Ravin Cloud MonteverdeMatapos nang anunsyong iyon ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko, paano na si Scarlett Kung matutuloy ang kasal namin ng prinsesa. Kung sabihin ko na kaya na may kasintahan na ako? Tama baka may pagasa pa kapag sinabi ko.
" Nandito ka lang pala..." Boses iyon ng prinsesa. Napalingon ako sa kaniya, tumayo ako sa pagkakaupo ko.
" Kailangan ko nang sabihin kina papa ang totoo, bago ako mahuli.." aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.
" Huwag mo nang ituloy iyang binabalak mo, baka lalo lang lumala ang sitwasyon.." wika niya.
Humarap ako sa kaniya.
" Wala na akong pakialam sa kung anong mangyayari sa oras na sabihin ko sa kanila, nakahanda na ako sa kung ano ang kahihinatnan ng gagawin ko..." Nakapagpasiya na ako.
" Sa gagawin mong iyan masisira ang pangalan ng pamilya niyo, pati magulang mo magagalit sayo.." bakit niya ako pinipigilan? Diba ayaw din naman niya itong kasal namin?
" Akala ko ba gusto mong matigil itong kasal natin? Gumawa na ako ng paraan oh? Kaya bakit mo ako pinipigilan? "
" Pinapaalalahan lang kita sa pwedeng kahinatnan ng ikikilos mo.." napahilamos ako sa mukha ko.
" Hahayaan na lang natin na makasal tayo? Ayaw mo bang makasal sa lalaking pinapangarap mo? Ayaw mo bang sumaya sa taong mahal mo? " Gusto ko rin naman siyang sumaya.
" Ngayon mo subukang maging matapang! Ipaglaban mo yung kaligayahan mo! Dapat sabihin mo sa papa mo na ayaw mo sa kasal na ito para makalaya kana.." dagdag ko pa, nakatingin lang siya sa akin nang seryoso.
" Ayoko..." Wika niya.
" Ano? " Nagugulahan nako sa kaniya.
" Kahit kailan hindi ko pinangarap na makasal sa isang prinsipe oh sa isang matipunong lalaki, Ang gusto ko lang ay makasal sa taong tinitibok nitong puso ko...At ikaw iyon." Huh? Ako?
" Te-teka bakit kaba ganyan hindi ito oras para magbiro! Kaligayahan natin ang nakataya dito! Naiintidahan mo ba!? " Sigaw ko sa kaniya.
" Kaya nga pinipili Kita!?! Ikaw ang kaligayahan ko!?! Ikaw ang Mahal ko!? Gusto kong makasal sayo?!? Ikaw ang gusto kong makasama!?"
Hindi ako makapagsalita dahil sa bigla niyang pagamin.
" Nahulog ang loob ko sayo, sa pagiging mabait mo, sa pagaalaga mo, gusto ko laging binibigyan mo ako ng atensyon, gusto ko sa akin ka lang nakatingin...ayokong may ibang babaeng lalapit sayo, gusto ko ako lang..." Naluluhang sambit niya.
" Pri-prinsesa..."
" Kaya hindi na ako tumutol sa kasal natin dahil gusto ko nang makasal sayo..." Bigla niya akong niyakap.
Para akong tuod dahil sa niyakap niya ako. Naramdaman ko na nabasa na ang dibdib ko dahil sa luha niya. Humiwalay siya saglit at pinagmasdan ako.
" Mahal Kita..." Bigkas niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinalikan niya ako bigla, mulat ang mga mata kong nakikitang umiiyak siyang hinahalikan ako. Hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik niya.
Niyakap ko siya sa bewang niya at siya naman sa batok ko.
Bakit parang pakiramdam ko tama itong nangyayari sa aming dalawa, May kung ano sa puso ko na hinahayaan siya, Hindi ko mawari Kung ano ito.
Nagtagal ang halik na iyon ng ilang Segundo, humiwalay siya sa akin at tinitigan ako. May luha pa rin sa mga mata niya kaya pinunasan ko iyon ng kamay ko.
Pagkatapos kong gawin iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit, sobrang higpit na parang ayaw niya akong mawala sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi yakapin siya pabalik, ano ba itong nararamdaman ko sa kaniya?
" Nandito lang pala kayong dalawa..." Napalingon kami dahil sa nagsalita.
" Ma..." Wika ko.
Nakangiti lang si mama na nakatingin sa amin.
" Halina kayo at nakahanda na ang hapunan..." Wika ni mama.
Tumango ako at akmang maglalakad na ng hawakan ni prinsesa ang braso ko, napalingon ako sa kaniya.
" Sa-sabihin mo pa rin ba sa mga magulang mo ang tungkol sa inyo ng babaeng iyon? " Nakayuko niyang tanong.
Humarap ako sa kaniya.
" Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko, nagugulahan ako sa nangyayari ngayon sa akin...Hindi ko mawari Kung bakit parang ayaw ko nang sabihin lahat sa kanila..Pa-parang may kung anong... mayroon akong nararamdaman sayo na hindi ko masigurado kung ano.." Nagugulahan nako.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha.
" Hahayaan kitang magdedesisyon sa Kung anong tinitibok niyang puso mo... maghihintay ako." Wika niya.
Nauna na siyang umalis at naglakad palayo sa akin, nakatingin lang ako sa likod niya.
Ano ba itong nararamdaman ko?
--------
" Bakit gusto mong magkita tayo ngayon?" Tanong ni Scarlett.
Sinabihan ko siyang magkita kami dahil sasabihin ko sa kaniya ang nangyari kahapon.
" Sa isang linggo na ang kasal namin ng prinsesa..." Mahina kong saad.
Natahimik siya dahil sa sinabi ko.
" Pakakasalan mo ba siya? " Tinitigan ko siya.
Bakas sa mata niya ang kalungkutan, para na siyang naiiyak.
" Hindi mo nasabi sa mga magulang mo ang tungkol sa atin? " Tanong niya, naging blangko na ang mukha niya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya, at yumuko na lang.
" Mahal mo ba ako? " Tumingala ako sa kaniya.
" Gusto Kita.." wika ko.
" Hindi iyan ang tanong ko..Mahal mo ba ako? " Tanong niya ulit.
Natahimik ako, Hindi ko matukoy sa sarili ko kung Mahal ko ba talaga siya. Pero alam kong gusto ko siya.
" Magkaiba ang gusto sa mahal, Ravin.." wika niya.
" Kung gusto mo lang ako may ibang dahilan iyan, baka ang tingin mo sakin ay bilang kaibigan Lang...Hindi bilang isang babae, dahil Kung Mahal mo talaga ako ay hindi ka magdadalawang isip na ipagtapat ang Kung anong meron sa atin.." Hindi ako nakaimik.
Ano ba talaga? Nagugulahan nako.
" Siguro isipin mo muna kung ano ba talagang gusto mo...at kapag nakapagisip kana ay nandito Lang ako hihintayin ka." Wika niya.
At umalis na sa harapan ko.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
Dragoste" Kailangan mong pakasalan ang prinsesa.." wika sa akin ni Papa. " te-teka po.." ha? ako? ikakasal sa prinsesa? " Napagkasunduan namin ito ng Hari..." huh? bakit ako? " Pa... alam niyo namang hindi ako pwedeng ikasal sa babae diba? kasi babae rin ak...