JASMINE.
"I talked to one of the staff at the bar where Dave's mother, Naya, works"
Napatanga ako kay attorney mula sa mga pictures na hawak ko.
"Anong sabi?" hindi makapaghintay na tanong ko.
"I showed the picture you are holding now and they confirmed that Dave's mother is assisting customers but not exclusively working there"
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"How come po?"
"They didn't say what the details were but they said they saw the face of a woman with the alias Jasmine in the log book for the privacy of their identity, hindi sila gumagamit ng totoong mga pangalan Naya"
"Kung ganoon, mahihirapan tayo na makilala kung sino sya attorney gayong gumagamit sila ng fake na pangalan?"
Sa totoo lang ay dismayado ako pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa dahil nakakuha na kami ng paunang impormasyon. Nagsisimula palang naman kami kaya ipinapangako ko sa aking sarili na kahit abutin pa ako ng dekada sa kaso ng mag-ama ko ay hindi ako titigil.
It is their right to get justice.
Hindi ko pweding baliwalain nalang ang lahat ng paghihirap ni Dave, kung sino man ang gumawa nito sa kanya ay sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa bilangguan.
Kahit ano pa man ang atraso ni Dave sa kanila ay wala silang karapatan na bawian ito ng buhay at idinamay pa talaga nila ang anak namin na walang malay.
Mga demonyo sila!
Hindi ko patatahimikin ang kaluluwa nila kahit sa impyerno pa. Kulang ang buhay nila para matanggap ko na wala na ang aking mag-ama! Uubusin ko ang pera ni Dave para sa kanilang hustisya!
"No! I need to talk to the owner of the bar but he's not here right now and he's in Spain. What we're going to do is wait for him to come while we're still looking for another angle on Dave's mother"
Napatango ako sa kanyang sinabi pero kailan pa babalik? Sa mga nangyayari ngayon ay hindi na ako na makapaghintay na masimulan ng mas malalim ang kasong ito.
"Buhay pa kaya sya ngayon kuya?"
"Posible Naya. Iyan ang hindi naikwento sa akin ni Dave noon ang sabi nya lang ay nasa loob sya ng sindikato mula noong bata pa sya at posible rin na nakarelasyon ng mother nya ang leader ng mga ito"
"At posible rin na doon sa bar nagkakilala ang leader ng sindikato at ang mother nya? Pero ang isa pa sa mga palaisipan kuya, kung bakit hindi sila nagtatrabaho sa bar?"
"There are referral companies Naya and it is possible that Dave's mother is able to enter the bar because of the booking. That trend was popular before that if you want to get a girl to accompany you, you can get her by booking and a lot of money will be released by the people who book because it's a black market"
"Inshort, escort ang tawag sa kanila ngayon?" mabilis na tanong ko.
Tumango sya.
Napatango rin ako.
"Kung buhay pa ang mommy ni Dave pero bakit hindi na sila magkasama ni Dave attorney?"
"That is what we will discover in the next few days kung pag-iigihan pa natin lalo"
Halos magdamag ako na hindi nakatulog sa kaka-research sa bar na iyon at talagang kilala ito sa mga mayayamang parokyano. Hindi ako kuntento na hihintayin lang si attorney at makibalita lang ako sa kanya.
Hindi basta-basta ang bar at walang bahid na kahit na anong ratings. O baka sinadya nila na walang reviews dahil hindi naman pang masa ang target market nito kaya hindi nila kailangan ng ganoong marketing strategy but still visible sa internet.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomantizmWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...