Ravin Cloud Monteverde
Nang ipakilala sa akin ni Alberta si Scarlett ay nasundan ang pagkikita namin, inaya ko siyang mamasyal, dalhin sa mga lugar Kung saan pwede kaming magusap na dalawa.
Nakilala ko siya ng maigi dahil sa lagi kaming umaalis para mamasyal, Ang kulit niya at masayahin, mabait at palakaibigan. Dagdag mo pa na sobrang ganda niya, galing siya sa mayamang pamilya kilala rin sila sa buong Gadula.
Paminsa nga ay hindi na ako nakakapunta sa palasyo dahil na rin Scarlett, nagdadahilan na lang ako sa mga magulang ko na importante ang pupuntahan ko. Nung unang beses nga akong tumangging pumunta sa palasyo ay kinabahan talaga ako, buti na lang at pinayagan ako ni mama si papa noon ayaw dahil mahalaga daw na lagi akong dadalo kapag pinatawag ng Hari pero syempre pinilit ni mama si papa Kaya nakaalis ako.
Sa tingin ko nga may gusto na ako kay Scarlett, Hindi ko pa nasasabi sa kaniya dahil baka layuan nya ako bigla kapag sinabi ko sa kaniya.
At ngayon nga magkasama kami na tinatanaw ang magandang tanawin mula sa baba nitong buntok na pinuntahan namin.
" Ang ganda..." Manghang wika ni Scarlett.
Tiningnan ko siya at mangha Lang siyang nakatingin sa nakatingin sa tanawin.
" Tama ka maganda..." Wika ko pero sa kaniya ako nakatingin.
Bigla naman siyang napalingon sa akin at nahuling nakatingin sa kaniya kaya mabilis akong nagiwas ng tingin.
Narinig ko naman siya na tumawa ng mahina.
" May gusto sana akong itanong sayo Ravin..." Wika niya at napatingin ako sa kaniya.
" Ano iyon?" Tanong ko.
" Pakakasalan mo ba talaga ang prinsesa? " Nakatingin lang ako sa kaniya.
" Bakit mo naman naitanong?" Balik na tanong ko.
" Pwede sagutin mo na lang ang tanong ko hahaha.." mahina niyang tawa.
" Oo..." Seryoso lang akong nakatingin sa akin.
" May tanong pa ako..." Wika niya.
Sumeryoso ang mukha niya.
" Ano?" Tanong ko.
" Bakit mo ito ginagawa? " Huh?
" A-anong ibig mong sabihin? " Tanong ko.
" Itong lagi tayong magkasama, bakit mo ako laging inaayang lumabas at pumunta sa kung saan saan? " Wika niya.
" Dahil gusto ko..." Seryosong nakatingin lang ako sa kaniya.
" Dahil gusto mo? Diba dapat ang lagi mong kasama ay ang prinsesa dahil ikakasal na kayo? Pero bakit ako ang gusto mong kasama imbis na siya? " Nag-iba ang tono ng pananalita niya.
" Dahil gusto kong lagi kang kasama..." Diretsyong Sabi ko sa kaniya.
" Huh? " Nagugulahan siya.
" Gusto Kita..." Nasabi ko na, napayuko ako.
Hindi siya makapagsalita at gulat Lang na nakatingin sa akin.
" Alam kong mali dahil ikakasal na ako, pero hindi ko mapigilang hindi mahulog sayo...sa mga mata mo, sa mga ngiti mo...sa mga katangian mo, lahat ng tungkol sayo.." ngayon ko lang naramdaman sa isang tao ang mga ito.
Wala pa ring salita ang lumalabas sa bibig niya, siguro ay nagulat siya sa pagamin Kong ito sa kaniya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tiningnan ko ulit siya at tiningnan niya ako.
" Maiintindihan ko kung lalayuan mo na ako..." Malungkot na wika ko.
Nakatalikod na ako sa kaniya, at may pumatak na luha sa aking mga mata pinampunas ko ang kamay ko sa pisnge kong may luha.
Hahakbang na sana ako palayo sa kaniya ng biglang may nararamdaman akong yumakap sa akin.
" Huwag kang umalis..." Wika niya mula sa likod ko.
Humarap ako sa kaniya, at nakita kong umiiyak siya. Hinawakan ko ang dalawang pisnge niya.
" Gusto din Kita..." Naiiyak na wika niya.
Tinitigan ko siya ng mabuti, Kita ko sa mga mata niya na seryoso siya.
" Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong hindi ka magustuhan dahil napakabuti mo sa akin, nahulog na rin ang loob ko sayo dahil lagi tayong magkasama at namamasyal, gusto ko rin na lagi tayong magkasama at gusto ko rin na nakikita kita araw-araw...sa tingin ko nga ay mahal na Kita.." mahabang sambit niya.
Mahal niya ako?
Niyakap niya ako ng mahigpit, nabigla ako subalit gumanti pa rin ako ng yakap sa kaniya. Nagtagal iyon ng ilang sandali bago siya humiwalay ng yakap.
Sobrang lapit niya sa akin, hinawakan niya bigla ang mukha ko at unti unti niyang inilalapit ang sarili niya.
Napapikit na siya at inilalapit ang labi niya sa labi ko, napapapikit na rin ako sa di ko malamang dahilan. At naglapat na nga ang mga labi namin, ito ang una kong halik, Hindi gumagalaw ang labi ko dahil na rin sa hindi ako marunong humalik, pero siya ginalaw na niya ang labi niya at ako naman ay sumusunod lang sa galaw niya.
Kumapit na siya sa batok ko at ako naman sa bewang niya, unti unting nagiging mapusok ang mga halik niya na sinabayan ko naman. Nagtagal ang halikan namin ng ilang minuto bago kami naubusan ng hininga.
Humiwalay ako sa kaniya at siya rin nagkatitigan kami, isinandal ko ang noo ko sa noo niya. Nakita kong napangiti siya. Puno ng pagmamahal ang mga mata niya.
" Simula ngayon kasintahan na Kita..." Nakangiting sabi niya.
Mayroon na akong kasintahan.
Napangiti na lang ako sa kaniya.
---------
Buong araw kaming magkayakap sa ilalim ng puno pagkatapos naming umamin sa isa't isa, masaya pala ang magkaroon ng kasintahan. Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil doon.
" Oh anak nandito kana pala, kanina kapa hinihintay ng papa mo...ay! Oo nga pala nasa loob ang prinsesa dinadalaw ka..." Nakangiting sabi ni mama.
Ang prinsesa? Nandito sa bahay?
Pumasok na kami ni mama sa loob at nakita ko ngang nandito siya kausap si papa.
" Nandito kana pala Ravin.." wika ni Papa.
" Opo.." wika ko, napatingin naman ako sa prinsesa at nakangiti lang siya sa akin.
" Ah, anak dalhin mo muna ang prinsesa sa kwarto mo tatawagin ko na lang kayo kapag natapos na ako sa pagluluto para sa hapunan natin.." wika ni mama.
" Sige po..." Nakangiti kong sabi.
Dinala ko na ang prinsesa sa kwarto ko tahimik lang niyang pinagmamasdan ang kwarto ko.
" Ang aliwalas ng kwarto mo.." bigla niyang sabi.
" Sa-salamat.." wika ko.
" Saan ka nga pala galing? " Tanong niya.
" Sa may bundok, ah! Nga pala may maganda akong balita sayo.." nakangiti kong sabi sa kaniya.
" Ano iyon.." tanong niya.
" May kasintahan na ako.."
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...