Sakto alas otso ng umaga ay na-recieve ko na ang text ni Justin na nasa baba na sya. Kinuha ko na ang bag ko na dala papunta rito at sinarado na ang pad ni kuya Pax. Excited na rin talaga ako na makauwi kaagad dahil hindi na ako makapaghintay na makita si Mousey.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti rin na sumisibol ang patagong damdamin ko sa kanya. Kung noong mga bata pa kami ay hindi ako magalang, ay nagiging magalang na ako sa kanya. Gusto ko na magiging perfect sa kanyang paningin at ayaw nya na hindi maayos ang aking pananalita sa harap nya kase na-tu-turn-off sya kapag ganoon.
Si Mickey kase ang anak ng mahirap pero lumaki na prim and proper at gustong-gusto ko iyon sa kanya, lalo na ngayon na titser na sya. Sobrang ma-respeto at disiplinado nyang tao. Minsan na rin sya umuuwi sa hacienda Valderama para bisitahin ang kanyang ina dahil may bahay na sya sa bayan sa kung saan sya nagtuturo.
Ang layo na talaga ng narating nya. Matanda sya sa akin at kaidaran nya yata si Justin pero hindi hadlang ang agwat nya sa akin para hindi sya magustuhan. Mga ilang taon lang naman ang agwat nya.
"Mabuti naman at maaga tayo aalis Jah" masayang sabi ko habang kinakabit ang aking seatbelt.
Natapos nalang ako sa pagkakabit at nakaabot na kami sa high way ay hindi umiimik si Justin. Bad mood yata sya ngayon.
"Hoy! Hindi ka na umiimik dyan" pabirong sita ko.
He sighed at nilingon ako ng saglit lang at ibinalik nya ulit ang kanyang mga mata sa kalsada.
"Mag breakfast muna tayo" tamad na sabi nya.
Ngumiti ako na tumatango sa kanya.
"Akala ko ay galit ka dahil nakisakay ako sa kotse mo. Hayaan mo pag may oras ako pagkaalis ni Mousey ay lilinisan ko ang kotse mo. Alam ko naman kase na nandidiri ka sa akin" sabi ko pa.
Nakatagilid sya sa akin at obvious ang side view line ng ilong nya. Matangos rin ito. Ang mata nya ay may pagka blueish. Namana nya ito sa kanyang lola na nakita ko ang malaking larawan sa sala ng kanilang mansyon. Hindi mapula ang kanyang mga labi. Ito ay sakto lang at hindi rin maitim. Manipis rin ito. Unlike sa mga labi ko na medyo makapal at makipot.
Nakakunot ang kanyang noo dahilan ng pagsasabunutan ng kanyang mga kilay. Hindi rin ito makapal at para bang inahit dahil sa ganda ng hugis kahit hindi naman. Ang laki ng katawan nya ay sakto lang. Lean ang posture nya kaya mas nadepina ang kanyang tangkad.
Ngayon ko lang sya natitigan ng ganito kalapit. Hindi ko kase nakikita ang mga ito sa kanya. Seguro dahil after ilang years ay ngayon lang sya bumalik para mag for good na rito. Sa ibang bansa kase sya halos lumaki at doon na rin nag-aral.
Kaya mula noon ay palagi na ako nakakatikim ng chocolate mula kay Ma'am at Sir kase wala ng may aagaw ulit ng bigay nila sa akin. Sa tuwing darating sila galing Manila ay inaabangan ko ang kanilang sasakyan dahil sa chocolate. Natigil nalang iyon noong malaki na ako.
Madalas rin ako sa kanilang mansyon noon at nakakaakyat ako sa kanilang mga silid. Lalo na sa silid ni Justin. Madalas rin ay nakakatulog ako doon kapag tanghali na. Ginigising nalang ako ng mga katulong para pauwiin na ako sa kabilang hacienda.
Pero bata pa naman ako noon at ngayon ay hindi ko na alam kung ano na ang itsura ng kanyang silid. Na curious tuloy ako na makita ulit iyon. Maraming toys doon. Ang mga laruan ko ay dinadala ko doon para maglaro. Ang huling pasok ko sa kanyang silid ay dala ko ang aking piggy pink na stuff toy at hindi ko na nakuha ulit iyon hanggang ngayon. Inisip ko nalang na baka itinapon na kase sobrang tagal na rin.
Umuuwi rin naman sya rito tuwing pasko kaya alam ko na ipinatapon na iyon ni Jah at kapag andito sya ay hindi na ako nagpapakita dahil takot ako na i-bully nya ulit. At iyon na ang huling tapak ko sa kanyang kwarto.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...