ba? " Tanong ko ulit sa kaniya.

" A-ayos lang ako..." Mahina niyang sabi.

Lumungkot ang itsura niya kumpara kanina na masaya siya.

" Sa wakas may dahilan na tayo para hindi maikasal.. kapag nakatyempo ako kina papa at mama sasabihin ko sa kanila na may kasintahan na ako para itigil nila ang kasal natin... " Nasasabik kong wika sa kaniya.

" Ta-tama ka.." nakayuko lang siya sa akin.

" At makakapili ka na rin ng lalaking mamahalin at pakakasalan mo prinsesa..isang prinsipeng nababagay lamang sa prinsesang katulad mo..." Masaya kong wika sa kaniya.

Seryoso naman siya nakatingin sa akin.

" Hindi kaba masaya? " Tanong ko.

Napansin kong parang wala siya sa katinuan niya. At parang hindi siya masaya sa ibinalita ko sa kaniya, may problema na naman ba siya?

Hindi siya sumagot.

" May problema kaba? " Lumapit ako sa kaniya para hawakan siya ng umiwas siya.

" A-ayos lang ako.." lumayo siya sa akin.

Napatigil naman ako sa ikinilos niya.

" Kailangan ko nang umalis.." bigla siyang lumabas sa kwarto ko.

Bakit nagkaganon siya?

Nang makaalis siya ay agad akong bumaba.


" Anak, bakit nagmamadaling umuwi ang prinsesa? Anong nangyari? " Tanong ni mama pagkababa ko pa lang ng hagdan.

" Hindi ko rin Po alam ma.." kibit balikat kong sabi.

Ano kayang problema? Bakit bigla na lang siyang umalis?


Nang gabing umuwi ang prinsesa sa di ko malamang dahilan ay hindi ko na siya nakausap. Kinabukasan non ay kami naman ng pamilya ko ang dumalaw sa palasyo at pagdating ko doon ay nag-iba na ang pakikitungo ng prinsesa sa akin.

Naging malamig na siya sa akin, pamisan ay hindi na niya ako kinikibo sa di ko malamang dahilan. Nung una pinabayaan ko siya dahil sa naiisip ko na may dinadala siyang problema.


Pero nagtagal iyon ng ilang araw, pati sa paaralan ay ganun din ang pakikitungo niya sa akin. Para nga akong hangin sa kaniya eh. May nagawa ba akong mali sa kaniya kaya siya nagkakaganiyan sa akin? Oh baka may nasabi akong hindi niya nagustohan?

Hayst! Naguguluhan na ako! Bakit ba siya ganiyan?!

" Ayos ka lang? " Tanong sa akin ni Scarlett.

Nandito kami ngayon sa hardin ng paaralan.

" Ayos lang ako..." Tipid kong wika.

" May problema kaba? " Nagaalala niyang wika.

Tiningnan ko siya bakas sa mukha niya ang pagaalala. Hinawakan ko siya sa ulo at ngumiti.

" Wala...may iniisip lang ako."

Ilang sandaling katahimikan.



" Nasabi mo na ba sa prinsesa ang relasyon natin? " Basag niya sa katahimikan, Nakasandal siya sa balikat ko.

" Oo.." nagangat niya ng ulo at tumingin sa akin.

" Anong sabi niya?"

" Wala naman siyang gaanong sinabi, nung nagusap Kasi kami parang balisa siya hindi ko mawari kung anong iniisip niya..." Wika ko.

" Ganun ba..." Sumandal ulit siya sa balikat ko.

" Sa mga magulang mo? " Tanong niya ulit.

" Hindi ko pa nasasabi...pero huwag kang magalala sasabihin ko sa kanila.." ngiting wika ko.

" Paano Kung ituloy pa rin nila ang kasal niyo ng prinsesa? Pakakasalan mo pa rin ba ang prinsesa?" Paano nga ba kung tumutol sila.

Natahimik ako saglit dahil sa sinabi niya.

" Eh ikaw? Pakakasalan mo ba ako?, kapag pumayag ang mga magulang ko na itigil ang kasal sa pagitan namin ng prinsesa, gugustuhin mo bang makasal sa akin? " Umayos siya ng upo at humarap sa akin.

Naluluhang tiningnan niya ako.

" Oo naman! " Sabay yakap niya sa akin.

Ang higpit niyang yumakap sa akin at tinugunan ko ang yakap niyang iyon. Ilang minutong nagtagal ang yakapang iyon ng may nagsalita,



" Ravin.." boses ng prinsesa iyon.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at humarap sa prinsesa, naiwan naman sa upuan si Scarlett at nakatingin lang sa amin.

" Bakit prinsesa? " Tanong ko.

" Pinapatawag tayo ni Papa sa palasyo.." wika niya at blangko ang mukha niya ngayon.

" Si-sige...su-" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.

" Ngayon na.." maotoridad niyang sabi.

Tumalikod na siya at naglakad lumingon naman ako kay Scarlett at tumango na lang siya pagsang-ayon na sumama na ako.

-----

Nandito na kami ngayon sa palasyo, pati na rin ang mga magulang ko. Ano kaya ang mahalagang sasabihin ng kamahalan ngayon?

Ilang minuto kaming naghintay sa kamahan at sa wakas ay nagpakita siya sa amin.

" Pinatawag ko kayong dalawa dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo.." wika ng Hari.

Napakunot noo naman ako, sandaling bumaling ako sa prinsesa na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniyang ama.

" Ano po ba iyon kamahalan? " Tanong ko.

Ngumiti muna ang Hari.

" Sa isang linggo na ang kasal niyong dalawa.." nakangiti niyang sabi.

Huh? Teka?Bakit ang bilis naman?

Napatingin ako sa prinsesa wala siyang imik, Wala ba siyang sasabihin?

" Sandali lang Po, bakit ang bilis naman po ata ng kasal namin? " Lakas loob kong tanong.

Napasinghap naman sina mama at papa.

" Mas maganda kung maaga na kayong ikasal para sa ganon ay meron nang hahalili sa akin, at ikaw iyon Ravin." Ngiti niya sa akin.

Huh? Ako? Hahalili?

" Te-teka po..."

" Anak huwag ka nang magsalita pa, makinig ka na lang sa kamahalan.." pigil sa akin ni Papa.

Anong gagawin ko? Paano na si Scarlett?

Tiningnan ko ang prinsesa at nakatingin lang rin siya sa akin.
Hindi ko makita sa mga mata niya ang pagtutol sa mga sinabi ng papa niya kani-kanina lang. Bakit ganito?

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon