CHAPTER 15

6 1 0
                                    

KISS.


Hindi ako nagtatampo dahil lang sa pesting banana chips.

Naiinis kamo ako! Like, what the heck right? The audacity that they are immediately close to each other with just a glance.

Samantala kaming dalawa ay inabot ng ilang taon bago medyo nagkalapit ngayon, tapos silang dalawa ay agad-agad? Parang hindi ko matanggap!

It's unfair...really!

Tinapos ko na ang aking pagkain at iniwan silang dalawa doon. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita at naririnig  mula kay Rina.

Madaldal sya sa mahinhin na paraan tapos pabebe rin. Iyon ang ikinaiinis ko. Pumasok ako ng silid para makaligo na at baka sakali mahimasmasan ako.

What if puntahan ko si Mousey ko? Hindi na sya ulit bumibisita sa hacienda Valderama. Mukhang hindi naman sya abala at nakita ko sa mga posts nya na panay punta sya ng bar.

Nahilig na talaga sya makipag-socialize simula noong pumayat sya. Nagkaroon ng malakas na tiwala at kumpyansa sa sarili. Nakakainggit ang samahan sya sa bar.

What if ayain ko sya tapos doon ako matulog sa kanya? Alam ko na papayag si mama. Magkasundo kase sila ni Mickey at hindi sya umaangal pag pangalan ni Mickey ang ginagamit ko sa galaan, kahit noon pa man at isa pa, Justin seems to be enjoying Rina's company.

Mabilis natapos ang paliligo ko at nagtxt nalang ako kay mama para hindi na sya magtaka pa kung saan na naman ako nagpunta. Ngunit paglabas ko palang ng mansyon ay magkadikit na naman ang dalawang hitad.

Pareho ang vibes nila...parehas malandi.

Wala akong imik na nilagpasan sila dahil nakatalikod ang mga ito sa akin. Hindi nila ako naramdaman until sa malagpasan ko sila.

"Naya, saan ka pupunta?" mahinhin na tanong ni Rina.

Ayaw ko naman sya ipahiya sa sarili nya. Binalingan ko sya at hilaw na nginitian.

"Kay Mickey" tipid na sabi ko kahit hindi nya naman kilala 'yon.

"Tara, ihahatid kita" sabat ni kupal.

Nginitian ko rin sya.

"Hindi na kailangan Jose at mukhang abala ka...Kaya ko mag-isa" i said half-heartedly.

He smirked. Alam ko na pang-uuyam iyon.

"Aalis na ako Rina, parating na rin si mama" sabi ko sabay talikod sa kanila.

Pasakay na sana ako sa aking pink na bike na syang ginagamit ko papunta sa bukana ng hacienda ng...

"Araaay!" sigaw ko.

May sumulpot na kupal sa likod ko sabay pitik ng aking tenga. Ramdam ko talaga ang init at sigurado ako na namumula na ito.

"Diba sabi ko sayo ay ihahatid kita. Hindi ka na talaga nakikinig sa akin pag may kinaiinisan ka" at hinawakan nya ang puwitan ng bike ko para hindi tumakbo kaya bumaba ako ng wala sa oras at mabangis na hinarap sya.

"Pakialam mo!?" tumaas na rin ang boses ko. "Pag-ikaw ba ang umaalis ay pinipigilan kita? Umaabot ka pa nga ng ilang buwan"

Tumaas ang isa nyang kilay sa akin.

Baka nga sa mga araw na andon sya sa malayo ay may kasama sya na hindi ko alam. Kase hindi naman sya palaging aalis kung wala naman sya palaging makakasama na close nya.

Iyong Winona na kasamahan nya. Mukhang higit pa sila sa close sa isa't-isa. May narinig ba sya sa akin? Wala naman diba? Kaya dapat ay iyon ang asikasuhin nya at hindi ang pinapakialaman ako na tahimik ang buhay ko.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now