Dalawangpu't Walo

1.3K 69 13
                                        




" Ate!?" Pareho kaming napatingin sa may pinto.

" Ano bang ginagawa mo?! Nakakahiya ka talaga! " Agad nitong pinuntahan ang kapatid at inalis sa ibabaw ko.

" She looks yummy thats why.." Mahinang bigkas nang nakakatanda nitong kapatid.

" Hay naku! lahat na lang talaga.." Kita sa mukha ni Faith ang pagkainis nito sa kapatid.

" Why are you so- oh! is she your girlfriend?" Nanlaki naman ang mga mata ni Faith sa sinabi nang kapatid.

" Hindi ah! bisita ko siya, siya iyong sinabi ko sayo nung nakaraan.." Mabilis na sagot naman ni Faith.

" Oh, I see..." Sabay tingin naman nito sakin.

" I'm Hailee by the way.." Pakilala ng ate ni Faith sa akin.

" A-ako naman si Ravin binibini.." Wika ko naman dito.

" Nice name.." komento naman nito.

" Ate halika na at doon ka sa kwarto mo matulog.." Hinawakan naman ni Faith ang braso nang kapatid at hinila palabas nang pinto.

" Pasensya kana Ravin sa ginawa nang kapatid ko.." Paumahin ni Faith.

" Ayos lang ako binibini.." Ngumiti na lamang ako dito bago sila lumabas.

Pagkalabas ng mga ito ay napabuntong hininga ako.

" Napakaagresibo ng mga babae sa lugar na ito.." Napailing iling na lamang ako.

---

" Pasensya talaga sa ginawa ng ate ko sayo kagabi.." Wika ni binibining Faith.

Nandito kami ngayon sa hapag kainan ni Binibining Faith at maguumagahan.

" Ayos lamang binibini.. " Kita ko sa kaniya ang sobrang hiya.

" Ganon talaga kasi iyon kapag nakakainom..." Napatango tango na lamang ako.

" Ahm, binibini maaari mo ba akong dalhin sa palasyo?" Pagiiba ko.

Kailangan kong makauwi nang sa ganon ay malaman nang aking pamilya na buhay ako.

" Ano namang gagawin mo don? wait- "

" Kailangan malaman ng aking asawa na buhay ako, kailangan kong makabalik sa palasyo.." pagputol ko sa sasabihin sana nito.

" Look Ravin... hindi ikaw ang hari okay." Wika nito.

Anong hindi ako? ako ang hari.

" Binibini paniwalaan mo ako.. ako talaga ang hari.." umiwas ito nang tingin sa akin at humawak sa kaniyang noo.

" Okay.. sige dadalhin kita don para lang tumigil kana dyan sa kakahari mo.." Napangiti ako sa pagpayag nito.

" Maraming salamat binibini.." Ngiti ko pa dito.

" Oh anong pinaguusapan niyo dyan?" Bigla namang lumapit sa amin ang ina ni binibining Faith.

May dala itong platong naglalaman ng kakaibang pagkain inilapag ito sa lamesa. Pagkalagay ng pagkain ay kumuha si binibining Faith ng pagkaing iyon.

" Tungkol po sa palasyo.. gusto po kasi mi Ravin na pumunta don.." sagot naman ni binibining Faith at sabay kain.

" Bakit? " Tanong ni binibining Faith sa akin.

" Ano iyan?" Turo ko sa hindi pamilyar na pagkain.

Nagkatinginan ang magina tapos binalik din ang tingin sa akin.

" Ahm, iyan tocino tapos ito hotdog at itlog.." Turo nito isa isa sa mga pagkain.

" Ngayon ka lang ba nakakita ng pagkaing ganito?" Tanong ng ina ni binibining Faith.

Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon