Ravin Cloud Monteverde" Kamahalan..." Tawag pansin ko sa kamahalan ng makababa kami ng karwahe galing sa pagpupulong.
" Ano iyon hija? " Tanong nito.
" Maaari ko po ba kayong makausap? " Napakunot noo ito.
" Tungkol ba ito sa pagpupulong kanina? " Marahan akong napatango sa kaniya.
Napabuntong hininga naman siya.
" Sige mamaya pagkatapos nating maghapunan puntahan mo ako sa aking silid.." wika nito.
Tumango ako.
Naglakad na papasok ng palasyo ang Hari at ako naman ay nakatayo dito sa labas.
Bakit parang napakabilis naman ng pangyayari? Masyado pa siyang bata para ipasa ang trono niya, pero bakit ipapasa na niya?
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa labas at pinagmamasdan ang palagid.
Ilang sandalilang ay nakita ko na may karwaheng papunta sa direksyon ko, sa tingin ko ang prinsesa na ito.
Pinagmasdan ko siyang bumaba sa karwahe napakaelegante talaga niyang gumalaw. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti sa akin kaya ngumiti na rin ako sa kaniya.
" Ravin! " Tumakbo siya sa akin at niyakap ako.
" Hahaha, Hindi ka naman sabik na makita ako ano?.." narinig ko siyang tumawa.
" Nasabik ako sayo.." niyakap ko siya.
" Bakit hindi kapa pumasok? " Nakakunot noo niyang tanong.
" Hinihintay kasi kita.." nakangiti kong sabi at nakita ko namang namula siya.
Masaya na kaming pumasok sa palasyo na magkahawak kamay.
--------
Nang matapos kaming maghapunan ay agad na akong pumunta sa silid nang kamahalan. Kumatok muna ako ng tatlong beses para hudyat na papasok na ako.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang kamahalan na nakaupo na sa kaniyang upuan. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng makapasok ako.
" Maupo ka Ravin.." pa anyaya nito.
Umupo ako sa katabing upuan niya, nang makaupo ako ay sandali lang siyang ngumiti sa akin at agad ding naging seryoso.
" Ano bang gusto mong pagusapan Ravin? " Tanong niya.
Napalunok ako.
" Bakit po ang aga niyo naman ipapasa ang trono niyo, gayong bata pa kayo? Masyado pa pong maaaga para magbitiw kayo.." lakas loob kong wika.
Napabuntong hininga ito.
" Kailangan ko na talagang ipasa ang trono ko Ravin.." huh?
" Ba-bakit po? Ano pong dahilan?"
" May malubhang sakit ako Ravin..." Napalaki ang aking mga mata sa sinabi niya.
" P-po? " May sakit siya?
" Kaya ako nagmamadaling ipasa sayo dahil konti na lang ang oras ko, Hindi ko na alam kung kailan ako mamamatay.."
" Sandali po kamahalan, ba-baka may paraan pa po? Sa mga manggagamot? Baka makatulong sila.." kailangan niyang magpagamot.
" Wala nang lunas ang sakit ko Ravin.." nanlumo ako sa sinabi niya.
Si Snow? Paano na siya?
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...