Dalawangpu

4K 148 7
                                        

Ravin Cloud Monteverde

" Hmmm.." minulat ko ang mata ko dahil parang may humahawak sa pisnge ko.

" Magandang umaga kamahalan..." napatingin ako sa katabi ko.

" Gretel..." Ngumiti siya.

Tiningnan ko siya nakahubad pa rin siya at nakayakap sa akin, at ganon din ako. Napaupo ako.

" Kailangan ko nang maggayak dahil marami pa akong gagawin ngayong araw..." Naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko na nakatapis ng puting kumot.

Sumandal siya sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko.

" Mauulit pa ba ito?" Mahina niyang tanong.

Hindi na pwede dahil ang Sabi ko sa sarili ko ay isang beses ko lang gagawin ito at wala nang kasunod pa.

Hindi ko na lang siya sinagot at tumayo na Lang at kinuha ang mga saplot ko at sinuot ito, siya naman ay pinagmamasdan lang ako.

" Aalis na ako.." wika ko sa kaniya.

Nakita ko naman na parang may lungkot sa kaniyang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin at napansin ko na lang na napayuko na siya.

Tumalikod ako sa kaniya at binuksan ang pinto at lumabas na tapos ay nagtungo na ako sa silid namin ni snow. Pagkarating ko ay naabutan kong natutulog pa rin si snow sa aming kama kaya napahinga ako ng malalim, mabuti na lang ay Hindi pa siya gising.

Napaupo ako sa kama at pinagmasdan ang mahal kong Reyna na payapang natutulog.

Patawad mahal ko dahil hindi ko napigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya sa noo at bigla na lang siyang nagmulat. Ngumiti ako.

" Magandang umaga mahal ko..." Papikit-pikit siya na nakatingin sa akin.

" Magandang umaga.." lumapit siya sa kin para yakapin ako na malugod ko naman tinggap at tinugunan.

" Nagugutom kana ba?" Naramdaman kong umiling siya.

Humiwalay ako sa kaniya at hinawakan siya sa pisnge.

" kailangan mong kumain.." tumayo ako at inalalayan siyang tumayo din.

Hinawakan ko siya sa kamay at inilabas sa silid matamlay lang siyang naglalakad habang hawak ko siya, nang makarating kami sa hapag ay agad ko nang nakita si Gretel na nakaupo na doon at nagsisimula ng kumain.

" Maganda umaga mahal na Reyna..." Tumayo ito at nagbigay galang kay snow at bumaling sa akin at binigyan ako ng nakaka-akit na tingin.

Ang tingin niyang iyon ay katulad ng pagkakatitig niya sa akin kagabi nang....napailing na lang ako ng maalala ko lahat nang nangyari sa aming dalawa.

Nagkibit balikat na lang si snow at naupo na sa tabi ko, pareho silang nakaupo sa magkabila ko. Tiningnan ko ang mga nakahain sa mesa marami ito masigurado kong mabubusog si snow sa mga nakahain ngayon.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni snow.

" Kumain kana.." nakanguso itong Tiningnan ako.

Alam kong ayaw niyang kumain subalit kailangan dahil sa batang nasa sinapupunan niya, dapat lagi siyang busog at kumakain na sa ganon ay maging malusog ang magiging anak namin.

Habang kumakain kaming tatlo ng tahimik ay napapansin kong panay ang sulyap sa akin ni Gretel na kinailang ko naman.

" Kamahalan.." napalingon ako.

" Ano iyon henya?" Ang alalay ko pala.

" May sulat po galing sa Hari ng Sepir.." napakunot noo naman ako.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon