Ravin Cloud Monteverde
Sa isang linggong kasama ko ang prinsesa, naging alalay niya ako, ako lagi ang inuutusan, ako lagi ang pinapagawa niya ng mga bagay na dapat ang katulong niya ang gumagawa.
Masyado na niya akong pinapahirapan, napakasama talaga niya! Arggggghh! Nakakainis siya!
Buti na lang at dadating na ang kamahalan at makakaalis na ako dito sa palasyo.
---
Ngayon ay nagpapahinga ako, Hindi na niya ako inuutusan ngayon dahil anomang oras ay dadating na ang Papa niya.
" Nandito ka lang pala.." napalingon ako dahil sa boses na iyon. Ang prinsesa.
" May kailangan kaba demo- ay este prinsesa? " Tanong ko.
" Gusto lang sana kitang makausap..." Teka? Huh?
" Makausap? Bago iyon ah? " Sumama naman ang tingin niya sa akin.
" Gusto ko lang pagusapan natin yung nalalapit na kasal natin.." wika niya.
" Ano namang tungkol doon? "
" Alam ko naman na ayaw mo rin makasal sa akin, kaya nagiisip ako nang paraan para hindi matuloy ang kasal natin..." Wika niya.
" Anong naisip mo?"
" Kailangan isa sa atin ay magkaroon ng ibang pakakasalan oh kasintahan, para hindi matuloy ang kasal natin..." Sabi niya.
" Naisip ko na rin iyan pero wala akong kasintahan, baka ikaw meron.." baling ko sa kaniya.
" Mas lalong Wala akong kasintahan..." Nagkibit balikat na lang ako.
" Eh kung panindigan na lang kaya natin to? Kasi wala rin naman tayong magagawa kung hindi sundin ang mga magulang natin, at saka Hari ang ama mo mas lalong hindi ako pwedeng tumanggi..." Mahabang sambit ko.
" Pero hindi natin mahal ang isat isa.." napatingin ako sa kaniya.
Tama siya, mahirap makasal sa isang taong hindi mo naman mahal.
" Ayaw mo ba talaga sa kasal na ito? " Tanong ko.
" Ayoko..." Sambit niya.
Ayoko rin namang ipilit ang isang bagay kung ayaw ito ng isang tao.
Tumayo ako at humarap sa kaniya.
" Kung ganoon ako na lang ang gagawa ng paraan para hindi na matuloy ang kasal natin, maghahanap ako ng kasintahan na ipakilala sa mga magulang ko. Kapag nakumbinsi ko sila na totoong may minamahal akong iba, sa tingin ko ipapatigil nila ang kasal.." tipid na ngiti ko sa kaniya.
" Wala ba akong gagawin? Gusto kong tulungan ka, kahit pa ayaw ko sayo ayoko namang magkautang na loob sayo.." wika niya.
" Ayos lang prinsesa, Ang hihilingin ko lang ay pwede bang huwag mo na akong pinapahirapan oh utusan sa mga bagay bagay? Pwede ba iyon.." ngiti ko sa kaniya.
" Sige, hindi na kita pahihirap pa..hahaha" mahinhin niyang tawa.
Napangiti ako sa kaniya, unang beses ko kasi siyang narinig na tumawa. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya itong hinawakan.
" Simula ngayon, magkaibigan na Tayo..." Sabi ko at niyakap ko siya.
Nagulat siya nung una pero niyakap pa rin niya ako pabalik at napangiti ako dahil doon.
-----------
Umuwi na ako sa amin dahil nakauwi na ang Hari, nandito lang ako sa balkonahe at nagmumuni-muni.
" May problema kaba anak? " Napalingon ako. Si mama pala.
" Wala Po ma..." Pagsisinungaling ko.
" Huwag ka nang magsinungaling sa akin anak... kilala kita, sabihin mo sa akin ano iyon? " Hindi talaga ako makakapagtago sa kaniya.
" Tungkol ba ito sa kasal? " Tiningnan ko lang si mama.
" Hindi Po ba talaga ako pwedeng humindi sa kasal na binabalak niyo? " Malungkot kong wika.
" Anak... nakapagdesisyon na ang Papa mo, kapag nagdesisyon na siya hindi na mababago iyon.." niyakap na lang ako ni mama.
" Paano po kung may iba akong mahal? Ipipilit niyo pa rin ba na ikasal ako sa prinsesa?"
" May kasintahan kaba anak?"
" Wala po..tinatanong ko lang Po kung sakali.."
" Kung sakali mang may iba kang mahal, hindi Kita ipipilit sa prinsesa anak...pero Kung ang Papa mo, hindi ko alam.." tiningnan ko lang si mama.
Kailangan kong makumbinsi si papa na itigil ang kasal, kay mama naman sa tingin ko ay hindi niya ako pipilitin sa taong hindi ko naman mahal. Kaya hindi ako mahihirapan sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde