Ravin Cloud MonteverdeSa paguusap namin ni prinsesa ay hindi na nga niya ako pinahirapan pa, naging mabait na siya sa akin kahit papaano.
Maayos na ang pakikitungo niya sa akin, at nagpapasalamat naman ako dahil doon.
" Kung si Lira, ang anak ng ministro ang ligawan mo? " Tanong ni Alberta.
Pinaguusapan kasi namin Kung sino ang posibleng maging kasintahan na maipakikilala ko sa mga magulang ko.
" Sa tingin ko, Hindi siya pwede alam ng lahat na may nobyo siya.." wika ko.
" Sayang naman! Ang ganda pa naman niya.." himutok niya.
" Hahaha..hayaan mo na marami pa namang iba dyan.."
Naguusap kami sa hardin nitong paaralan dahil na rin ay tapos na ang una naming klase.
" Eh yung kaibigan ng prinsesa?" Wika niya.
" Alin don? Diba tatlo sila?"
" Si Laura, diba anak din siya ng isang ministro? Baka pwede siya, Sabi mo nga payag din si Prinsesa sa plano mo, malay mo tulungan ka niya kay Laura.." may punto siya.
" At saka maganda si Laura mabait pa.." dagdag niya.
" Ayokong Isa sa mga kaibigan ng prinsesa ang magiging kasintahan ko, mas maganda kung hindi malapit sa prinsesa..." Sabi ko.
"Hay, Ang hirap naman na ihanap ka ng magiging kasintahan..." Napabuntong hininga na lang siya.
Sa panahon na talagang ito ay mahirap nang makahanap ng magiging kabiyak mo. At mamahalin mo, minsan madali minsan matagal.
---------------
" Kamusta ang pagaaral niyong dalawa? " Tanong ng Hari sa aming dalawa ng prinsesa.
" Mabuti naman Po pa.." wika ng prinsesa.
" Maayos naman Po kamahalan.." Sabi ko.
Nandito kami ngayon sa palasyo, kumakain sa hapagkainan.
" Nasasabik na talaga ako sa kasal niyong dalawa..." Masayang sabi ng Hari.
Napatingin naman ako sa prinsesa, blangko ang mukha niya.
" Maging ako rin kamahalan ay nasasabik na maging magasawa silang dalawa.." nakangiting sabi ni Papa.
" Papa...pwede na Po ba akong pumasok sa kwarto ko? " May lungkot na wika ng prinsesa.
" Tapos kana bang kumain anak?" Tanong ng Hari.
" Opo... " Maikling wika ng prinsesa.
Pagkatapos non ay umalis na ang prinsesa at nagtungo na sa kaniyang silid.
" Hija pwede mo bang kausapin ang anak ko? Mukha kasing may problema siya.." wika ng Hari sa akin.
" Sige po.." wika ko at tumayo na ako para mapuntahan ang prinsesa.
--------
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya pero walang sumasagot.
" Prinsesa ako ito! " sigaw ko.
Ilang sandali lang ay bumakas na ang pinto at bumungad sa akin ang prinsesa.
" Pwede ba akong pumasok?" Tanong ko.
Tumango naman siya at tuluyan na akong nakapasok sa kwarto niya, Umupo ako sa kama niya.
" May problema kaba? Napansin kasi ng Hari kanina kaya pinapunta ako dito sa kwarto mo..." Wika ko.
Hindi siya sumagot at umupo na lang sa gilid ng kama niya.
Humarap ako sa kaniya ngayon at siya naman ay nakayuko lang.
" Pwede kang magsabi sa akin ng kahit ano, kaibigan mo na rin naman ako..." Mahina kong saad.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Nagpagdesisyonan ko na Lang na tumayo dahil ayaw niya na pagusapan ang Kung anong bumabagabag sa kaniya. Nang papalabas na ako ng pinto ng magsalita siya,
" Sandali..." Tumingin siya sa akin.
Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang lungkot.
Lumapit ako sa kaniya at umupo ulit sa harap niya. Tinitigan ko lang siya.
" Huwag ka nang mahiya sa akin, dati nga eh grabe ka mang-asar...nasaan na yung prinsesang iyon? " Biro ko sa kaniya.
Sinamaan naman niya ako nang tingin, bumabalik na siya.
" Hindi lang ako makahinga sa palasyo, sa mga ipinaguutos ni Papa, lahat ng gusto niya sinusundo ko. Pero bakit ganon? Pati ba naman sa pagpili ng mamahalin kailangan siya pa rin ang masusunod...para akong nakakulong.." naluluha niya wika.
Unti unti ko naman siya nilapitan at hinawakan ang balikat niya.
" Naiintidahan kita, pareho tayo ng sitwasyon...ganiyan din sa akin si papa..kaya wala rin akong magawa." Mahina kong saad sa kaniya.
" Huwag kanang magalala gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal natin.." may senseridad kong wika.
" Akala ko dati mahina ka yun naman pala Hindi.." ngisi niya sa akin.
" Akala ko rin na matapang ka yun pala, iyakin ka.." nakakaloko Kong ngiti sa kaniya, tumawa naman siya ng mahina.
Hinawakan ko siya sa ulo niya at nakangiting nakatitig sa kaniya.
" Patawad nga pala sa mga ginawa ko noon sayo...ginawa ko lang iyon dahil ayoko sa kasal natin kaya ikaw ang napagbuntungan ko.." paumanhin niya.
" Ayos lang iyon, napatawad na kita..." Ngumiti ako sa kaniya.
Hindi naman pala siya ganong kasama nadala lang siya nang pagkakataon.
Humiwalay ako nang konti sa kaniya.
" Pwede ba tayong magsimula muli?" Nakangiti kong.
Ngumiti siya sa akin.
" Sige magsimula muli tayo..." Kapwa kaming nakangiti sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
Royal Highness
Romance" Gagawin ko lahat makabalik lang sa piling mo mahal ko, Snow... " - Ravin Cloud Monteverde