Ravin Cloud Monteverde
" Ano may natipuan kana?" Tanong ni Alberta.
Nandito kami ngayon sa buluwagan kung saan kumakain ang lahat ng magaaral. Inilibot ko lang ang paningin ko sa lahat ng taong nandirito.
" Wala eh..." Iling ko pa sa kaniya.
" Hay...paano ka magkakaroon ng kasintahan Kung ganiyan ka! Masyado kang pihikan, samantalang ang gaganda ng mga babae dito sa paaralan natin.." wika niya.
Nakalumbaba lang akong nakatingin sa kaniya.
" Wala ka nang pagasa..." Sabay sandal niya sa upuan, napatawa na lang ako sa kaniya.
" Hahaha..patawad, sa lagay wala akong matipuan sa mga nakikita ko nagyon eh.." wika ko.
" Sige na kaibigan, kahit sino sa kanila pumili ka nang isa..." Wika niya.
Tumingin ulit ako sa palagid baka may makita akong kaayaya.
" Teka Ravin paparating na ang prinsesa mo..." Nilingon ko si Alberta.
" Nang iinis kaba.." wika ko.
" Hindi totoo nga, ayun oh! " Turo niya, napalingon naman ako sa direksyon tinuro niya.
Si demonyita nga kasama ang mga kaibigan niya papasok dito sa buluwagan.
" Mabuti pa umalis na tayo bago pa niya ako makita dito.." Sabi ko at tumayo na kami.
Napatingin ako saglit sa direksyon ni demonyita at biglang napatingin din siya sa akin, kaya agad akong nagiwas ng tingin at naglakad na palayo sa buluwagan.
---------
" Anak kamusta ang pagaaral mo?" Tanong sa akin ni mama, nasa hapag kainan kami ngayon at kumakain.
" Ayos lang naman Po ma.." tipid kong ngiti sa kaniya.
" Eh kayo ng prinsesa? Nagkakamabutihan na ba kayo?" Tanong naman ni Papa.
Napalunok naman ako bigla sa sinabi sa akin ni Papa.
" Ahm, Opo pa.." pagsisinungaling ko.
" Mabuti kung ganon.." nakangiting wika ni Papa.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.
Tama kaya si Alberta na kapag nagkaroon na ako ng kasintahan ay hindi na nila ako ipipilit sa prinsesa?
Sana ay gumana ang planong iyon.
------
Nandito ako ngayon sa palasyo ng Hari dahil pinatawag niya ako sa di ko malamang dahilan.
" Ravin hija.." lumingon ako at nakita ko ang Hari.
" Kamahalan.." yumuko ako bilang paggalang.
" Bakit niyo po ako pinatawag kamahalan? " Tanong ko.
" Gusto kong samahan mo ang anak ko dito sa palasyo dahil mawawala ako nang isang linggo at gusto ko na ikaw ang kasama niya habang wala ako..." wika niya.
Naku naman!
" Si-sige po kamahalan..." Wika ko.
" Maasahan ka talaga halika kumain tayo samahan mo kami ng anak ko..." ngiting wika niya, tumango naman ako sa kaniya.
Pagkarating namin sa hapag kainan at nakita kong nakaupo na si Prinsesa.
" Anak nandito ang magiging asawa mo.." wika ng Hari, napatingin naman sa akin ang prinsesa.
Ngumiti lang siya nang makita ako, Teka bago iyon ah?
Umupo na kami at nagsimula nang kumain.
" Siya nga pala anak, si Ravin ang inatasan kong magbabantay sayo habang wala ako, alam ko namang aalagaan ka niya." Nakangiting wika ng Hari.
" Ayos lang Po sa akin pa.." wika naman nang prinsesa.
Parang may iba sa kaniya ngayon.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na sa amin ang Hari dahil nagmamadali siyang umalis.
Kami na lang dalawa ang naiwan dito sa palasyo, Sana hindi niya ako pahirapan sa isang linggong makakasama ko siya.
---
Nandito lang ako ngayon sa hardin ng palasyo dahil gusto kong makalanghap ng sariwang harin.
" Binibining Ravin..." Napalingon ako sa nagsalita, Isa palang katulong.
" Ano iyon? " Tanong ko.
" Pinapatawag Po kayo ng prinsesa.." wika niya.
" Nasaan siya?" Tanong ko.
" Nasa kwarto niya Po.." wika niya.
" Sige pupunta na ako.." nakangiti kong sabi.
Agad na akong naglakad patungong kwarto niya.
-----
" Pinapatawag mo daw ako prinsesa?" Tanong ko.
" Ipagtimpla mo ako ng tsaa.." wika niya.
" Huh? "
" Bingi kaba? Sabi ko timplahan mo ako.." wika niya.
" Sige iuutos ko sa katulong.." aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.
" Sandali..." Wika niya.
" Ano po iyon prinsesa? "
" Gusto ko ikaw ang magtimpla.." nakangising wika niya.
Sinasabi ko na nga ba nagsisimula na siya sa pagpapahirap sa akin.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romantizm" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde