Ravin Cloud Monteverde
Abala ang lahat dahil sa nalalapit na ang kasal namin ng prinsesa, maraming kailangang ayusin at gawin.
Pagkatapos ng tagpong iyon sa hardin ay naging maayos na kami ng prinsesa.
Bumalik na sa dati ang samahan namin ng prinsesa nakikita kong masaya siya dahil siya ang pinili ko. Tungkol naman kay Scarlett, Hindi Ko na siya nakikita pa sa paaralan ni makasalubong manlang. Hindi ko siya masisisi kung lalayuan niya ako dahil sa nangyari.
Sa ngayon nandito lang ako sa palasyo kasama ang prinsesa, Sabi niya Kasi na gusto niya ako makita ngayon kaya nandito ako.
" Anong iniisip mo? " Tanong niya habang nakasandal sa balikat ko.
" Wala.." tipid na ngiti ko.
" May tanong ako.." wika niya ulit.
" Ano iyon? "
" Totoo bang mahal mo rin ako?" Takang tumingin naman ako sa kaniya at napaangat naman siya dahil naramdaman niya na nakatingin ako.
" Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan? "
" Gusto ko lang makasigurado sa kung ano ang nararamdaman mo..." Pinagdududahan niya ako sa kung anong nararamdaman ko para sa kaniya?
" Hindi pa ba sapat na ikaw ang pinili ko, para matanong mo iyan? Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko.." may pait na wika ko.
Nagiwas ako ng tingin, nararamdaman ko namang hinawakan niya ang mukha ko at nagkatitigan kami.
" Gusto ko lang na buo kang nasa akin, Hindi yung may naiwan ka pang nararamdaman sa babae na iyon.." malambing na sabi niya.
Tumahimik na lang ako at pinagmasdan siya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklob sa kamay niya.
Ilang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa.
" Nasasabik na ako sa kasal natin.." basag niya sa katahimikan.
" Hmm, ako din."
Hindi ko akalain na matutuloy ang kasal namin at hindi rin ako makapaniwala na mahal niya ako, ng prinsesa.
------
Araw ng kasal.
Kinakabahan ako dahil ikakasal na ako, nanlalamig ang mga kamay ko sa sobrang nerbyos. Ganito pala ang pakiramdam na kapag ikakasal kana, Parang lalabas ang puso mo sa dibdib mo. Ilang beses na akong huminga ng malalim mayamaya lang ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
" Ayos ka lang?" Tanong sa akin ng prinsesa.
Ngumiti ako sa kaniya.
" Ayos lang ako.."
Nakita ko naman na ngumiti siya.
Lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti, isama mo pa ang suot niyang pangkasal mas lalo siyang gumaganda dahil doon.
Nakatayo kami pareho sa labas ng simbahan, magkahawak kami ng kamay na naglakad papasok sa loob. Nakita namin ang mga taong malalapit sa aming dalawa, mga ministro ng Hari at mga espesyal na taong iniimbitahan ng Hari pati na rin ng mga magulang ko.
Nang makarating kami sa altar ay nagsimula na ang pagiisang dibdib namin ng prinsesa.
-----
Nang matapos ang kasal namin ay lahat kami ay nagpunta sa palasyo para ipagdiwang ang kasal naming dalawa.
" Binabati ko kayong dalawa.." masayang bati ni mama sa amin.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romansa" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde