Labing tatlo

4.8K 195 1
                                        

Ravin Cloud Monteverde

" Alberta mauuna na ako sayo ha? " Nasasabik na akong makita siya.

" Sige! Sunod ako kaibigan! " Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bulwagan.

" Ravin.." Napatigil ako at napalingon.

" Scarlett..."

Anong ginagawa niya dito?

" Pwede ba kitang makausap? " Mukhang seryoso ang paguusapan namin.

Napatango ako ng dahan.

Naglakad at ako ay sumunod Lang sa kaniya, Habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa likod niya. Ilang araw ko din siyang hindi nakita, patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang Hardin nitong paaralan.

Tumigil siya at humarap sa akin, kitang Kita sa mga mata niya ang puyat dahil malalim ang mga ito.

" Anong ang paguusapan natin?" Ako na ang nagsalita sa aming dalawa.

Ilang sandali lang ay lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap, nagulat ako kaya hindi ako nakagalaw.

" Hindi ko kaya..." Mahina niya Sabi.

" Hindi ko kayang hindi ka makita, Mahal na Mahal Kita.." naramdaman ko naman na nabasa na ang damit ko dahil umiyak siya.

" S-scarlett.."

Patuloy lang siya sa pagiyak habang nakayakap sa akin.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at inilayo sa akin.



" Scarlett...kailangan mo na akong kalimutan, dahil kasal na ako..." Napaiyak siya lalo.

" Hindi ko kaya..." Kakayanin mo iyan Scarlett.

" Kailangan Scarlett, kayanin mo alam kong makakaya mo na kalimutan ako..." Pinunasan ko ang pisnge.

Ilang Sandali lang ay tumahan na siya.

" Ravin..." Napalingon kaming dalawa ni Scarlett.

" Snow.." bigkas ko at lumapit sa kaniya.

" Bakit ka nandito? " Tanong ko.

" Ako dapat ang magtatanong niyan sayo...bakit ka nandito? " Sabay tingin niya kay Scarlett.

" Ahm, mauuna na ako, Ravin...kamahalan." yuko niya pa sa asawa ko.

Tumango na lang ako sa kaniya, pagkatapos non ay umalis na siya.

" Anong ginagawa niyong dalawa dito? " Napalingon ako sa Mahal kong asawa, masama ang tingin na pinupukol niya sa akin napangiti maman ako doon.

" Kinausap niya lang ako.." tinitigan niya ako ng seryoso.

Niyakap ko siya.

" Huwag ka nang magselos.." nakakaloko kong sabi.

" Hindi ako nagseselos.." sabay iwas ng tingin niya sa akin.

Hindi daw, eh halata naman sa kaniya.


" Talaga? Hindi ka nagseselos? " Umiling iling siya.


" Sige, Kung Hindi ka nagseselos kakausapin ko ulit si Scarlett.." akmang maglalakad na akong ng,

" Subukan mo lang.." pagbabantang sabi niya.

Napatigil ako ay napangiti sa kaniya.

" Hindi daw nagseselos.." ngisi ko pa sa kaniya.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon