INFORMATION.
When I entered the hotel, I immediately took a shower and fell asleep. Bago ako bumalik ng Manila ay dumaan ako ulit sa puntod ni mama. Tinanggal ko iyong mga bulaklak na pinapalagay ni Justin at sinabihan ko na rin ang tagapaglinis na huwag na maglagay ng mga flowers at linisan lang.
Ayaw ko na tumanggap ng galing kay Justin. Hindi naman sa ma-pride ako. Siguro tama lang kase binasted ko nga sya tapos tatanggap pa ako ng galing sa kanya? Parang binibigyan ko lang sya ng hope para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa which is l really don't like.
Ayaw ko naman ng ganoon kase how can he find the one who will truly love him without clarification from me? I believe that there is a woman who will love him and I'm not the right woman for him.
My heart belongs only to Dave and nothing can change that.
He is the man of my dream to be with forever but due to unexpected circumstances he left us. The saddest part of our love story at sobrang sakit sa akin na naiwan nya kase halos perfect na iyong buhay namin sa Siargao pero sa isang kisap-mata lang ay nawala ang lahat.
Nawala ang lahat ng lalaking mahal na mahal ko.
Naalala ko naman iyong bracelet na binigay ko noon sa kay Justin. Bumili ako ulit. Para sa amin ni Dave naman at ngayon ay mga pangalan na namin ang ipinalagay ko bago tuluyang sumakay sa bus pabalik ng Manila.
"Mama, babalik ako ulit" bulong ko habang tumatakbo ang sasakyan. "Gayong andito na ako ay palagi na kitang bibisitahin dito at sorry na rin po sa lahat ng mga ginawa ko, mama"
Gabi na ng makarating ako sa bahay. At kinabukasan ay pasok na naman sa trabaho. Dumating ako sa office na sakto lang sa oras. Nagtinginan na naman ang mga staff ni Justin sa akin na akala mo ay palaging may nakakamangha sa akin gayong nagkalakad lang naman ako.
Hindi ko bet ang mga staff nya kase ang chichismosa nilang lahat tapos ang iingay pa at ang nakakaloka ay kung dadaan na ako ay bigla nalang sila tatahimik lahat. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano sila nag-uusap ng mata sa mata.
Di ba nakakaloka 'yon!
Pero kebir, hindi ko sila binigyan ng kaunting attention at pumasok ako sa office na parang wala sila. Pagbukas ko ng pinto ay andon na sya sa mesa nya.
Nagtinginan kaming dalawa.
Actually, sobrang ganda ng mood ko today simula pa kagabi pagdating ko galing Zambales at sana lang hindi masira dahil kumulimlim napa naman ngayon.
Nginitian ko sya pero wala syang reaction kaya napawi ang ngiti ko. Expect ko nga ay isasakay nya ako sa sasakyan nya pauwi ng Manila kahapon pero hindi na sya tumawag at nag hintay rin ako kahit paano dahil hindi ko inaasahan itong pagiging iba ng mood nya ngayon.
At nang tinixt ko sya ang sagot nya ay "who you?" syempre, nagtaka talaga ako.
Sinabi ko na ako 'to pero nagreply lang sya na binura na nya na daw ang number ko. Nagulat din naman ako doon pero tama lang ang kanyang ginawa kahit paano at binura ko na rin ang number nya para maiwasan ko na makontak ko sya.
He himself put a wall between us at sigurado ako na hindi ko iyon matitibag and that's great.
Pagtingin ko sa coffee maker ay wala na ang mga ito kase magkakape sana ako at ang mini reff doon ay wala na rin, lahat ay wala na at Nakakapagtaka iyon.
Pero hindi naman siguro masama kung magtanong.
"Jah, bakit wala na ang coffe maker dito?" mahinahon na tanong ko.
Sinulypan nya saglit ang mesa na kung saan ito nakalagay.
"Pinatanggal ko at hindi pala maganda tingnan dito sa office...nagmumukhang kusina" sagot nya.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomansaWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...