Dalawangpu't isa

4.2K 163 23
                                        


Saphire Snow Davinchi


Mula nang makabalik sina Ravin at Gretel ay parang may napansin akong kakaiba sa kanilang ikinikilos, lalo na si Ravin parang hindi siya makali kapag nandiyan Lang sa tabi si Gretel halata sa pagtitig at kilos niya na Iniiwasan niya ito sa hindi ko malamang dahilan.


May nangyari ba nung pumunta sila sa kaharian ni Gretel? Sa palagay ko nga ay mayroon dahil doon nagsimula ang pagbabago nila.

Hindi kaya?

" Anong iniisip mo Mahal ko?" Napatingin ako kay Ravin.

Nandito kami ngayon sa loob nang aming silid at nagpapahinga.

" Wala ito.." Niyakap niya ako.

" Tungkol ba ito sa pagbubuntis mo?" Tipid akong ngumiti.

" Marahil.." Turan ko.

" Huwag ka nang magalala dahil nandito ako, Hindi Kita pababayaan.." sabay halik niya sa noo ko.

" Maari kabang magsabi sa akin nang totoo mahal ko?" Napaayos siya nang upo.

" A-anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.


Sa palagay ko ay may hindi siya sinasabi sa akin nitong mga nakaraang araw dahil na rin napapansin kong balisa siya.


" Tungkol kay Gretel.." Turan ko na ikinabigla naman niya.

" A-anong tungkol sa kaniya?" Himinga ako nang malalim at tiningnan siya sa mata.

" Hindi ako magagalit kung...may- may nangyayari sa inyo ni Gretel, asawa mo rin naman siya kaya karapan niya din iyon..." Napayuko siya sa akin tinuran.

" Ang akin lang ay huwag mo akong paglilihiman...alam ko ang pagiging isang hari ay mahirap na tungkulin at kapag pagod kana ay kailangan mo nang magpapasaya sayo kung sakaling hindi ko iyon maibigay ay nandiyan ang konsorte mo..."


Sa buhay kong ito na isa akong Reyna ay hindi ko matututulan ang ganong bagay iyon, dahil likas na iyon sa isang Hari na magkaroon nang iba pang asawa, kahit pa naipangako pa niya sa akin na nagiisa lang ako sa puso niya. Lahat ay pwedeng magbago at ako naman ay kailangang tanggapin ang lahat ng pagbabagong iyon. Dahil ako ang Reyna kailangan ko ding isaalang-alang ang kaligayahan ng aking hari, Kung sa panahong ito ay hindi ko maibigay ang pangangailangan niya.


" Patawad mahal ko.." hinawakan ko siya sa kaniyang dalawang pisnge.


" Huwag kang humingi ng tawad...ayos lang, alam ko na kahaharapin ko itong ganitong mga sitwasyon..." naluluha siya.


Marahil ay hindi siya sanay sa ganitong pamumuhay nang isang Hari, alam kong nakokonsensya siya sa kaniyang nagawa ngunit hindi ko siya masisi dahil kahit babae siya ay may lalaki din na nananalaytay sa kaniya kaya Hindi niya maiwasan ang mga ganung bagay, ang tukso.



" Ayos na sa akin na ako ang tangi mong mahal..." Ngiti ko sa kaniya.

Sapat na din sa akin na binigyan niya ako ng supling na matatawag Kong akin at mahalin ako nang tunay.


" Hindi lang naman si Gretel at ako ang magpapaibig sayo mahal ko...sa katayuan ay mayroon pang darating.." nagtaka naman siyang tiningnan ako.

Maari pa siyang magkaroon nang iba pang konsorte, katulad nang nangyari kay Gretel na nanggaling sa ibang kaharian at ipinagkasundo kay Ravin, may posibilidad na ang ibang kaharian ay gawin din iyon para sa kapayapaan at kapangyarihan. Ganon ang takbo nang buhay ng isang Hari, para maging payapa ang lahat at iyon lang ang natatanging paraan.

Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon