Dalawangpu't tatlo

3K 117 3
                                    

Ravin Cloud Monteverde

Ilang buwan na ang nakalipas at malapit nang manganak si Snow nasasabik na ako sa paglabas nang aking anak pati na din si Snow ay nasasabik na sa kaniyang unang anak, walang paglagyan ang kasiyahan namin. Lumaki na nga din ang kaniya tiyan dahil sa malapit na nga itong manganak, nung una ay nanibago siya sa pagbabago nang kaniyang katawan. Minsan nga ay umiiyak siya kapag kami na lang dalawa dahil ang sabi niya hindi na daw siya magandan, tinawanan ko lang siya noon dahil hindi naman totoo na hindi na siya maganda lumaki Lang ang katawan iyon lang maganda pa din naman siya sa paningin ko.


Isang magandang araw ang bumungad sa akin kasama ang pinaka mamahal ko ngayon sa tabi ko, mahimbing siyang natutulog na may paghilik pa. Nitong mga nakaraang araw ay naging antukin na talaga siya dahil sa pagbubuntis niya at lagi na din siyang tinatamad sa pagbangon sa umaga.

" Hmmm.." gumalaw ito at yumakap sa akin nang mahigpit at sumiksik ang mukha niya sa aking leeg.


Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa ginawa niyang iyon. Hinimas ko naman ang kaniyang ulo, Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito siya sa akin.

" Snow..." bulong ko sa tenga niya.

" Hmmm." Tugon niya.

" Umaga na, bumangon na tayo..." tumaas siya nang tingin sa akin.

" Maaari bang mamaya na?" Papikit-pikit pa siya.

Mukhang tinatamad na naman siyang bumangon.

" Ah! Aray.." biglang may dinaing siya.

" Ayos ka Lang?" Napaupo ako.

" A-ayos lang ako sumakit lang- ah!" Mukhang may masakit sa kaniya.

" Snow! Anong masakit? " Tarantang wika ko.

Napahawak siya sa kaniyang tiyan, manganganak na ba siya?!

" Ma.. manganganak na ako!" Sigaw niya.

Naalerto naman ako at biglang napatayo.

" Hihingi ako nang tulong hinga ka lang nang malalim at huminahon.." kailangan kong magmadali.

Tumango siya sa akin at nagmadali na akong lumabas nang silid.

" Ahh! Hindi ko akalain na ganito ito kasakit..Ravin!!!" Sigaw pa niya nang makalabas ako nang silid.

" Henya!? " Sigaw ko.

" Henya nasaan ka!?" Patuloy kong sigaw.

" Kamahalan!" Sinalubong niya ako.

" Magpatawag ka nang manggagamot dahil manganganak na si Snow.." utos ko.

Nagmadali na itong umalis at ako naman ay agaran na bumalik sa aming silid.

" Nandito na ako Mahal ko.." nang makapasok ako ay nakita ko siyang nahihirapan dahil sa sakit.

" Ravin.." mahina niyang sambit.

" Huwag kang magalala paparating na ang magpapaanak sayo.." huminga siya nang malalim.

Nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan ng ganito hindi ako mapakali sa mga oras na ito.

" Kamahalan.." biglang bukas nang pinto at pasok nang dalawang tao.

" Manganganak na siya.." wika ko sa manggagamot.

" Kamahalan mahiga po kayo.." sinunod naman ni snow ang utos nang manggagamot.

" Huminga po kayo nang malalim.." huminga din siya nang malalim.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon