Dalawangpu't lima

6.4K 158 61
                                        

Ravin Cloud Monteverde



Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos na ang lahat sa palasyo. Ang taong nagtangka sa buhay ni Gretel ay naparusahan nang kamatayan dahil sa ginawa nito. At ilang araw na lang din at manganganak na din si Gretel sa panganay na anak ko sa kaniya. Hindi ko man masabi kay Gretel na masaya at nasasabik ako sa nalalapit na panganganak niya ay ipinaparamdam ko naman ito sa ibang bagay.


Si Snow naman ay naging abala sa anak namin sa pagaalaga niya dito nakikita kong minsan ay nahihirapan siya dahil alam kong bago sa kaniya ang magkaroon ng anak kaya naman tulong kaming dalawa sa pagaalaga sa anak namin minsan at natutuwa naman ako sa anak kong iyon, sa tuwing karga ko siya sobrang saya ang nararamdaman ko. Sigurado paglaki niya ay magiging masiyahan din ito parang ako nakikita ko iyon lagi, lagi siyang nakangiti at bihira lang itong umiyak.

" Kamahalan.." napabalikwas ako sa aking pagiisip ng may magsalita.


" Alberta? Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako dahil ngayon ko na lang siya nakita.


Noong naging hari ako ay hindi ko na siya nakita at nakausap dahil na din na marami akong ginagawa sa palasyo.

" Napadaan lamang ako kamahalan.." napaayos ako nang upo sa aking trono.

" Saan ka galing kung ganoon?" Usisa ko.


" Sa dinaraos na pagsusulit sa pagiging mandirigma kamahalan...kumuha ako dahil gusto kong maglingkod sa kaharian natin pati na din sayo.." napangiti ako.


Ngayon nga ginanap ang taunang pagsusulit para maging isa kang mandirigma ng palasyo. Maraming mga kalalakihan ang nagpatipasyon dito dahil na din gusto nilang maglingkod sa bayan ay sa kaharian.


" Mabuti at naiisipan mong kumuha nang pagsusulit Alberta." Wika ko.


" Alam mo namang ito talaga ang gusto ko diba? Magaaral pa lang tayo pangarap ko nang maglingkod sa mamamayan at sa ating kaharian kamahalan.." Naiilang ako kapag sinasabihan niya ako nang kaamahalan. Parang kailan lang ay pantay lang kami nang estado nang pamumuhay noon.

" Aasahan kita Alberta.." ngumiti siya.


Kahit ako noon pangarap ko din ang maging isang mandirigma katulad nang aking ama, sino ba namang hindi gagaya sa ama ko Hindi ba? Isa itong magiting at matapang na mandirigma kaya lahat ng kalalakihan ay siya ang iniidolo kasama na ako doon.


" Pagbutihan mo nang sa ganon ay makuha mo ang ninanais mo..." wika ko.

" Opo kamahalan.. " wika niya.

" Naiilang pa din ako sa tuwing tinatawag mo akong kamahalan..Hindi pa din ako sanay.." nailing siya.

" Hindi ka pa din nagbabago.." ngumiti ako.

" Halika samahan mo ako.. magkwentuhan muna tayo." Aya ko dito at tumayo ako para akbayan siya.

" Sige po kamahalan.." nakangiti niyang wika.

Naglakad lakad kami sa buong palasyo at nagusap sa mga bagay na gusto naming malaman sa isat isa.


" Kamusta naman ang pagiging isang Hari?" Napatingin ako kay Alberta.


" Mahirap..." Isang salita lang talaga ang maikukumpara ko sa pagiging Hari Kong ito.


" Nakikita ko nga hahaha.." mahina akong napatawa.


" Pero kahit papaano nasasanay na din ako sa sitwasyon kong ngayon Alberta.... Pero minsan naiisip ko din ang dati kong buhay, na malaya at nagagawa lahat nang gusto kong gawin... Kasi dito bantay sarado ako, lahat ng gagawin ko kailangan alam nang lahat." Para akong nakakulong sa isang hawla na parang isang ibon. Lahat nang mga mata ay sa akin nakatingin.


Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon