Saphire Snow Davinchi" Kamahalan, nakarating na po ang karwahe ng prinsesa ng Sepir..." Usal ng isa sa mga kawal ng palasyo.
Ngayon ang araw na itatalaga ang prinsesa ng Sepir bilang pangalawang asawa ng Hari, at ang isang Reyna ang magtatalaga sa magiging asawa ng kaniyang Hari, nakasulat ito sa batas. Ang mga susunod na magiging konsorte ng Hari ay hindi na kinakailangan pa ng magarbong kasal, dahil na rin na isa lamang itong pangalawa o pangilan man.
Ang isang Reyna na lang ang magbibigay ng kaniyang titulo bilang konsorte ng Hari, sa puntong ito ay ako ang Reyna kaya ako ang magtatalaga sa magiging pangalawang asawa ng mahal ko. Ayaw ko mang magkaroon siya ng pangalawang asawa ay Wala na akong magagawa dahil nakasalalay dito ang kapayapaan ng dalawang kaharian.
Kailangan kong magpaka-Reyna para sa kaharian at para na rin kay Ravin, alam ko namang nagiisa lang ako sa puso niya kaya hindi na dapat ako mabahala pa.
" Magandang umaga kamahalan.." Wika ng babaeng kanina ko pa hinihintay, yumuko siya bilang paggalang sa akin.
Nang tumingala siya ay napahanga ako sa taglay niyang ganda, masasabi mo talagang isa siyang tunay na prinsesa.
" Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas prinsesa..." Tipid kong ngiti sa kaniya.
" Salamat na lamang po sa pinadala niyong kawal at ligtas akong nakarating dito sa palasyo kamahalan.." ngiting sambit niya.
" Maghanda ka dahil mamaya na ang seremonyas ng pagtatalaga sayo bilang pangalawang asawa ng Hari kaya ipapahatid Kita sa iyong magiging silid para makapagayos ka..." Sinenyasan ko ang mga tagapaglingkod na ihatid ang prinsesa sa kaniyang silid.
Ngumiti muna sa akin ang prinsesa at naglakad na paalis sa aking harapan.
Napagpasyahan ko naman na bumalik na sa aking silid, pagkapasok ko ay nakita kong tulog pa rin ang asawa ko. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa mukha.
Napagod siya sa pamumuno sa buong kaharian, hindi biro ang maging Hari dahil marami itong tungkulin na dapat gampanan.
" Hmmm.." magigising na siya.
Unti niyang iminulat ang dalawa niyang mapupungay na mata.
" Magandang umaga mahal ko..." Ngiting bati ko sa kaniya.
" Magandang umaga..." Mahina niyang sambit.
" Kailangan mo nang bumangon para magumagahan dahil may pagpupulong mamaya at kailangan ka doon.." umupo siya at humarap na nakangiti sa akin.
" Sige..." Tumayo na siya para maghanda.
" Dumating na pala ang prinsesa ng Sepir..." Usal ko.
Napalingon siya sa akin.
" Hmmm.." tugon niya na parang hindi interasado.
" Mamaya na rin ang seremonyas ng pagtatalaga..." Paalala ko sa kaniya.
" Kailangan din ba ako doon?" Kibit balikat niyang tanong.
" Hindi ka na kailangan doon, ako na ang bahala... tungkulin ko iyon.." napatango na lang siya.
---------
Napapaligiran ang lugar ng magagandang bulaklak, nakapaligid na tagapaglingkod at mga kawal na magbabantay sa magaganap na seremonyas. Mga musikero at mga iilang ministro na kaalyado ng sepir na dumalo sa pagtatalaga sa prinsesa.
Nagsimula na ang pagtugtog ng mga musikero dahil naglalakad na sa gawi ko ang prinsesa, naglalakad siyang elegante at malaki ang ngiti. Ang bawat nadadaanan nito ay nagbibigay galang sa pamamagitan ng pagyuko sa kaniya.
Pagkarating niya sa harap ko ay yumuko siya at ako naman ay tumango lang.
" Lumuhod ka.." lumuhod siya sa sapin na nakalagay sa semento at tumingala sa akin.
Tumingin ako sa gilid kung saan ang isang tagapaglingkod ay hawak ang kasulatan na naglalaman at nagsasabing siya na ngayon ay asawa ng Hari.
" Ako si Saphire Snow Davinchi ang Reyna ng kaharian ng Gadula ay itinatalaga si Gretel Satorni prinsesa ng Sepir bilang pangalawang asawa ng Hari ng Gadula..." Hayag ko dito sabay bigay sa kaniya ng kasulatan.
" Maari ka nang tumayo.." wika ko dito.
Tumayo siya at yumuko sa akin tapos ay humarap siya sa lahat ng taong dumalo dito sa magiging bulwagan niya na kalaunan ay magiging tirehanan niya din.
" Binabati ka namin kamahalan!!" Pagbati ng lahat sa kaniya.
Lahat sila ay nakangiting nakatingin sa prinsesa.
Humarap ulit sa akin ang prinsesa at yumuko.
" Magtatalaga ako nang mga tagapaglingkod at kawal na magbabantay sayo sa bulwagan na ito.." wika ko.
" Maraming salamat kamahalan..." Tumango na lamang ako sa kaniya.
---
Nang matapos ang seremonyas ay umalis na ako sa kaniyang bulawag at bumalik na aming silid ni Ravin. Wala pa siya dahil abala siya ngayon sa pagpupulong. Ngayon na dalawa na kaming asawa ni Ravin ay paniguradong mahahati pa lalo ang oras niya dahil sa amin, pero kahit ganon ay ayos lang sa akin.
Kinagabihan ay matamlay na pumasok si Ravin sa aming silid.
" Napagod kaba ng husto ngayon araw na ito?" Tanong ko sa kaniya, ngulit hindi niya ako sinagot bagkus ay nahiga agad siya sa kama. Napagod nga siya.
Lumapit ako sa kaniya at pinatalikod siya para masahiin ang likod niya.
" Hmmmm.." patuloy Lang ako sa pagmamasahe sa likod niya.
Napangiti na Lang ako.
" Ang sarap mo talagang magmasahe mahal ko.." mahina niyang wika.
" Talaga?"
" Hmmm.." tugon niya.
Tumahiya na siya at hinila ako at pinahiga sa balikat niya.
" Anong napagpulungan niyo ng mga ministro kanina?" Tanong ko.
" Tungkol sa kaharian ng Sepir, maayos na ang lahat dahil naging asawa ko na ang prinsesa nila at iniimbitahan ko ang Hari ng Sepir na pumunta dito sa palasyo para ipagdiwang ang pagaayos ng dalawang kaharian..." Kwento niya.
" Mabuti naman kung ganon." nagsumiksik ako sa leeg niya.
Ilang sandaling katahimikan.
" Hindi mo ba itatanong sa akin kung anong itsura ng prinsesa?" Basag ko sa katahimikan, napatingin naman siya sa akin.
" Bakit ko naman itatanong iyon?" Takang tanong niya.
" Hindi mo ba gustong malaman kung gaano siya kaganda?" Tanong ko ulit, sumilay naman sa akin ang kaniyang matamis na ngiti.
" Hindi ko na kailangan pang malaman ang tungkol dyan...dahil para sa akin isa lang pinaka-magandang babae sa lahat..." Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
" At ikaw iyon..." Nakangiti niyang wika, namula naman ang aking pisnge dahil doon.
" Talaga lang ha? Sa oras na makita mo ang prinsesa masasabi mo pa kaya na ako ang pinaka-magandang babae sa lahat?" Ngisi ko pa sa kaniya.
" Oo naman, ikaw lang ang maganda sa paningin ko.." sabay halik niya sa labi ko.
Marahan siyang humalik at akmang lalayo na siya ng hapitin ko siya para siilin ng halik, kapwa kaming naglalaban ng halik. Magaling talaga siyang humalik na ikinababaliw ko.
Nang maubusan na kami ng hininga ay humiwalay na siya.
Nakikita ko sa mga mata niya ngayon ang pagnanasa na maangkin ako ngayon gabi, kaya madiin ko siyang hinalikan na nagsasabing binibigyan ko siya ng permiso sa gusto niyang gawin. Obligasyon ko ito bilang isang asawa niya.
Panigurado mapupuyat na naman siya.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Dragoste" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde