CHAPTER 21

8 1 0
                                    

GONE.

Nagpahatid ako sa kanya pauwi pero hanggang gate lang dahil ayaw ko na makita kami na magkasama ni mama at Rina, at baka kung ano naman ang isipin sa akin. Hindi rin ako kumain at natulog nalang ako bigla, hindi kami nagkikibuan ni mama dahil ayaw ko pa at masakit pa talaga sa puso.

Anak nya ako at ina ko rin sya pero hindi ako magpapakaanak ngayon para lang sa kanyang mali na akusasyon na hindi manlang ako pinakinggan muna.

Mahirap ba na makinig muna? Kahit na hindi natin gusto ang isang tao ay may karapatan pa rin sila na pakinggan. Pero ano pa nga ba kung nauunahan na ng pagkasuklam ang pang-unawa.

Mahirap na talaga 'yun unwain.

I'm also thankful that somehow Justin was there and listened to my complaints even though he was the cause of our pain.

He doesn't have any idea after all and it's not his fault if girls like him and Rina is one of them who fell for him.

He's handsome and kind too but that's only to others and not to me.

Somehow I was complaining about why it was like that but I just told myself that I should be used to him by now.

Well, it's still not.

"Nasa bahay pa rin ang mga banana chips na binili ko para sayo, bakit hindi mo doon puntahan kung gusto mong kumain? Puntahan mo doon sa bahay kase ma-expired na ang mga iyon" aniya.

Suminghot ako kase barado ang aking ilong.

"Paano ko gagawin iyon gayong nag-away tayo" sabi ko.

Hinawakan nya ang aking kamay at hinila na nya ako palakad pauwi.

"Hindi tayo nag-away at ikaw lang ang umaway sa akin ng wala naman malalim na dahilan" sabi nya pa.

Ngumuso ako.

"Parehas lang naman iyang sinabi mo. Mababaw o malalim still may dahilan pa rin" kambyo ko sa kanya.

"Paanong parehas? Katulad rin ng sinabi mo kanina na ako ang nagbigay ng mga banana chips kay Rina na ikaw naman ang nagbigay lahat sa kanya, ang hilig mo mambaliktad ng sitwasyon at ako kaagad ang pagbibintangan mo. Anong nakain mo at ipinamigay mo lahat? Hmmm?"

Natahimik ako sa sinabi nya at binalanse ang kanyang sinabi.

"Next time don't do that Naya kung gusto mo lang din naman"

Hinigpitan nya pa lalo ang paghawak sa kamay ko habang magkasalikop ang mga ito, halos wala akong nakapa na kalyo doon at sobrang lambot dahil ito sa kanyang trabaho at sigurado ako doon, samantala ang mga palad ko ay may kaunting kalyo dahil sa trabaho na puro basahan at taga-hugas ng mga plato at kaldero ng mga nilulutuan ni mama.

"Bukas pumunta ka sa mansyon para makita ka ni Rina dahil ako ang pinag-iinitan dahil hindi ka na nya nakikita" pabalang na sabi ko nalang.

"I'm busy Naya" maikling sagot nya kaya binawi ko iyong kamay ko sa hindi nya inaasahan kaya nabitawan nya ito.

"Sorry, nakalimutan ko na marami ka palang obligasyon kaya dapat hindi ako basta-basta nagsasabi sayo ng mga ganito" at nilampasan sya. "Pag ako ang magsabi ay ang dami mong rason at ayaw mo nalang sabihin na ayaw mo talaga" naiinis na himutok ko.

Busy...busy kay Winona kamo! Dapat ganyan ang sabihin nya. 5 months na nga sya na hindi nagpakita tapos sasabihin nya na busy sya?

Sobrang pag-busy nya pala kung ganoon!

Kaya ko naman umuwi mag-isa kahit madilim na pero hindi naman ganoon kadilim to the point na hindi na ako makakita ng mga bagay-bagay. Uuwi nalang ako kahit ayaw ko pa.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now