Isa

9.3K 331 31
                                    

Ravin Cloud Monteverde

Ravin Cloud Monteverde iyan ang pangalan ko, kilala ang apelyido ko sa buong imperyo. Sabagay heneral ang tatay ko, ang pangalan niya ay Clarence George Monteverde at ang aking nanay ay si Sylvia Almira Monteverde. Kilala ang pamilya namin bilang tagapagligtas ng bayan at isang mandirigma na nagsisilbi sa Hari.


Tama sa Hari ng imperyong Gadula isang malakas na bayan na pinamumunuan ng magiting na si Haring Raffael Davinchi siya ang haring matapang, matapat, may dignidag at higit sa lahat minamahal ang nasasaakupan niya.

May dati kaming Reyna subalit namatay ito dahil sa malubhang sakit. Ang dating Reyna na si Solidad Asuncion Davinchi.


Mayroon silang nagiisang anak ito ay si Saphire Snow Davinchi ang ganda ng pangalan niya hindi ba? Maganda rin siya sa personal lahat ng kalalakihan ay kinahuhumalingan siya siguro pati na rin ang mga kababaihan.


At ako bilang anak nang heneral
Ay naipagkasundo ng aking ama upang maging kaibiyak ang mahal na prinsesa. Nasa mga sinapupunan pa lang kami ay pinanlano na nila na maging magasawa kami.


Dahil sa utang na loob ng Hari sa tatay ko ay iyon ang napagkasunduan nila.

Wala na akong nagawa dahil napagkasunduan na iyon kahit na ayaw ko pa, kahit na sinabi kong babae ako wala ring epekto dahil na rin sinabi ng tatay kong magaling kung anong kalagayan ko.

Na kaya kong makabuntis, na magka-anak kaya hindi na sila nagdalawang isip na ituloy ang kasal. Ito ang napakalaking problema ko ang maikasal sa taong hindi ko naman Mahal.

Gusto ko kapag ikakasal na ako ay sa taong mahal ko na syempre, lahat naman diba? Kung papipiliin ako syempre yung mahal ko na!

Kaya lang masyadong mahirap para sa akin dahil hindi pa iyon dumadating, Hindi kopa nakikita oh nararamdaman kanino man.

" Ravin maghanda kana pupunta tayo ng palasyo.." sabi ng papa ko.

" Pa pwede bang hindi na lang ako sumama? Kayo na lang ni mama? " Nakanguso kong wika sa kanila.

" Hindi pwede anak...nakakahiya sa Mahal na Hari at sa prinsesa.." wika ni mama.

" Ravin sige na magayos kana.." utos ni Papa.

Sinunod ko na lang si papa baka kasi magalit na naman siya, nakakatakot pa naman siya paggalit kaya dibale na lang.

-----------

Nang makarating kami ng palasyo ay bumungad sa amin ang mga kawal at mga katulong ng Hari.

Laging ganito ang senaryo kapag pupunta kami para dumalaw sa kanila.

" Magandang gabi Clarence, Sylvia at ang aking magiging manugang " bati nang Hari sa amin kaya yumuko kami bilang paggalang sa kaniya.

" Halika anak nandito na ang magiging byanan mo at asawa mo..." tawag ng Hari sa anak niya.

Naglakad itong ng napakaelegante wala ka talagang maipipintas sa kaniya maliban na lang sa tinatago niya, Ang pagkakaroon ng masamang ugali! Magaling siyang magtago isang ngiti lang niya oh paawa papabor na sa kaniya ang lahat.

Paano ko nalaman? Pinakita niya sa akin ang masamang ugali niya patago niya akong inaapi at kung ano ano ang pagpapahirap ang pinapagawa niya sa akin, bwisit siya! Porket prinsesa at lahat ay gusto siya! maliban sakin syempre.

Heto na naman ako at pakikisamahan ang prinsesa.

" Magandang gabi prinsesa.." nakangiting bati nina mama at papa.

" Anak batiin mo naman ang mapapangasawa mo.." sabi sa akin ni Papa.

Tiningnan ko muna si demonyita at hayun! Nakangisi pa siya.

" Magandang gabi prinsesa.." tipid na ngiti ko sa kaniya.

" Maganda gabi rin.." mapanlinlang niyang ngiti.

Kahit kailan hindi mo ako mauuto dyan sa pangiti-ngiti mo prinsesa ng mga demonyo!

Nagpunta kaming lahat sa hapag kainan para pagusapan na naman ang kasal namin ng prinsesa.

" Sa tingin mo Clarence anong araw ang maganda para sa kasal ng mga anak natin? " Tanong ng hari Kay papa.

Hindi ko sila pinapansin dahil mas gusto ko pang bigyan ng pansin ang pagkaing nasa harap ko kesa sa kasal na iyan.

" Siguro mas maganda kung ang ikakasal na ang magdedesisyon sa bagay na iyan kamahalan.." napatingin tuloy ako kay papa.

Pati narin itong katabi ko.

" Maganda nga Po na kami ang pipili.." pagsang-ayon ng prinsesa.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng biglang may umapak sa paa ko.

" Aray! " Daing ko.

" Anak ayos ka lang? " Tanong ni mama.

Tiningnan naman ako ni prinsesa at nambabanta ang mga mata niya na huwag kong sabihin na siya ang umapak sa paa ko.

" Ayos lang ako ma.." mahina kong saad sa kay mama.

Tumango na lang si mama at nagpatuloy na ang lahat sa paguusap tungkol sa kasal.

At itong katabi ko ay mukhang natutuwa pa sa pinaggagawa niya sa akin. Argg! Nakakainis! Hindi ko siya magantihan dahil siya ang prinsesa. May araw ka rin prinsesa.

" Clarence ilan ang gusto mong maging apo? " Nabigla ako sa tanong ng Hari at ito namang katabi ko parang nanigas ng sabihin iyon ng ama niya.

" Ayos na sa akin ang Lima kamahalan.." Sabi ni Papa. Kaya walang ano ano'y naibuga ko ang tubig na iniinom ko.

" Anak! Ano ba iyan!?" Singhal ni mama.

" Pasensya na Po.." narinig ko naman na mahinang tumawa itong katabi ko.

" Ikaw Snow anak ilan ang gusto mo?" Tanong ng Hari sa anak niya.

" Gusto ko Po mga pito.." nabilaukan naman ako doon.

" Anak ayos ka Lang? " Tumango lang ako Kay mama.

Nakakainis talaga itong babaeng ito.

" Payag ka ba doon Ravin? " Tanong ng Hari sa akinI napalunok naman ako don.

" Ah-ahmmm, ti-tingnan Po natin kung kaya hehehe.." napakamot na lang ako sa batok ko.

" Kaya niya iyan Mahal na Hari...mas maganda kung maraming magiging anak nila hindi ba? Para dumami ang lahi natin.." natutuwang Sabi ni Papa.

" Tama ka dyan Clarence..." Tumango tango pa ang Hari pagsang-ayon kay papa.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Napunta ako sa sitwasyon kung saan Wala akong takas.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon