Labing lima

3.8K 146 6
                                    


Ravin Cloud Monteverde

Abala ang lahat dahil sa preparasyon sa magaganap na koronasyon sa aming dalawa ng prinsesa, minanadali na ng Hari upang agad kaming maluklok sa pagiging Hari at Reyna.

Sa ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang susunod na Hari, Ang mga magulang ko naman ay tuwang tuwa dahil sa balitang iyon. Lalo na ang Papa ko dahil alam kong ito ang gusto niya para sa akin.

" Kai- ay kamahalan! " Napalingon ako.

" Oh? Alberta? " Hingal na hingal siyang lumapit sa akin.

" Ka-kamahalan.." napakunot noo naman ako.

" Huwag mo nga akong tawaging kamahalan.."

" Bakit hindi eh ikaw na ang susunod na Hari..hahaha."

" Hindi pa ako Hari kaya huwag mo akong tawaging kamahalan."

" Ah Basta! Kai- ay este kamahalan na ang itatawag ko sayo simula ngayon dahil nalalapit na ang koronasyon mo, nararapat lang iyon." Nakangiti niyang wika.

Ito talaga oh kahit kailan.

" Bahala ka..." Napailing na lang ako.

Agad na kaming dumiretsyo sa klase namin dahil mahuhuli na kami.

--------

" Bakit hindi ka kumakain? " Tanong ko sa asawa ko.

Nakasimangot siya ngayon. Dalawa lang kami ngayon na magkasamang kumain dahil yung nga kaibigan niya at si Alberta ay may kaniya kaniyang suliranin sa pagaaral kaya abala sila.

" Wala akong gana.." napakunot noo naman ako.

" Bakit? Ayaw mo ba sa pagkain? Anong gusto mo? " Sunod sunod kong tanong.

" Ayokong kumain.." nakanguso niyang wika.

" Hindi pwede, kumain ka kahit konti."

" Ehhhhh..." Para siyang bata ngayon, ano naman kaya ang himutok niya?

" Sige na kumain kana..sige ka kapag hindi ka kumain magagalit ako sayo.." pagbabantang wika ko.

Tiningnan niya ako ng masama.

" Hmmp! Ayoko nga sabi eh! "

Hay nako nagiging isip bata na naman siya parang padalas ng padalas ang mga gantong kilos niya.

" Hay nako, Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo.." wika ko.

May problema siguro siya kaya ayaw niyang kumain.

" May problema kaba?" Napatingin siya sa akin.

" Wala! " Halatang meron, at bakit ba napakainitin ng ulo niya ngayon?

" Sabihin mo na sa akin alam kong may problema sayo.." nakasimangot pa rin siya.

" Wa-wala lang ito..." Nag-iba ang timpla niya.

" Sige na huwag ka nang mahiya sa akin..." Pagpupumilit ko.

" Ka-kasi...may buwanang dalaw ako." Mahina niyang sabi habang nakayuko.

Kaya naman pala ang init ng ulo niya at ayaw kumain dahil sa buwanang dalaw niya.

" Kaya pala...oh siya sige hindi na Kita pipiliting kumain, dahil Wala kang gana." Hinawakan ko siya sa ulo.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa tagiliran.

" Pasensya na ha kung nasungitan Kita.." mahina niyang wika.

" Ano kaba, ayos lang sa akin iyon..." Inilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

" Sabihin mo lang sa akin kung kakain kana ha? Para mapaghanda kita." Naramdaman ko naman na tumango siya.

Royal HighnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon