Ravin Cloud MonteverdeDalawang araw akong nagkulong sa kwarto ko, dahil gusto kong makapagisip. Alamin kung ano ba talaga ang gagawin ko, masyado nang komplikado ang lahat para sa akin.
May masasaktan at masasaktan sa magiging pasya ko, ayokong makasakit ng dadamdamin ng iba ng dahil lang sa akin.
Kailangan ko nang makapagdesisyon dahil malapit na ang itinakdang araw kung kailan ako ikakasal sa prinsesa.
* Tok tok*
" Anak si mama mo ito! Pwede ba akong pumasok?" Napalingon ako sa may pinto.
" Sige po! " Nakaupo lang ako sa kama ko at yakap yakap ang unan ko.
Narinig ko naman na bumukas ang pinto at pumasok si mama.
" Anak, dalawang araw kanang hindi kumakain...ano bang nangyayari sayo? Nagaalala na ako..." wika ni mama.
Tiningnan ko naman siya bakas sa mukha niya ang sobrang pagaalala.
" Dahil ba ito sa kasal? "
Natahimik ako sa sinabi ni mama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, tahimik lang kaming dalawa.
" Ma, ano po ba ang ibig sabihin ng pagibig? " Basag ko sa katahimikan.
" Pagibig? " Tumango ako.
"Ang pagibig ay pagmamahalan nang dalawang tao..masaya ang pakiramdam ng umiibig anak... ibibigay mo sa taong mahal mo ang lahat ng kaya mong ibigay kahit walang hinihintay na kapalit..." Nakangiti niyang wika.
" Gusto mo siyang nakikitang masaya, nakangiti, at nasasaktan ka naman kapag nakikita mong nasasaktan ang taong mahal mo... gagawin mo ang lahat maging masaya lang ang taong iyong iniibig.." pagpapatuloy pa ni mama.
"Pagmamahal na mas gugustuhin mong maging masaya ang taong iniibig mo sa kahit anong paraan, at kapag masaya ang taong yon ay masaya na rin ang puso mo...Isa ring pagsasakripisyo ang pagibig anak...imbis na ang taong mahal mo ang masaktan mas gugustuhin mong ikaw na lang..."
"Para sa akin ganon ang pag-ibig anak.." nakangiti niyang wika.
Pinagmamasdan ko lang si mama Kita ko sa mga mata niya ang saya habang nagsasalita patungkol sa pagibig.
" Ma.."
" Hmmm? " Tumingin siya sakin.
" Pwede po bang umibig ng dalawang tao? " Napakunot noo naman siya.
" May tanong din ako sayo anak.." ngiti pa niya sa akin.
" Ano po?"
" Ilan ang puso mo? " Napakunot noo naman ako.
" Isa po..."
" Tama...Isa lang, sa makatuwid isa lang din ang pwede mong mahalin anak..Hindi maaaring dalawa sapagkat Isa lang ang puso natin, Isa lang ang pwede nating mahalin..."
" Paano Po kung dalawa talaga?"
" Hahaha...anak hindi maaari iyon, kung dalawa ay may hihigit at hihigit sa kanila... May mangingibabaw sa kanilang dalawa."
" Teka nga bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan? " Takang tanong ni mama.
" Na-natanong ko lang Po.." nauutal kong saad.
" Anak umamin ka sa akin, umiibig ka na ba? " Natahimik ako bigla.
" Umiibig na nga ang anak ko..."nakangiti niyang wika, hindi talaga ako makakapagtago sa kaniya.
Sinabi ko na lahat ng nangyari sa akin, tungkol sa prinsesa at kay Scarlett.
" Nalilito po ako ma..." Mahina kong sabi.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Roman d'amour" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde