Labing dalawa

5.4K 198 4
                                        


Saphire Snow Davinchi

Ang ganda niya habang natutulog hinawakan ko siya sa pisnge niya, sa ilong, sa mata at sa labi. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kaniya, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Mabait, mahaba ang pasyensya laging nakangiti at matulungin. Noong tinatrato ko siya nang hindi maganda, Hindi man lang siya nagalit sa akin.

Basta tanggap lang siya ng tanggap ng utos ko kahit na nahihirapan siya sinusundo pa rin niya ako.

Napamahal ako sa kaniya dahil naiintidahan niya ang nararamdaman ko, pinapahalagahan niya ako. Sinabi pa niya na siya na ang gagawa ng paraan para sumaya ako at para maging malaya ako,
Dahil doon nagustuhan ko siya.

" Hmmm.." gumalaw siya at nagsumiksik sa leeg ko, napangiti ako dahil doon.

Niyakap ko siya pabalik, parehas pa rin kaming nakahubad.

Ang nangyari kagabi ang pinakamasayang nangyari sa akin dahil naibigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko, at hindi ako nagsisisi doon.

Nakita ko naman na magigising na siya kaya ngumiti ako ng napakatamis.

" Magandang umaga mahal ko.." wika ko.

Papikit-pikit pa siya at di kalaunan ay ngumiti na din sa akin.

" Magandang umaga.." nakapikit niyang sabi.

" Hindi pa ba tayo babangon? " Mahina kong sabi.

Nagsumiksik ulit siya sa akin.

" Pwedeng mamaya na? Inaantok pa kasi ako eh..." Parang bata niyang sabi.

" Sige.." nakangiti kong sabi sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo.

Ilang minuto na kaming nakahiga at wala pa rin siyang balak tumayo. Nakakatuwa siya kapag nagsasalita siya na parang bata.

Nang pinilit ko siyang tumayo na at magalmusal ay sinunod naman na niya ako kaya sawakas ay nakapagayos na rin ako ng sarili ko.

Pumunta na kami sa hapag kainan at nakita ko na nandun na si Papa.

" Magandang umaga po pa.." nakangiti kong bati.

" Magandang umaga po.." wika naman ni Ravin.

" Magandang umaga din mga anak..." Ngumiti si papa sa amin.

Umupo na kami at para kumain, pinagsilbihan ko ang asawa ko ng makakain. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti, nakita ko naman na napangiti din si papa.

------------

" Kamusta ang bagong kasal kamahalan? " Nakangiting tanong ni Sera.

" Ayos naman..." Ngiti ko sa kanilang dalawa.

Nandirito kami ngayon sa palasyo dahil pinapunta ko sila, Wala din naman kaming pasok sa paaralan kaya inimbitahan ko silang dalawa.

Dahil na rin wala si Ravin ngayon at isinama siya ni Papa sa pagpupulong sa konseho ay naisip ko silang dalawa.

" Ako kaya kailan ikakasal? " Nakalumbaba na si Laura.

" Huwag kang magalala darating din ang taong pakakasalan mo hintayin mo lang..." Wika ni Sera.

" Tama siya.." nakangiti kong wika.

Masaya lang kaming nagkwentuhan patungkol sa mga pangarap nilang lalaki na mapapakasalan. Ako naman ay nasasayahan sa kanilang dalawa, nasasabik na silang makasal hahaha.

" Si Scarlett nakikita niyo pa ba sa paaralan? " Biglang tanong ni Sera.

" Hindi ko na siya nakikita, simula nung ikinasal ang prinsesa.." wika naman ni Laura.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon