Ravin Cloud Monteverde" Kamahalan!?" Napalingon ako.
" Ano iyon bakit hingal na hingal ka?" Tanong ko sa personal kong alalay.
" A-ang ha..Mahal...na..Reyna..." Hingal na sabi niya.
" Anong nangyari sa kaniya?"
" Nahimatay Po siya kanina..." Nanlaki ang aking mga mata.
" Ano?!! Nasaan siya ngayon?"
" Nasa silid niyo na po at tinitingnan ng manggagamot..." Agad akong naglakad patungo sa aming silid.
Nang makapasok ako sa silid ay nakita Kong nakahiga ang asawa ko at inuobserba ng manggagamot.
" Anong problema?" Tanong ko sa manggagamot, yumuko naman ito bilang paggalang.
" Maayos na po ang kalagayan ng kamahalan...masyado lang siyang napagod sa kaniyang ginagawa kanina..." Tiningnan ko ang Mahal kong Reyna.
Lumuhod ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
" Ano ba kasing ginawa mo at nahimatay ka?" Alalang alala ako sa kaniya.
" Nanggagantsilyo lamang ako kanina...Hindi naman mabigat na gawain iyon.." mahinang sambit niya.
" Kamahalan may gusto po akong ipaalam sa inyo.." nakayukong Sabi ng manggagamot.
" Sige, ano iyon?" Tanong ko.
" Nagdadalang tao Po ang Mahal na Reyna..." Nanlaki ang aking mga mata.
Nagkatitigan kami ni snow.
" Talaga?!" Hindi ako makapaniwala.
" Opo kamahalan...isang buwan na ho siyang nagdadalang tao.." lumaki ang ngiti ko sa magandang narinig ko ngayong araw na ito.
Nakita ko naman ang Mahal ko na masyang masaya rin sa balitang narinig namin.
" Malaking biyaya ito.." sambit ko sabay halik sa palad ng asawa ko.
" Salamat..." Buong pagmamahal kong sambit.
Napaluha naman siya kaya pinunas ko ng palad ko ang luhang tumutulo sa pisnge niya.
Nang malaman na nagdadalang tao ang mahal Kong Reyna ay agad ding kumalat sa buong kaharian kaya lahat ngayon ay nagpupugay at nagsasaya. Pati mga magulang ko ang masaya sa ibinalita ko sa kanila, lalong lalo na si Papa matagal na kasi niyang magkaroon ng apo.
Ngayon sa palasyo ay nagdidiwang sa pagdadalang tao ng asawa ko, may kainan at sayawan.
" Binabati kita kamahalan.." masayang sambit ng pangalawa kong asawa na si Gretel.
" Salamat.." nakangiti kong saad.
Lumingon ako sa gawi ng Reyna ko na ngayon ay masayang pinagmamasdan ang lahat ng taong nagsasaya. Pareho silang dalawa na nasa magkabilang upuan ko at nakangiting nakatingin sa lahat ng tao.
" Ano ang pinagkakaabalahan mo kanina?" Biglang tanong ko kay Gretel.
" Ah-ahm, nag- nagbasa lang ako sa aking silid buong araw.." utal na wika niya.
Napakunot noo naman ako.
" Dapat lumalabas ka minsan ng silid mo ng makalanghap ka nang sariwang hangin.." usal ko pa.
Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin pero kalaunan ay napangiti na din siya.
" Sige, kamahalan lalabas labas ako minsan.." nakangiti niyang wika, napatango na lang ako.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Любовные романы" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde