REPLACEMENT.
Pinost ko ang isa kong picture na kuha ni Justin sa akin kasama ang kanyang pusa. Nakayakap sa akin ang pusa habang nakatingala sya sa akin kaya hindi kita ang mukha nya kase nakaharap sya sa akin at nakatalikod sya kay Justin. Tapos ako naka smile habang nakatingin sa camera.
l like most of all his shots.
Maganda ang hacienda nila Justin. Luntian ang kapaligiran. Malawak ang kanilang lupain at marami rin silang tauhan na nagkalat lang sa palibot. At kitang-kita ito sa kuha nya na picture sa akin. At napansin ko rin na lahat ng kuha nya ay magaganda. May picture ako na ako lang ang nasa center at ang backgraound ko ay naka blurred. Tapos pati ang angle ko ay gustong-gusto ko ang shots nya.
Siguro marunong sya sa photography.
Ako kase ay pangit ako magpicture, mabuti nalang talaga at maganda ako kaya sa tuwing nagse-selfie ako ay nadadala nalang talaga sa mukha ang mga kuha.
Nilagyan ko rin ng vintage filter para aesthetic. Trends ang ganito ngayon lalo na sa mga kaidaran ko na social media is life.
'Fifty thousand smile'
I captioned it and i posted it.
Nag post na ako para malaman na ni Mickey na nakauwi na ako sa hacienda at baka sakali na umuwi na sya rito. Ayaw ko naman na tawagan sya dahil baka busy rin sya at isa pa naman syang guro at baka maka-isturbo ako sa kanya.
Alam ko naman na hindi madali ang maging teacher. Gustuhin ko man na makita sya ay kailangan ko na pigilan ang aking sarili na huwag magdemand sa kanya na umuwi or makipag kita sa akin. Naiintindihan ko sya at kaya kong magtiis basta para sa kanya. Walang imposible sa akin basta si Mousey ang binipisyo ng mga sakripisyo ko.
Mahal ko talaga sya.
Makalipas ang 10 minutes ay binalikan ko ang story ko para tingnan kung nakita na ito ni Mousey. Sobrang natuwa ako dahil nakita na nya at sigurado ako na uuwi na iyon dahil alam na nya ngayon na andito na ako. I'm so happy. I can't wait to see him personally. Wala syang reaction or even hahaha emoji ay wala pero ayos lang. Pero nag expect rin ako na heart emoji.
Ayos lang 'yon, ako pa ba!
Ang mahalaga ay alam na nya na andito ako at baka surpresahin nya rin ako sa kanyang pag-uwi.
Halos hindi ako makapaghintay, kaya makalipas ang isang linggo ay maaga akong nagising para magluto ng pwede namin kainin ni Mickey.
Gumawa ako ng macaroni salad dahil favorite nya iyon. Hindi ako marunong magluto nito pero pinag-aralan ko talaga para lang sa kanya. Para kung girlfriend nya na ako ay palagi ko na syang lulutuan kahit hindi nya i-request sa akin.
Gusto ko na matutunan ang mga bagay na makakapagpasaya sa aking kaibigan. Hindi ko alam pero gusto ko na maging masaya sya at ma-impress ko sya sa lahat ng pagkakataon kase ganito talaga ang love, masaya ka sa mga bagay na imposible at simple para sayo.
Inilagay ko muna sya sa reff habang nagbibihis ako. Gusto ko maging sexy sa paningin ni Mousey kaya nag suot ako ng black spaghetti croptop at white skort.
Ang sexy ko na ngayon at nag head band lang ako habang bagsak ang aking mahabang buhok. Hindi rin ako nagpapagupit kase gusto nya ang mahaba kong buhok kung kaya ay umabot na ito ng tuhod ko. Madalas nga ay napagkakamalan akong mangkukulam dahil sa haba nito kaya madalas ko na itiniterentas para hindi mahaba tingnan. Pero ngayon ay hinayaan kong nakabagsak ito. Straight at makapal na black ang hair ko.
I miss him badly talaga. Hindi ko aakalain na mahuhulog ako ng ganito sa aking kaibigan. Sobrang bait nya kase talaga at responsible rin. Kahit noon pa man ay marami ang nagkakagusto sa kanya na mga babae sa dalawang hacienda pero deadma lang ang beauty nila sa kanya.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...