CHAPTER 9

7 1 0
                                    

INSULTO.

Magana akong kumain ngayon dahil masarap ang pagkain na nakahain. Hindi ko alam kung nagkataon lang na ang ulam nila Justin ay nga favorite ko rin. Noong bata pa ako ay palagi akong inaaya ni ma'am na kumain sa kanila kapag binibisita ko si Mousey pero 'laging napupurnada iyon dahil kay kupal. Ayaw nya na nakikikain ako sa kanila kaya kahit natakam na ako sa mga nakahain sa mesa ay nilulunok ko nalang ang mga iyon sa pamamagitan ng aking mga laway.

"Kunyari lang naman na binibisita mo si Mickey pero pagkain talaga ang pakay mo dito. Patay-gutom ka talaga" bulong sa akin ni Jah habang magkatabi kami sa upuan.

"Hindi naman, pinilit lang ako ni ma'am at ayaw ko rin kumain dito lalo na pag-andito ka" bulong na sagot ko rin sa kanya.

Hindi ako magpapatalo sa kanya kahit anong mangyari. Porke nasa bahay nya ako ay gaganonin nya nalang ako?

Hindi pwede, syempre!

"Bakit andito ka ngayon kung ayaw mo naman pala?" tumaas ang kilay nya sa akin.

Hinahamon talaga ako ng kupal na 'to.

"Mas mahal kase ako ng mommy mo kesa sayo. Tingnan mo, kahit ayaw mo sa akin ay inaaya nya pa rin ako na kumain dito at sino lang ba ako para hindi sya paunlakan diba?" sabay tawa ko  sa kanya.

Ang mukha nya ngayon ay nababanaag ang galit at kulang nalang ay sakalin nya ako sa tagiliran nya. Totoo naman kase na mabait ang mommy nya sa akin kahit na aso't-pusa kaming dalawa ay 'lagi pa rin ako ang kinakampihan.

Malas nya lang dahil mommy nya ang mommy nya at hindi sya kino-kunsente.

Pero madalas ay umiiwas din naman ako at dalawang buwan bago ako pumunta ulit dito. Kaya lang ay wala si Mousey at dinala ng titser nila para sa isang regional quizz bee. Matalino kase talaga ang kaibigan ko na 'yon.

Dalawa lang kami sa mesa. Actually, dapat mag-isa lang ako na kakain ngayon. Kaya lang ay dumating ang spoiled brat at nakiupo rin sa tabi ko. Nakakahiya naman kung palayasin ko sya sa mismong mansyon nila dahil lang sa iniiwasan ko sya na huwag kaming magkasabay.

Kase bago ako mabusog sa pagkain ay bubusugin nya muna ako ng mga pang-iinsulto.

"Mahilig kase magpakain ang mommy ko sa mga naliligaw na hayop kaya huwag kang magtaka kung pinapakain ka nya, Naya"

Natahimik ako bigla.

Syempre, nasaktan ako dahil hayop pala ang tingin nya sa akin. At hindi lahat ng nakikikain ay gutom. Ang iba nakikikain lang dahil sa paanyaya para hindi naman mapahiya ang nag-aya.

"Ok lang. Maraming pagkain sa kabilang mansyon at hindi ko rin naman gusto na kumain dito at may dala rin akong pagkain" sabay tingin ko sa aking maja blanca na ibibigay ko dapat para kay Mickey.

"Patingin nga ng dala mo. Sigurado naman ako na hindi masarap 'to" sabi nya sabay kuha rin ng aking maja na nakalagay sa container.

Pero mabilis kong inagaw sa kanya dahil para lang iyon kay Mousey ko.

"Hindi 'to pagkain ng mga mayayaman at mas lalong para lang ito sa kaibigan ko at hindi 'to para sayo"

Dumilim ang mukha nya.

"Para sa crush mo na hindi ka naman crush?" sarkastikong sabi nya.

Natahimik ako ulit habang hawak ko ang aking maja blanca. Tapos sya ay nakangisi na sa akin ngayon. Alam nya kase na panalo sya kapag ganito ang topic namin.

"Sa susunod na araw pa iyon uuwi at masisira lang din naman 'yan kaya ipatikim mo nalang sa akin. Malay mo at pangit ang lasa edi mapapahiya ka sa crush mo" nakangising sabi nya pa.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now