Ravin Cloud Monteverde
" Kamahalan hindi po nating pwedeng baliwalain ang sinabi nang Hari ng Darkan dahil kilala natin ito baka kung ano ang mangyari sa oras na tumanggi tayo sa gusto niya..." Ani nang isa sa aking mga ministro. Ang punong ministro.
" Kung pahihintulutan nang kamahalan ang suhestyon niyo ay baka nga magkaroon nang problema.." sabat nang ikalawang ministro.
Lahat nang mga ministro ay nagtatalo sa kung anong ang maaari kong gawin patungkol sa sinabi nang Hari ng Darkan nung ito ay nagpunta sa aking kaharian.
" Kapag hindi tayo pumayag ay baka pagsimulan ito nang digmaan! Ministro akala mo ba pumapabor lamang ako dahil gusto ko? Hindi! Para ito sa ating kaharian, para sa kapayapaan ng dalawang kaharian..." Ani nang punong ministro sa ikalawang ministro.
" Kung papayag tayo maari na sila magkaroon nang kapangyarihan para pagharian tayo! Hindi natin alam ang nasa isip nang mga taong minsan na nating naging kaaway.." Sabi naman ng ikalawang ministro.
Pareho silang may punto, maaring makasama oh makabuti itong gagawin kong pasya pero sa ngayon ay nagalinlangan pa ako sa kung anong gagawin ko.
" Kung magiging asawa ng kamahalan ang Prinsesa ng Darkan ay magkakaroon din siya nang kapangyarihan sa kahariang iyon ministro..." Napatingin ako sa punong ministro.
" Kung gusto nating walang maganap na digmaan dapat lang na pakasalan ng kamahalan ang Prinsesa ng Darkan..." Sabay tingin sa akin ng punong ministro.
Sumasakit na ang ulo ko sa pagtatalo nilang ito, pero kailangan ko nang magdedesisyon sa kung ano ang gagawin kong aksyon.
" Nasasayo na po kamahalan ang pagpapasya.." dagdag pa ng punong ministro.
Tumingin ako sa kanilang lahat na naghihintay sa aking sasabihin.
Kung ang pagpapakasal ang solusyon sa problema ito ay gagawin ko ang ninanais nang Hari ng Darkan nang sa ganon ay magkaroon nang kapayapaan.
" Pumapayag na ako..." Ang iba sa kanila ay napangiti at ang iba naman ay hindi na gustuhan ang desisyon ko.
" Pinal na ang desisyon nang kamahalan! Ang pagpapakasal sa prinsesa ay magaganap!" Anunsyo na aking tagapagsalita.
" Marami salamat po kamahalan!" Sabay sabay na wika ng mga ministro.
Tumayo na ako sa aking trono at lumabas sa bulwagan.
Habang naglalakad ako ay naiisipan kong magtungo sa Hardin nang sa ganon ay makalanghap ako ng sariwang hangin.
Habang tumatagal ang pamamamahala ko dito sa kaharian ay mas dumadami na ang nagiging problema at suliranin na kinakaharap ko, dumagdag nga itong kailangan kong pakasalan ang prinsesa ng Darkan.
" Nandito ka lang pala.." napalingon ako sa aking tagiliran.
" Mahal ko.." umupo si snow sa kalapit kong upuan.
" Anong nangyari sa pagpupulong kanina?" Tanong niya at umulig sa aking balikat.
" Pumayag na akong pakasalan ang prinsesa..." Mahina kong wika.
Tama nga si Snow sa sinabi niyang may iba pang babaeng darating pa sa buhay ko.
" Tama lang ang ginawa mo Mahal ko, para sa ating kaharian ang ginawa mo." Alam kong ayaw niya iyon pero hindi niya lang sinasabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romantizm" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...